You are on page 1of 3

Ang mga Graphic Organizers

Inihanda ni: Charlene T. Foster

 Graphic organizers are visual representation of knowledge that structure information


by arranging important aspects of a concept or topic into a patter using labels
(Broomley, DeVitis & Modlo, 1999). Their main function is to help present
information in a concise way that highlight the organization and relationships of
concepts.
 Ang mga grapiko ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito ay may dalawang
dimension naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang maayos, malinaw at
maikli ngunit malaman at buo. Ginagamit dito ang kombinasyon ng mga guhit,
larawan, at mga salita upang linawin at ilantand ang kaisipan, konsepto, proseso, at
ugnayan ng mga bagay-bagay.

Ang Kahalagahan ng Graphic Organizer


 Nagfofokus ng atensyon sa mga pangunahing ideya / konsepto.
 Nakatutulong sa pagsasanib ng dati nang kaalaman sa bagong kaalaman.
 Nakapagpapadali sa pagdebelop ng konsepto.
 Napapahusay ang kasanayan sa pagbasa, pagsulat at pagsusuri.
 Nakatutulong sa pagsulat kaugnay ng pagpapaplano at pagrerebisa.
 Nakahihikayat sa diskursong focused o nakatuon sa isang paksa.
 Maaring instrument ng ebalwasyon.
 Nakatutulong sa pagpaplanong instruksunal.

Mga Uri ng Graphic Organizer

1. K-W-L Technique (Know-Want-Learn)


Ito ang Teknik upang matukoy ang dati nang kaalaman at iniuugnay sa mga
bagong kaalama. Nakabatay ito sa paniniwalang mas nanatili at nagiging
makahulugan ang bagong kaalaman kung iniuugnay sa dati nang alam.

2. Concept Map
Ang concept map ang nag-uugnay ng mga konsepto hanggang sa makabuo
ng malaking ideya o katuturan.

3. Concept Cluster
Ito ay ginagamit upang madaling maisa-isa at mabigyang-kahulugan ang
klister ng mga salita, konsepto o pangyayari.

4. Venn Diagram
Ang venn deiagram ay ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng
dalawang paksa upang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.

5. Hirarkikal/Hierarchal Diagram
Ito ay lapit na linyar at kabilang dito ang pangunahing konsepto at mga sub-
konsepto na nasa kabilang pahina.

6. Factstorming Web
Malawak ang saklaw ng factstorming web sapagkat makikita rito ang lahat ng
masasaklaw na detalye. Nasa sentro ang pangunahing konsepto at nakapaligid
dito ang mga kaugnay na konsepto. Nakapaligid naman sa kaugnay na
konsepto ang iba pang mga detalye.

7. Spider Web
Sa spider web, karaniwang mahahati ang aralin sa apat at bawat isa ay
tumutukoy sa isa sa apat na paa ng gagamba. Binubuo ng pangunahing
konsepto at sumusuportang datos ang bawat pangkat.

8. Discussion Web
Ginagamit ang discussion web sa pagtatalakay ng mga isyu na halos
magkatimbang o balanseng masasagot ng OO at HINDI. Naoorganisa rito ang
mga argumento o ebidensya tungkol sa isyung tinatalakay.

9. Ang Saklikal na Tsart


Ang sayklikal na tsart ay magagamit sa pagpapakita ng daloy ng mga gawain,
pangayayari o proseso sa simula hanggang katapusan.

10. Data Retrival Chart


Ginagamit ang data retrival chart sa pagsasaayos ng mga datos mula sa
isinagawang diskusyon sa klase o mula sa tekstong binasa. Magagamit ito sap
ag-uulat o pagbubuod ng leksyon.

11. Sensory Details Chart


Ginagamit ang sensory details chart upang mangalap ng mga datos o
impormasyon sa paggamit ng mga pandama.

12. Main Idea and Details Chart


Ginagamit ang chart na ito tuwing may pinag-aaralang pangunahing kaisipan
at pag-iisa -isa sa mga detalye.

13. Rank Order Chart


Natuturuan ang mga mag-aaral na mag-analisa ng mga paksa sa pamamagitan
ng rank order chart. Ito ay pagbibigay ng ranggo kung alin sa mga datos na
ibinigay ang dapat na mauna at naipapaliwanag ito ng mga mag-aaral.

14. Cause and Effect Chart


Ang chart na ito ang magbubuod sa sanhi at bunga ng isang pangyayari o
phenomena.
15. Process or Cycle Diagram
Sa pamamgitan ng diagram na ito, maaring pag -aralan ng mga mag-aaral ang
mga prosesso ng isang pangyayri o bagay.

16. Event Map


Ginagamit ang event map sap ag-aanalisa sa isang paksa o kuwento. Ito ang
madalas gamitin sa pagtalakay sa mga akdang pampanitikan.

17. Positive -Negative Chart


Ang P-N chart ay nakatutulong sa pagkilatis ng mga mag-aaral ng mga
positibo at negatibong epekto ng isang isyu.

18. Persuasive Planner


Nagagamit ang persuasive planner upang masanay ang mga mag-aaral na
manghikayat sa pamamagitan ng matalinong pangangatwiran at obhetibong
pagbibigay ng mga patunay tungkol sa isyung pinag-uusapan.

19. Fishbone Planner


Ang fishbone planner ay ginagamit sa pagtitimbang sa maganda at hindi
magandang epekto ng isang isyu o paksang pinag-uusapan.

20. Storyboard
Ginagamit ang story board upang ipakita ang mahahalagang pangyayari sa
kahong inihand a ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.

You might also like