You are on page 1of 4

Pagtataya sa Kahandaan sa Pagtuturo

Sa K -12 Kurikulum ng Edukasyon, inaasahan na mababago ang pananaw sa larangan ng


pagtataya. Binibigyang diin sa K-12 na ang pagtataya ay ginagamit bilang kagamitang panturo tungo sa
pagkatuto sa halip na isang paraan para sa layunin ng pagmamarka.

Ang mga mag-aaral ay aktibong kalahok sa pagtataya at magagamit nila ang resulta ng pagtataya
para sa sariling pag unlad. Kaya dapat na ang mga pagtataya ay tumutulong sa mga mag-aaral na
magtagumpay bilang malikhaing tagaganap na may kaalaman sa halip na taga-ulit at taga-memorya ng
ideya ng ibang tao.

Tatlong Uri ng Isang Balanseng Gawain sa Pagtataya

1. Pagtatayang Tradisyunal (Pencil & Paper Tests)

 Ito ay isang uri ng pagtataya na kilala sa tawag na lapis at papel na pagtataya o pagsusulit.
 Dito binibigyan ng pagsusulit ang mga mag-aaral na pare-pareho ang tanong, oras, panuntunan
at ang inaasahang sagot. Madalas na sinusuri nito ang mga mababang antas ng kognitibong
kasanayan.
 Ang mga aytem sa pagsusulit ay maaaring ginagamitan ng mga salita, numero, simbolo, larawan
kaya't ang mga madalas na nakakapasa ay ang mga taong may talino sa linggwistika,
lohika/matematika o viswal.
 Ginagawa ito lalo na kung ang nais ay obhektibong pamamaraan na pagmamarka at pagpili ng
mga dapat parangalang pang-akademiko sa klase.

2. Pagtatayang Pagsasagawa - Ito ay isang uri ng pagtataya na kinakailangang aktwal na ipakita ng


mga mag-aaral ang kasanayan na nais husgahan. Tinataya nito ang mga matataas na antas ng
kognitibong kasanayan at mga kasanayang pan saykomotor. Binibigyang-diin ang mga
kasanayang maaa-ring isagawa sa totoong buhay.

Mga Prinsipyo ng Pagtataya Pagbibigay-diin sa Pagtataya para sa Pagkatuto sa Halip na Pagtataya sa


Natutunan

A. Ginagamit ang pagtataya bilang kagamitang panturo na naglalayon sa pagkatuto sa halip na


pagbibigay lamang ng grado at ebalwasyon.

B. Ang mga mag-aaral ay aktibong partisipant sa pagtataya at nagagamit ang nilalaman ng


pagtataya sa pagkatuto.

C. Parehong ginagamit ng guro at mag-aaral ang pagtataya upang mabago o mapabuti ang mga
gawain sa pagkatuto at pagtuturo.

D. Pagsasagawa ng mga peer tutoring o pagtatambal ng mga mag-aaral na mas mabilis matuto sa
mga mag-aaral na may kabagalan..

Pagsasangkot sa mga Mag-aral sa Pagtataya


 Pinoproseso ng mga mag-aaral ang mga impormasyong nasa pagtataya upang makagawa ng
mga desisyon para sa kanilang pag-unlad, makilala kung ano ang may kalidad na gawain, mataya
ang sarili at maipaalam ang kanilang kalagayanat progreso upang marating ang hinahangad na
pagkatuto.

 Dinidirekta ng mga mag-aaral ang sariling pagkatuto: ano ang dapat nilang matamo, nasaan na
sila ngayon at paano matatakpan ang puwang pagkatuto. (Performance Based Assessment)

 Paggawa/Pagpapakita (Performance)

 Produkto/Ginawa (Product)

3. Graphic Organizer o grapikong pagsasaayos ay ginagamitsa pagbabalangkas, pagsasaayos, at


paglikha ng sari-saring paglalarawang biswal ng impormasyon, konsepto, paglalahat, at iba pang
mga datos.

1) Biography Diagram - Nababagay ito sa paghahanda sa pagsusulat ng isang talmbuhay. Bago pa


man simulan ngang pagsulat, magaggamit ito sa pagtukoy at pagtala mahahalagang pangyayri sa
buhay ng isang tao.

2) Bubble Map- Ginagamit ito upang ipakita ang kaugnayan ng paksa sa mga konsepto (o
pangyayari sa sanhi at dahilan) sa isang lohikal na paraan.

3) Cause And Efect Diagram- Ginagmit ito sa pagpapakita ng mga kaugnayan sa pagitan ng mga
pangyayari o datos (mga sanhi at bunga) sa konklusyon.

4) Chain of Events - Ginagamit ito kung ang paksa ay may kinalaman sa isang tuwid na
magkakasunod-sunod na pangyayari (linear cahin of events), na may tiyak na simula, kalagitnaan
at katapusan, gumagamit ng chain of events graphic organizer. Halimbawa: pagsusuri sa plot ng
isang kuwento.

5) Character Traits - Ito ay tumutulong sa mag-aaral na tukuyin ang mga tauhan o bayani sa
pamamagitan ng pagtingin sa mga pangyayarig nakapalibot sa tauhan sa teksto.

6) Chart/Matrix Diagram - Ginagamit ito kung ang paksa ay may kinalaman sa pagpapaikli at pag-
aayos ng datos ukol sa mga katangian ng maraming konsepto, gumagamit ng chart/matrix.
Halimbawa: paglikha ng eksibit ng mahahalagang artifacts, kung sino ang nakatuklas ng mga ito,
kailan, saan, bakit mahalaga ito, at iba pa.

7) Clock - Ginagamit ito kung ang paksa ay may kinalaman sa tinatawag na clock-like cycle,.
Halimbawa: pagtala ng mga pangyayari sa siyang tipikal na araw kaya'y paglikha ng isang story
clock upang lagumin ang isang kuwento. paaralan o

8) Cloud/Cluster -Ginagamit ito kung ang paksa ay nangangailangan ng pagbuo ng sapot o web ng
mga ideya batay sa isang paksa. Halimbawa: brainstorming.

9) Compare and Contrast Idea Map-Ginagamit upang ipakita kung paanong ang dalawang
magkaugnay na konsepto o impormasyon ay magkatulad o magkaiba sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga ito.
10) Continuum/Timeline- Ginagamit ito kung ang paksa ay may tiyak na simula at katapusan, at
mayroong maraming pagkakahati o pangyayari sa kalagitnaan,. Halimbawa: pagpapakita ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.

11) Cycle of Events -Ginagamit ito kung ang paksa ay tungkol sa paulit-ulit na pangyayari, na walang
simula at katapusan. Halimbawa: stages paghahanda ng isang programa, badyet o batas.

12) Decision Making Diagrams- Ginagamit ito upang maisa-isa ang mga posibloeng alternatibo at
ang mga pro at con ng bawat isa. Halimbawa: buuin ang decision making diagram upang
makapagpasya kung anong mga gagawin mo upang madadagan ang kita ng inyong mag anak.

13) Enumeration Description Idea-Map- ito ay tumutulong sa nga mag aaral na matukoy ang mga
pangunahing ideya at itala ang mga posibleng depinisyon,mga terminong may kaugnayan sa
paksa o mga halimbawa.

14) Report Diagram Magagamit ito sa paghahanda ng isang ulat ukol sa isang paksa. Bago magsulat,
dapat pag-isipan ng mag-aaral at itala ang mahahalagang paksang sasaliksikin at isasama sa ulat.

15) Spider - Kapag nagsusuri ng mga katangian ng iisang paksa, at pagkatapos ay nangangalap ng iba
pang detalye para sa bawat ideya o katangian, gumagamit ng spider diagram bilang graphic
organizer. Tulad ng star diagram, mayroon itong higit sa isang lebel/detalye. Makakatulong ito
sa pag-aaral (tulad ng pagsulat ng notes, pagbasa, paggawa ng takdang aralin, pagkabisado at
iba pa.

16) Star - Kapag nagsusuri ng mga katangian ng iisang paksa, mabisang gamitin ang star daygram.
Halimbawa: paghahanap ng mga paraang makatutulong sa pag-aaral (tulad ng pagsusulat ng
notes, pagbabasa, paggawa ng takdang-aralin at pagkakabisado).

17) Story Map - Natutulungan ng mga story map ang isang mag-aaral na lagumin, suriin at unawain
ang isang kuwento o pangyayari.

18) Story Pyramid - Nagagamit ito sa pagsusuri ng mga mahahalagang pangyayari sa isang kuwento
o tagpo.

19) T-Chart Diagram - Kung ang paksa ay may kinalaman sa pagususri o pagkukumpara ng dalawang
bagay aspeto ng isang paksam, gumagamit ng T-chart Halimbawa: buuin ang T-chart upang
tasahin ang mga kahinaan at kalalksan ng isang pasya.

20) Tree -Kung ang paksa ay may kinalaman sa magkakasunod na pangyayari (chain of events) na
may iisang simula at maraming kinahinatnan sa bawat node (tulad ng family tree), gumagamit
ng tree o puno bilang graphic organizer. Halimbawa: pagpapakita ng mga miyembro ng pamilya.

21) Time Order Or Sequence Graphic Organizer - Nababagay sa pagtuklas at pagpapakita ng lohikal
na pagsasaayos ng mga ideya mula sa pinaka-una hanggang pinakahuli, mula sa pinkamahalaga
hanggang sa hindi gaanong mahalaga, panimula at konklusiyon.
22) Venn Diagram - ginagamit ang ven diagram sa paghahambing ng dalawang bagay/ideya na may
iisang na nagkakaiba at nagkakatulad. Ang pagkakatulad ay inilalagay sa bahagi ng bilog na
magkapatong.

23) Vocabulary Map- Maaaring makatulong ang graphic organizer na ito sa pag-aaral ng talasalitaan,
sa paglilista ng salita, uri (pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay at ibapa.) kasinkahulugan
at kasalungat nito, larawang kumakatawan dito, at pangungusap na guamgamit ditto

24) Y-Chart Diagram-kung ang paksa ay may kinalaman sa pagsusuri at pagsasaayos ng datos na may
tatlong katangian, gumagamit ng Y-chart. Halimbawa: buuin ang Y-chart upang mailrawan ang
iyong nalalaman tungkl sa isangbayani kabilang ang kanyang karanasan, sinabi, at ginawa..

_____________________________________________________________________________________

Gawain 1:

Pansinin sa mga naranasang PAPER AND PENCIL TEST na nagawa na ng mga dati o
kasalukuyang guro, itala ang mga mali sa pagsusulit at magbigay ng solusyon bilang pagtatama.

Gawain 2:

Mula sa klase ni Bb. Jun Ann Gabarra na TTL 1 ng BSED Fil 2A & 2B, pumili ng
dalawang video na ipinasa via Facebook. Gumawa ng naratibong komento mula sa ipinasang
performance output (5-10 pangungusap) at pagkatapos ay gumawa ng sariling rubrik para ito ay
mabigyang ng kaukulang marka (sa rubric ay maglagay ng sariling iskor o pagmamarka)

Gawain 3:

Mula sa 24 na halimbawa ng graphic organizer, pumili ng 12 estratehiya at gumawa ng


sariling halimbawa. Pumili ng paksa (iba-ibang paksa) at ilapat ang 12 napili. Mas mainam kung
detalyado at tiyak ang gagawing panuto. Kung magsusumite ng gawain, sagot lamang ang i-
attach. (Bawat isang estratehiya, isang pahina)

You might also like