You are on page 1of 2

Michael Angelo H.

Tugas

BSA-II

PAGSUSURI NG PELIKULANG(title ng Pelikula)

THY WOMB

Director : Brillante Ma. Mendoza

Lead Cast:

Nora Aunor 

Bembol Roco 

Lovi Poe 

Mercedes Cabral 
Screenwriter: Henry Burgos

Producer: Melvin Mangada

Brillante Ma. Mendoza

Musical Director: Teresa Barrozo

Editor: Kats Serraon

Cinematograpiya: Odyssey Flores

Buod :

Matagal nang mag-asawa sina Shaleha at Bangas-An. Kumadrona si Shaleha at mangingisda naman ang
asawa niya. Subalit damang-dama nilang mayroong puwang sa kanilang pagsasamahan. Ito ay dahil hindi
kayang bigyan ng anak ni Shaleha si Bangas-An. Tatlong beses na rin siyang nakaranas ng pagkalaglag. Sa
tuwing mag-aampon sila ng mga sanggol, kinukuha naman ang mga ito ng kanilang mga tunay na
magulang kapag lumaki na. Araw-gabi, walang palya si Bangas-An sa paghahanap ng babaeng
makapagbibigay sa kanya ng anak. Kaya imbes na magloko ang asawa, si Shaleha na mismo ang
naghanap ng babaeng maaaring pakasalan ni Bangas-An. Masakit man ay kaya niyang tiisin ang hapding
nararamdaman kung iyon lamang ang makapagpapasaya sa kanyang asawa. Tumatanda na siya at ito
lamang ang tanging paraan para matugunan niya ang pangarap ng kanyang asawa na magkaroon ng
anak sa paniniwalang ito ang magpapala sa kanila at siyang simbolo ng banal na grasya ni Allah.
Ilang babae rin ang kanilang tinungo hanggang sa natagpuan nila si Mersila na agad namang pumayag sa
kanilang alok sa tulong ng isang tagapamagitan. Inubos nila ang lahat ng kanilang ari-arian upang
matugunan ang dowry ni Mersila. Maluha-luha man, inialay rin ni Shaleha ang mga gintong alahas niya
para sa pangalawang asawa ng kanyang asawa. Maging ang motor ng kanilang naghihingalong bangka ay
ibinenta nila para makalikom ng napakalaking halaga— isang daan at limampung libong piso.

Subalit isang kagimbal-gimbal na rekisito ang nakapaloob sa dowry  ni Mersila. Iyon ay sa oras ng
kanyang panganganak, kailangang hiwalayan ni Bangas-An si Shaleha. Sa pagtatapos ng pelikula,
nagluwal ng isang malusog na sanggol si Mersila. Si Shaleha mismo ang nagpaanak sa kanya. Nasiyahan
si Shaleha sa iyak na kanyang naulinigan. Subalit nabalot din siya ng kapanglawan dahil alam niyang ang
iyak na iyon ang hudyat na kailangan na niyang lumisan.

Muli, hiniling niya kung maaaring mapasakanya na lang ang pusod ng sanggol. Pinahintulutan naman
siya ni Mersila. Sa tuwing pangangasiwaan niya ang panganganak ng mga buntis, lagi niyang hinihingi
ang mga pusod ng mga sanggol. Dahil malinaw kay Shaleha na hindi niya kayang magsilang ng anak, ang
mga pusod ng mga sanggol, kahit paano, ay nakapagbibigay sa kanya ng pakiramdam na siya ay isang
nanay rin. Isang pakiramdam na pinaaalalahanan siyang, sa dami ng sanggol na dumaan sa kanyang
mapaglingkod na mga kamay, isa na rin siyang ina kahit sila man ay hindi nagmula sa kanyang sariling
sinapupunan.

Pakay ng Pelikula: Layunin ng pelikulang ito na maipakita ang pagpapakasakit ng isang maybahay na
hindi magkaanak at handang magparaya alang-alang sa kaligayahan ng kabiyak.

Moral Lesson: Kayang ibigay ng taong mahal natin ang mga bagay na magpapasaya sa atin sa kabilang
banda ang magiging result anito sa kanila ay sakit at hinagpis.

Sanggunian :

https://www.moviefone.com/movie/thy-womb/20036637/main/

https://en.wikipedia.org/wiki/Thy_Womb

You might also like