You are on page 1of 2

GAPAD,ROXANNE L.

PEBRERO ,2023

BAFL 3A PAGSASALING TEKNIKAL

MGA TEKNIKAL NA SALITANG GINAGAMIT SA LARANGAN NG MATEMATIKA

1.ALGEBRA-Ito ay isang sangay ng matematika na pag-aaral ng mga batas ng mga


operasyong matematika,ugnayan(relation),at paglikha ng mga konsepto na nagmumula
sa mga ito gaya ng mga termino(term),polynomial,ekwasyon,at strakturang alhebraiko.

2.CALCULUS-(Latin,calculus,may literal na kahulugang “isang maliit na baton a


ginagamit para sa pagbilang”)ay isang sangay ng matematika na pag-aaral ng mga
hangganan(limits),deribato(derivatives),integral(integrals) at seryeng walanag
hangganan(infinite series).Ito ay bumubuo ng isang pangunahing bahagi ng
makabagong edukasyong pamantasan.

3.TRIGONOMETRY-(mula sa Griyego trigonian “tatsulok” + metron “sukat)-isang


sanagay ng matematika na isang pag-aaral ng mga tatsulok,partikular iyong mga
tatsulok na plano (plane)na may sulok na 90 digri(right triangle o tamang tatsulok) at
ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga gilid at ang mga anggulo ng mga gilid na ito.

4.STATISTICS-ang pag-aaral ng mga pagtitipon,pagsasaayos,analisis o


pagsisiyasat,pagbibigay kahulugan at pagtatanghal ng mga datos(o data).

5.PHYSICS-isang natural na agham na sumasangkot sa pag-aaral ng materyal at


mosyon nito sa espasyo –panahon kasama ng mga kaugnay na konseptong ng
enerhiya at pwersa.Sa malawak na paglalarawan,ito ang pangkalahatang analisis o
pagsisiyasat ng kalikasan na isinasagawa upang maunawaan kung paano umaasal ang
uniberso.

6.GEOMETRY-(Sinaunang Griyego:geo-“daigdig”,metron-“pagsukat”)ay isang sangay


ng matematika na umuukol sa mga tanong ng hugis,sukat,relatibong posisyon ng mga
pigura at mga katangian ng espasyo.Ang isang matematiko na gumagawa sa larangan
ng heometriya ay tianatawag na heometro(geometer).

7.ARITHMETIC-ang kaniyang kadalasang gamit ay bahagi ng matematika o sipnayan


na maituturing na kahalingkabuluhan na teorya ng bilang(number theory).Sa ilalim nito
ang tradisyunal na operasyon ,pagsusuma o pagdaragdag,pagbabawas ,pagpaparami
at paghahati.Kasama rin nito ay ang mas mataas na operasyon gaya ng
pagbabahagdan.

8.

You might also like