You are on page 1of 4

Pamagat: Die Beautiful

Direktor: Jun Robles

Karakterisasyon/ Mga Tauhan


1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula? Ilarawan ang karakter ng
pangunahing tauhan.

Trisha Echevarria / Patrick – siya ang pangunahing tauhan sa pelikula. Isa


siyang transgender woman na mahilig lumahok sa mga gay pageant
Barbs – matalik na kaibigan ni Trisha Echevarria
Papa – ang tatay ni Trisha Echevarria na tutol sa pagiging bakla niya
Beth – ate at nag-iisang kapatid ni Trisha
Jesse – naging kasintahan ni Trisha at namatay sa pelikula
Migs – ang crush ni Trisha noong high school sila
Shirley Mae – ang batang inampon ni Trisha Echevarria
Flora – bakalang may-ari ng funeraria

2. Ano ang karakter ng pangunahing tauhan sa pelikula?

Si Trisha Echevarria (Paolo Ballesteros), na ang pangalan ng


kapanganakan ay si Patrick, ay isang babaeng transgender na ang sekswalidad
at pangarap na maging isang reyna ng kagandahan ay lubos na sinalungat ng
kanyang ama (Joel Torre), na nagdulot sa kanya na umalis sa kanilang bahay
at manirahan sa sarili nitong kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si
Barbs.

3. Sino ang artistang gumanap sa mga karakter sa pelikula?

Paolo Ballesteros bilang Trisha Echevarria / Patrick


Christian Bables bilang Barbs
Joel Torre bilang Papa
Gladys Reyes bilang Beth
Luis Alandy bilang Jesse
Albie Casiño bilang Migs
Faye Alhambra bilang Shirley Mae
Inah de Belen bilang batang Shirley Mae
IC Mendoza bilang Paola
Cedrick Juan bilang Erika
Lou Veloso bilang Flora
Mimi Juareza bilang Mommy
Iza Calzado
Eugene Domingo
Mel Martinez bilang Baklang parlorista
Jade Lopez bilang Diana
Kokoy De Santos bilang Michael Angelo

4. Mahusay ba niyang nagampanan ang karakter sa pelikula? Saang bahagi ng


pelikula nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap o kahinaan sa
pagganap.

Napakahusay na nagampanan ni Trisha Echevarria (Paolo Ballesteros) ang


kanayang karakter sa pelikula. Ipinakita ng artista ang kahusayan niya sa
pagganap sa pelikula sa parte na kung saan kausap at pinapangaralan niya ang
kanyang anak o ampon. Ipinapakita ditto ang kahalagahan ng isang tunay na
magulang, kadugo man o hindi.

Banghay, Sinopsis, Buod


Paglalahad ng daloy ng mga pangyayari mula sa simula, mga mahahalagang
pangyayari, kasukdulan hanggang wakas.

Mula pa sa pagkabata, pangarap na ni Trisha (Paolo Ballesteros) na maging isang


“beauty queen” sa mundo ng mga bakla. Hindi matanggap ng ama ang pagiging bakla
ng anak pagka’t ang tingin niya rito’y bagay na nagdadala ng kahihiyan sa kanya
bilang ama at sa kanyang pamilya. Darating ang panahong tatahakin ni Trisha ang
lahat upang makamtan ang matayog na pangarap, at sa kanyang paglipad, katuwang
niya si Barbs (Christian Bables), kapwa niya bakla, kaututang-dila, at matalik na
kaibigan mula pagkabata. Bagama’t “masaya” pagka’t malaya niyang tinutunton ang
piniling daan, hindi rin magiging madali ang buhay para kay Trisha. Ang huling
hiling niya kay Barbs bago siya mamatay ay: sa bawa’t gabi ng kanyang lamay, ay
palitan ni Barbs ang kanyang anyo upang magmukhang iba’t ibang artistang babae na
kanyang pinili.

Sinematograpiya
1. Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood ang
pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera.

Tama lang ang sinematograpiya ng pelikulaapsagkat mayroong parte sa pelikula


na masyadong madilim na halos hindi makikita ang mga tauhan. Ngunit maganda
ang pagkagamit ng visual effects upang mabigyang diin ang mga bagay na nais
ipakita sa manonood.

2. Tunog at musika – Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga
bahagi ng pelikula na nagbigay daan upang bigyang linaw ang mga pangyayari
at maramdaman ng manonood ang sitwasyon, tagpuan at kalagayan ng pangyayari
sa pelikula?

Malinaw at maayos na nailapat ang mga musika at tunog sa mga bahagi ng


pelikula. Hindi din masyadong gumamit ng madaming musika at tunog sa
pelikula. Ang nagpaganda lang doon ay ang natural na tunog at mga ingay na
hindi naman kalakasan at sakto lang para marinig ang pag-uusap.

3. Maganda at may kaugnayan ba ang paglalapat ng musika sa bahagi ng pelikula?


Nagbigay daan ba ito sa damdamin upang mapadama sa mga manunuod ang
sitwasyon sa pelikula?

Maayos ang pagkakalapat ng musika sa bahagi ng pelikula at hindi din


naman masyadong gumamit ng ibat-ibang musika. Naipadama ng mga musikang
ginamit sa mga manonood ang bawat sitwasyon sa pelikula.

4. Ang mga boses ba ng mga tauhan sa pelikula ay nakaapekto sa mga pangyayari,


sitwasyon, kalagayan at estetika ng pelikula?

Nakaka-apekto ang mga boses ng mga tauhan sa pelikula sa mga pangyayari,


sitwasyon, kalagayan at estetika ng pelikula sapagkat dito sa mga boses na
ito mo mararamdaman ang bawat damdamin ng mga tauhan sa pelikula.

5. Editing – mahusay ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng pelikula?


May mga bahagi bang putol o di- magkakaugnay o di- maunawaang pangyayari
dahil sa editing?

Maraming Flashbacks sa Die Beautiful, bagay na dapat bantayan ng mga


manonood upang mabuo niya ang palukso-luksong takbo ng kwento ng buhay ni
Trisha.
SINESOSYEDAD/
PELIKULANG PANLIPUNAN

Pagsusuri ng
Pelikulang
Panlipunan

Christian Albert Silva


BSED 2 - Science

You might also like