You are on page 1of 2

“Sinapupunan (Thy Womb)”*

By Kathleen Solis

Enero 7, 2013 (Lunes)

Dadalhin ka ng pelikula sa isang komunidad ng mga Badjao sa Tawi-tawi – isang komunidad sa ibabaw
ng tubig. Kung mahilig kang magbasa ng pelikula ay hindi mo maiiwasang tingnan ang pelikula gamit
ang isang partikular na lente. Bilang babae, hindi ko naiwasang makita sa perspektibong peminista.
Ngunit ang mas nakakuha ng loob ko ay ang paglalarawan nito ng “resilience” ng isang komunidad na
araw-araw nakaririnig ng putok ng baril.

May iba’t ibang anyo ang kahirapan. May iba’t ibang kwento rin ng kalakasan at kahinaan ang bawat
komunidad na hinahamon nito. Ipinakita ng “Sinapupunan” ang kwento ng isang komunidad na araw-
araw bumabati sa kahirapan sa anyo ng engkwentro at kaguluhan, ngunit nagpatuloy. Sa kaso ng mag-
asawang Shaleha (Aunor) at Bangas-An (Roco), nagpapatuloy sa pag-aasam ng anak at paghahanap ng
babaeng makapagbibigay sa kanila nito.

Apat na tagpo ang nagbigay sa akin ng mas malalim na pag-unawa kahirapan at resilience:

1. Nangingisda ang mag-asawang Shaleha at Bangas-Annang makarinig ng putok ng baril.


Tinamaan si Bangas-An at nahulog ito sa tubig. Sinagip ito ng kabiyak at ginamot gamit ang ilang
halamang gamot. Walang ipinakitang galit sa mukha ng mag-asawa.

2. Sa isang kasalan, isang sayaw ang ginagawa ng bagong kasal. Isa-isang lalapit ang mga panauhin
upang mag-ipit ng perang papel sa mga daliri ng bagong magkabiyak. May putok ng baril at
magkakagulo. Ngunit hindi nito napahinto ang kasiyahan: “Ituloy ang pagtugtog, ituloy ang
pagsayaw.”

3. Mapapansin ni Shahela ang pilat sa binti ng isang bagong kakilala. “Anong nangyari dyan?”
tanong nito. Sasagot ang babae ng “Nadamay sa engkwentro.” Pansin pa rin ang pilat ngunit
mas nakatuon ang atensyon ng ale sa isdang nililinis nito.

4. Habang pabalik sa kanilang Bangka ay may babanggang sundalo kay Shahela. Malalaglag ang
dala nitong kamoteng kahoy. Tahimik nya itong pupulutin at ibabalik sa lalagyan habang ang
paligid ay nag-iingay sa putok ng baril. Pagbalik ni Shaleha sa Bangka ay iaabot ni Bangas-An ang
binili nitong bagong balabal para sa asawa.

Ang resilience ay isang kalakasan na panangga ng isang komunidad o pamilya sa epekto ng kahirapan
na kinakaharap nito. Sa Tawi-tawi, ang kahirapan ay nasa porma ng kaguluhan, habang sa Banaba, ito
ay nasa anyo ng kalamidad. Sa parehong kaso, walang tuwirang magagawa ang komunidad upang
sagupain ang kahirapan na kanilang kinakaharap. Ngunit, sa parehong kaso, habang tumataas ang
antas ng resilience ng komunidad, tumataas ang ang depensa nito sa epekto ng kahirapan na kanilang
nararanasan.

Nasa iisa mang komunidad, ang antas ng resilience ng bawat pamilya dito ay maaaring magkaiba-iba na
base sa iba’t iba pang kalakasan. Sa kaso ng mag-asawang Shaleha at Bangas-An, ito ay nahugot nila sa
kaalaman ni Shaleha sa tradisyunal na panggagamot upang mailigtas si Bangas-An; at katatagan ng
mag-asawa sa pagharap sa bingit ng kamatayan.

Malaking salik din ang pagkakaroon ng mga tao sa komunidad ng magpapanguna sa pag-anyaya sa
ibang magpatuloy: “Ituloy ang pagtugtog, ituloy ang pagsayaw.” Dito lilitaw ang pangangailangan sa
mga lider.

Kadalasan, may pilat na idudulot ang kahirapan sa isang indibidwal. Ngunit maraming indibidwal sa
komunidad na, imbes na ituon ang pansin sa pilat ay pinipiling ituon ang atensyon sa bagay na mas
mahalaga sa kanila gaya ng araw-araw na gawain (tulad ng paglilinis ng isda) at mga taong
nakakatuwang nila (kaya’t may kurot sa puso ang pag-abot ng regalo ni Bangas-An sa kanyang may-
bahay).

*Ang “Sinapupunan” ay pelikula ni Brillante Mendoza at isang entry sa Metro Manila Film Fetival 2012.

You might also like