You are on page 1of 6

D.

Disenyong Grapiko

-Isang metodo o pamamaraang biswal sa pakikipagtalastasan at presentasyon na ang pokus ay


makapagbigay ng impormasyon, makabuo ng mga ideya, makapagkita ng ekspresyon, makapagbigay ng
mensahe, konsepto/ at/ o damdaming nagdodokumento ng mga karanasang pantao.

"Graphic Organizer"

-Pinakamabuting halimbawa ng Disenyong Grapiko bilang mga biswal na simbolo na nagpapadali sa


gawaing pagtuturo at pagkatuto.

-Mabisa ito sa paglikha ng kawilihan (interest) at motibasyon na rin, pagpapaunlad ng pag-alala (recall),
maging ang pagtanggal sa pagkabagot (boredom) atbp.

Mga Halimbawa:

1. Semantic Map/ Web

-Ginagamit sa pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita/ konsepto/ maging ang pagsagot sa isang
tanong.

-Kinapapalooban ng mga sumusunod: a) Core o core question- ang pinakapokus ng web, b) Web strand-
kategorya ng mga salita na nauugnay ssa mga konsepto o ang mga sagot sa core question, c) Strand Tie-
linyang nag-uugnay sa bawat isa.

(INSERT EXAMPLE)

2. Word Map
-Nagpapakita ng mga mahahalagang elemento ng isang konsepto.

-Maraming impormasyon ang pwedeng ibigay mula sa isang konsepto. Hal. ("HAYOP"-kanyang uri, mga
kakanyahan, halimbawa ng nasabing konsepto)

(INSERT EXAMPLE)

3. Concept Map

-Nag-uugnay ng mga konsepto hanggang makabuo ng malaking ideya o katuturan.

-Kakikitaan ng kaayusan o organisasyon ng mga konsepto mula sa pangunahing teksto.

Hal. Ang ating bansang Pilipinas (pangunahing teksto/ ideya) na binubuo ng mga malalaki at malilit na
pulo (Iniuugnay na mga konsepto)

(INSERT EXAMPLE)

4. Factstorming Web

-May mas malawak na saklaw kaysa Semantic Web sapagkat detalyado.

-Naka sentro ang pangunahing konsepto at napapaligiran ng mga kaugnay nitong konsepto. Nakapaligid
naman sa kaugnay na konsepto ang mga detalye.

(INSERT EXAMPLE)
5. Story Map

-Nakatutulong ang story map na magabayan ang mga mag-aaral sa pag-uunawa at pagsusuri ng isang
kwento (Beck and McKeowa 1981).

-Ginagamit ito partikular sa mga maikling kuwento pati na rin sa mga mahahabang salaysayin tulad ng
nobela.

-Nagpapakita ng iba't ibang elemento ng isang kuwento upang mapadali ang pag-unawa at pag-alala sa
mga mahalagang detalye sa kuwento.

(INSERT EXAMPLE)

6. Discussion Web

-Ginagamit sa pagtalakay ng mga isyu na halos balanseng masasagot ng OO o HINDI.

-Sa pamamagitan nito ay naoorganisa ang mga argymumento o ebidensya tungkol sa isyung tinalakay.

Mga gabay sa pagtatalakay:

a) Mag-isip ng tanong na masasagot lamang ng OO at HINDI. Isulat sa loob ng kahon.

b) Isulat ang sagot sa tanong sa ilalim ng OO o HINDI.

c) Suriin ang bawat sagot.


d) Magbigay ng kongklusyon batay sa mga datos na nasa ilalim ng OO, gayon din sa mga datos na nasa
ilalim ng HINDI.

(INSERT EXAMPLE)

7. Venn Dayagram

-Ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng dalawang paksa (pangyayari, bagay, atbp.) upang
makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.

(INSERT EXAMPLE)

8. Clinning

-Uri ng disenyo na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan.

-Inilalarawan ng Clinning ang sidhi ng bawat salita at dito ay makikilala ang pinakaangkop na saljtang
dapat gamitin para sa isang konseptong nais ilarawan.

(INSERT EXAMPLE)

9. K-W-L Technique (Know-Want-Learn)

-Inaalam dito ang mga dating kaalaman (prior knowledge/ schema) na iniuugnay sa mga bagong
kaalaman.
-Nakabatay sa paniniwalang mas nananatili at nagiging makahulugan ang bagong kaaalaman kung
iuugnay ito sa dati nang alam.

KNOW- Kaalaman tungkol sa bagong leksyon.

WANT- Gustong matutunan tungkol sa bagong leksyon.

LEARN- Natutunan sa aralin.

(INSERT EXAMPLE)

Mga benepisyo ng Graphic Organizer:

1. Nabibigyang-tuon ang mga pangunahing ideya/konsepto.

2. Nakatutulong sa pagsasanib ng dati nang kaalaman sa bagong kaalaman.

3. Nakapagpapadali sa pag-uunawa at pagdevelop ng konsepto.

4. Nakapagpapahusay ng kasanayan sa pagbasa, pagsulat, at pagsusuri.

5. Nakatutulong sa pagsulat kaugnay ng pagpaplano at pagrerebisa.

6. Nakahihikayat ng diskusyong "focused" o nakatuon sa iisang paksa.


7. Nagsisilbing instrumento bg assessment at ebalwasyon.

8. Nakatutulong sa pagpaplanong instruksyunal.

Modelo ayon kina Abad at Ruedas (1996) ito ay paggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuuan ng isang
tunay na bagay. Pinaliliit nito ang ginagayang malalaking bagay tulad ng globo at pinalalaki naman nito
anf ginagayang maliliit na bagay tulad ng puso, utak at iba pa. Kadalasan itong ginagamit sa agham. May
mga modelong nabibili at may mga modelong maaring gawin kagaya ng paggawa ng modeelong
pamayanan, nakapaloob dito ang paggawa ng gusali o bahay, paggawa ng kotse o sasakyan at paggawa
ng puno. Sa paggawa ng mga ito ay pwedeng gamitin ang mga imahinasyon upang mas madaling mabuo
ang mga modelo.

You might also like