You are on page 1of 9

Yunit 7 Pagpapaunlad ng Kasanayan sa pagbasa ng mga Sinipi sa mga

Pahayagan-Magasin

Mga Preliminaryong Hakbang

Kasama sa pagpili ng totoong artikulo mula sa mga pahayagan – magasin ang


pagpaparaming sipi nang higit sa nakararaming bilang ng mga estudyante ang
maaaring makabasa. Nakaplano na rin ang disenyo ng mga pagsasanayat iba pang
Gawain na (a) maghahanda sa mga mag-aaralpra sa gawing pagbasa, (b)
makatutulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa, at (c)magpapaunawa sa
binasang pahayag. Kabilang sa mga paunang paghahanda ang mga sumusunod:

1 Sapagpli ng paksang babasahin, sikaping ikonsidera ang mga sumusunod na


katanungan na pupukaw ng kawilihan at kakhalagahan para sa mga estudyante:

a Magiging kawili-wili ba ang paksa para sa higit na nakararaming mag-aaral?

b May kahalagahan baa ng nilalaman ng pahayag? Kung mayroon, sa paanong paraan?


Makapagbibigay ba ito ng pangkalahatang kaalamanukol sa daigdig? May matutuhan bang
bagong bokabularyo? Makatutulong ba ito sa mga susunod na pagbasa o gawaing pangklase?
Mapatitibay ba ng bagong bagong impormasyonang dating kaalamang natutunan sa loob ng
klasrum? Maililipat ba ang bagong kaalaman sa labas ng klase? Mapauunlad ba nito ang
kasanayan sa pakikpag komunikasyon hindi lamang sa klase kundi maging sa tahanan, sa
trabaho, at maging sa mga sosyalan?

c Maroon na bang sapat na kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa paksang babasahin?
Kailangan pa baa ng paghaharap ng mga materyales/konserpto/bokabularyobago ang pagbasa
bilang mga paunang kaalaman? May mga estudyante bang makapagbibigay ng mahalagang
impormasyon ukol saa paksa?

2 Kailangang ikonsidera ang napiling artikulo ayon kompleksidad ng lenggwahe,


nilalaman, at tipo ng mga letra (Dubin 1986): makapagbibigay ng magagandang
pagkaktaon ang iba’t-ibang paks at genre ng teksto para sa magkakibang uri ng
pagpapunlad ng kasanayan sa pagbasa . Isipin natin ang mga sumusunod na
katanungan:

a Gaano kahirap ang paksang babasahin para sa komprehensyon ng mga mag-aaral? Anong
ispesipikong aspeto ng artikulo ang kukuha ng kanilang atensyon (haba, leksikon, istrukturang
retorikal, dating kaalaman)?

b Anong istratehiya ang kakailanganin na makatutulong sa komprehensyon ng bahagi o ng


kabuuan ang artikulo?

c Anong aspeto ng artikulo, kung mayroon man, ang makatutulong sa pagpapadali ng


gawaing pagbasa (mga pag-uulit, maliwanag na paksang pangungusap, simpleng pamagat o
titulo, tsarts at graps)?
3 Tiyakin ang layunin ng gawaing pagbasa gaya ng kahalagahang matatmo mula sa
nilalaman at pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa. Isipin amg mga sumusunod na
katanungan:

a Babasahin ang artikulo sa kanyang kabuuan? Babasahin ba ito ayon sa kanyang detalye o
ng ispesipikong detalye lamang?

b. Ang isasagawang pagbasa ba’y katapusan na ng aralin o tutuloy sa iba pang gawaing pang
klase (Hood at Solomon 1985)?

c. Hanggang saan ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral pagdating sa nilalaman?

4. Matapos mabatid ang samut saring konsiderasyon sa pagpili ng babasahing artikulo


mula sa pahayagan-magasin at ang layunin sa gawaing pagbasa, alamin naman natin
an gating opsyon bago, habang, at matapos magbasa. Tulad ng nabanggit na sa
unahan, kasabay sa pagpaplano ng disenyo sa pagbasa ang masusing pagpili ng
paksang babasahin sapagkat ang mga pagsasanay at paggawain ay may iba’t-ibang
kahihinatnan at nangangailangan ng iba’t-iba ring antas ng oras sa pagbasa. Habang
umiikot ang gawaing pagbasa sa artikulo naka-fokus naman ang disenyo ng araling
pagbasa sa:

(a) Layunin ng aralin,

(b) Ninanais na kahihinatnan ng kurso,

(c) Kakailanganin oras para sa pagbasa ng panutong pangkasanayan, at

(d) Natatanging kaibahan ng mga mag-aaral (kani-kanilang interes, naunang kaalaman, antas
ng kasanayan sa pagbasa, at pangangailangang panlenggwahe).

Opsyon # 1 Bago Magbasa

Malaking impluwensiya sa isasagawang desisyon ang mga katugunan sa mga


tanong at mga isyung inilahad ukol sa mga Gawain bago magbasa- ang paghahanda sa
aktwal na pagbasa ng napiling artikulo. Sapagkat ang bahagi ng komprehensyon ay
madedetermina ng sariling unang kaalaman, maaaring magsagawa ng mga
pagsasanay bago magbasa upang (a) gisingin ang mga dati nang kaalaman, at /o (b)
makapagbigay ng bagong kaalaman na makatutulong sa pag-unawa ng artikulo. Ang
mga ganitong gawain ay makapagpapataas ng konsentrasyon, pupukaw ng kuryusidad,
gigising sa imahinasyon, at palakasin ang motibasyon, bukod sa pagkakaroon ng
sariling layunin at dahilan sa pagbasa (Hess 1991).
Kung ang mga mag-aaral o ilan sa kanila’y pamilyar na sa paksa ng babasahing
sipi, maaaring ganyakin kayong ilahad ang nilalaman sa mga kaeskwela bilang bahagi
ng Gawain bago magbasa. Maaari ring lagyan ng salungguhit ang mga bagong
impormasyon nang madaling makuha ang hatid ng pahayag.

Kasunod dito ang talaan ng mga opsyon bago magbasa; tandaan na ang
kanilang pagkakatala ay hindi ayon sa kanilang pagkakasunud-sunod at lalong hindi
saklaw ng tala ang lahat na maaaring ibilang pa. Bawat paggawain (Task) ay maaaring
gamitin ng iba-ibang uri ng lapit. Ang mga naunang kaalaman at uri ng napiling
babasahin ang magsisilbing gabay sa angkop na pagsasanay bago magbasa.

Maisasagawa ang pagsasanay ng isahan o tambalan. Bilang pantulong,


maaaring markahan ng mga letrang mula A-Z ang bawat talata bago ang pagbasa para
sa maayos na talakayan at maiwasan ang kalituhan (Rosenthel at Erb 1992).

1 Lumikha ng Pamapang Semantika. Bago pa man masilip ang siping babasahin,


gumawa ng pamapang semantika sa pisara na magpapakita ng mga impormasyong
naguugnay sa pangunahing konsepto at makahulugang pag-uugnay ng mga
bokabularyo. Maaaring simulan ng dalubguro ang proseso sa pagsulat sa gitna ng
pisara ang pangunahing tema, pangunahing konsepto, o pangunahing isyu mula sa
magasin at pahayagan ukol sa paligsahang pandaigdig na gaganapin sa Beijing, China,
bukod sa mga naglalakihang adbertismo at endorse ng mga kompanya komersyal,
maaaring isulat sa blackbord ang salitang OLIMPYADA.

Ngayong may ideya na tayo sa paksa ng artikulong babasahin, ano ang sumasagi sa
ating isipan ukol sa larong olimpyada? Sa masusing pagtatanong ng dalubguro, maaari
tayong magmungkahi ng mga ideya o terminolohiyang may kaugnay o mahihinuha mula
dito. Mula sa ating mga mungkahi, makabubuo na tayo ng pamapang semantika na
may pagpapangkat ng mga ideya sa ilalim ng kanilang pangkalahatang kategoryang
semantika o kategoryang nagpapakita ng organisasyon o nilalaman ng babasahing
artikulo.

Sa sandaling mabuo na ang pamapang semantika, maigagabay na tayo sa (a) ang mga
paksang saklaw ng artikulo, (b) madaliang sulyap sa artikulo (ang pamagat, sab-titulo,
larawan, grap, atbp.), nang madetermina kung aling paksa ang kabilang sa artikulo, at (c)
kung paano pa mapapaunlad ang pamapang semantika.

Nakatutulong ang pamapang semantika na kumilos nang pangkatan ang mga


estudyante ayon sa kanilang kakayanan, makapaghanda sa pag-unawa, pag-aasimila,
at ebalwasyon ng mga kabatirang matutunghayan sa babasahing artikulo (Heimlich at
Pittelmen 1986). Kapag naisaisip natin ang ganitong pamamaran, mas madali nating
maunawaan ang artikulo.

2 Pag-aralan ang layout ng artikulo. Sa paunang tingin sa titulo ng artikulo, sab-titulo,


pamuhatan, at biswals (gaya ng mga larawang may kapsyon, ilustrasyon, tsarts, grap)
maaari nating makita ang pangunahing ideya o mga ideya nito. Sa pagsusuri sa layout
ng artikulo, maaari nating mahinuha ang (a) nilalaman, (b) makabuo ng mga tanong na
maaaring sagutin pagkatapos ng pagbasa, at (c) maibahagi sa iba ang anumang impormasyon
natin ukol sa paksa.

3 Mag-iskim para sa pangunahing kaisipan. Matapos nating masuri ang pamagat at


pamuhatan, maaari nang simulant ang pagbasa ng una at huling talata ng artikulo
upang makuha ang pangunahing kaisipan. Maaari ring magsagawa ng pagbasa nang
buong unang talata nang mga unang pangungusap ng mga kasunod na talata bago
mahinuha ang pangunahing kaisipan o mga kaisipan. Ang aktwal na organisasyon ng
artikulo ang magdidikta kung aling talata ang mangangailangan ng iskiming para sa
pangunahing ideya. Maisasagawa ang iskiming sa pamamagitan ng mabilis na pagbasa
at hindi nang aktwal na pagbasa.

4 Mag-iskan para sa detalye. Matapos masuri ang pamagat at pamuhatan, maaaring


magsagawa ng iskaning para sa mahahalagang impormasyon. Kung nagtataglay ang
artikulo ng madadaling makilalang impormasyon tulad ng pangalan ng bansa, oras at
petsa, at mga pangalan ng mga tao na makatutulong sa pag-unawa ng nilalaman,
makabubuo tayo ng talaan ng mga tanong na makatutugon sa pagtuklas ng
impormasyon. Maaaring iiskan ang buong artikulo o ang ispesipikong talata para sa
hanap na impormasyon.

5 Pagtugmain ang mga pangunahing kaisipan sa mga talata . Isulat sa pisara ang
pangunahing kaisipan ng bawat talata (o grupo ng mga talata). Gumamit ng maikling
prase at hindi mga pangungusap. Paghaluin ang mga ito at hindi ayon sa
pagkakasunod ng mga talata. Maaari tayong gabayan sa pagtingin sa mga
pangunahing kaisipan sa pamamagitan ng pagtugon sa mga tanong na: Ano sa inyong
palagay ang pamagat ng artikulo? Tungkol saan ito? Para kanino ang artikulo?

Sa mabilis na iskiming o iskaning, maaari nating pagtambalin ang mga titik ng mga
talata at pangunahing kaisipan. Ang ganitong pagsasanay ay nagpapatunay na
karamihan ng mga talata ay umiinog sa pagpapaunlad ng pangunahing konsepto.

6 Pagsusuri ng mga biswals. Kung ang napiling artikulo ay may mga tsarts, graps, o
mga figura na madaling unawain kahit na di natin ito basahin ang buong artikulo,
maaaring sa pagsusuri lamang ng mga ito ay matuklasan na natin ang pangunahing
kaisipan o mga pangunahing kaisipan.

7 Basahing mabuti ang piling talata. Kapa gang artikulo ay sadyang organisado at may
tanging talata (o higit pa) na naglalagom o naghahatid ng karamihan ng mga kaisipang
taglay ng artikulo, makabubuting masuring basahin ito nang makatugon sa mga
katanungan.

8 Paghaharap ng pangunahing kaisipan. Kapag di pamilyar sa paksa ang karamihan ng


mga mag-aaral at upang makuha ang kanilang atensyon, maaaring magsagawa ng
paglalahad ng pangunahing kaisipan at pangunahing bokabularyo. Higit na epektibo
ang ganitong pamamaraan kapag isinabay sa munting-lektura ang pagtatala ang mga
pangunahing bokabularyo tulad sa pagbuo natin ng pamapang semantika.
9 Sumangguni sa diksyunaryo. Makatutulong ang diksyunaryo sa pagbibigay ng angkop
na pakahulugan, sinonim o antonym ng mga pangunahing bokabularyo. Ganun pa man,
mas magandang hanapin ang kahulugan ng mga pangunahing bokabularyo ayon sa
kanilang konteksto o pagkuha ng pangungusap na kanilang kinabibilangan sa loob ng
artikulo. Sa ganitong paraan, hindi lamang natutuhan natin ang makabuluhang
kahulugan ayon sa konteksto kundi maging ng nilalaman ng artikulo.

10 Pagbibigay pansin sa bagong bokabularyo. Kapag ang artikulo ‘y may mga bagong
salita na kakaiba para sa mga mag-aaral ngunit mahalaga naman sa komprehensyon,
kailangang ibilang ang mga ito sa pagsasanay bago magbasa at saka tumuloy sa
aktwal na pagbasa. Maaaring iharap ang mga bagong terminolohiya sa pamamagitan
ng (a) pagtuklas ng kahulugan, sinonom, o antonym, (b) pagkilala ng mga panandang
kontekstwal, at (c) pagsasama ng mga salita sa kanilang kinabibilangang pangkat
(Gairns at Redman 1986).

Opsyon # 2 Habang Nagbabasa

Pangunahing layunin ng opsyon ang pagkakaroon ng aktwal na pagbasa ng napiling


seleksyon. Ginaganyak ng gawaing ito na maging aktibo at mapag-isip tayong
mambabasa (Wallace 1992). Para sa mga bihasa, nagagawa nilang lumikha ng tala
habang nagbabsa. Kadalasan sa opsyon na ito tuwiran ang pagbasa bagamat may
pagkaktaon na maaaring gumamit ng ibang istratehiya habang nagbabasa. Maaaring
basahin ang artikulo sa kanyang kabuuan, magsagawa lamang ng iskiming, o pagbasa
para sa mga partikular na detalye.Maaari pang modipikahin ang ganitong opsyon upang
umangkop sa takdang gawain.

1 Pagbasa para sa ispesipikong layunin. Maaaring pagtuunan ang mga gabay na


tanong habang nagbabasa o pagpuno ng mga kakulangan sa talahanayan habang
nagbabasa.

2 Ihaylayt ang teksto. Sa paggami ng haylayter o bolpen habang nagbabasa, maari


nating ihaylayt o salungguhitan ang mga pangunahing kaisipan ng artikulo o ang mga
katugunan sa mga katanungan bago man isagawa ang pagbasa.

3 Gumawa ng tala. Sa ilalim pa rin ng opsyon habang nagbabasa, maaaring gumawa ng


tala sa hiwalay na papel. Isang paraan pa rin ang pagtatala ng dalawa hanggang limang
salitang naglalarawan ng pangunahing konsepto ng mga talata sa loob ng margin ng
artikulo.

4 Maghinuha sa nilalaman ng artikulo. Matapos mabasa ang bahagi ng artikulo, maaari


hulaan ang kasunod nito. Ang paghihinuha ay maaaring tambalan, pangkatan, o buong
klase. Sa ganitong paraan, makaririnig tayo ng iba’t-ibang reaksyon at interpretasyon
mula sa mga kaklase. Maaari na rin nating hulaan ang nilalaman ng buong teksto.

5 Alamin kung ano ang nangyari. Bahagi ng opsyon habang nagbabasa ang pagbasa
ng bahagi ng pahayagan- magasin. Isinsagawa ito sa pamamgitan ng pagbasan ng
artikuol ayon sa pahina o seksyon at hihinto pagkatapos ng seksyon o pahina at saka
tatlakayin ang pangunahing kaisipan kung saan ito huminto.

Opsyon # 4 Matapos Magbasa

Karugtong ng pagsasanay matapos magbasa ang opsyon para sa atin na


magsasagawa ng balik-aral, pagbuo ng mga bahagi, maglagom, o magbigay ng
reaksyon sa binasa. Kung mahalaga ang paghahnda bago magbasa, mahalaga rin ang
pagsasanay matapos ang magbasa sapagkat inaalam ditto kung ano ang natutunan sa
binasa (Moore et al. 1982). Maari ring ipagpaliban ang Gawain matapos magbasa sa
loob ng klase at gawing asignatura pagdating sa bahay.

1 Talakayin ang artikulo sa mga mag-aaral. Isang opsyon matapos magbasa ang
pagtalakay ng pangunahing kaisipan o partikular na isyu mula sa artikulo sa kaklase,
sa pangkat, o sa buong klase.At sa pamamagitan ng mga mapanuring tanong higit na
magiging masigla ang palitan ng komunikasyon.Halimbawa ng matapos magbasang
tanong ang “Ano sa palagay n’yo amg Gawain matapos ang olimpiyada na higit na kasiya-siya
para sa mga atleta ? Bakit?” Ang mga katugunan sa tanong ay maaaring kunin hindi
lamang mula sa binasang artikulo kundi maging sa kani-kanilang sariling interpretasyon
at kuru-kuro na higit pang mag-aambag ng ibayong kasiyahan para sa buong klase.

2 Gumawa ng lagom o reaksyon. Sa pamamgitan ng mga impormasyonnapulot mula sa


binasang artikulo, maaaring gumawa lagom, pasalita man o pasulat, at sariling
reaksyon.

3 Pagkilala mg mahalagang bokabularyo. Sa puntong ito’y maaaring balikan ang teksto


para sa (a) pagtuklas ng kahulugan ng praseng idyomatiko na natagpuan sa konteksto, (b)
paghanap ng sinonim at antonym ng pangunahing terminolohiya, at (c) kilalanin ang
kinbibilangan pamilya ng salita ng partikular na aytem lexikal.

4 Mag-iskan para sa detalye. Sa pamamgitan ng mga nakahandang tanong pangkat ng


mga tanong na maaaring basahin o isulat sa blakbord, maaari tayong mag-iskan para
sa mga katugunan ng mga ito.

5 Matutong mahinuha. May katanungan na nangangailangang hulaan ang kahulugan


tulad ng pagbasa sa pagitan ng mga linya. Halimbawa nito ang paglalarawan sa
katauhan ng manunulat.

6 Pakaksunod ng mga pangyayari. Sa pamamagitan ng mga nakatalang pangyayari na


inilarawan sa kababasang artikulo, maari natin itong pagsunud-sunurin ayon sa
kanilang pagkakaganap. Ma-katulong ang paggamit ng kronolohiya at panahon ng
pangyayari.

7 Paggamit ng mga impormasyon mula sa artikulo . Ang mga impormasyong natutunan


mula sa artikulo ay maaaring gamitin sa mga sitwasyong mahalaga at kasiya-siya sa
ating buhay. Magagamit ang mga ito sa mga aktibidad gaya ng paglutas ng suliranin,
debate, larong simulasyon, pagganap ng papel, at iba pa. Sa mga ganitong gawain,
magagawa nating humakbang nang lagpas sa nilalaman ng binasang pahayag at
lumikha ng mga tanong at kasagutang di matatagpuan sa teksto (Hind at Brancard
1991).

8 Pasundanan (Follow –up) sa pagsasanay bago magbasa at habang nagbabasa . Isa


itong panibagong ebalwasyon sa mga nalikhang palagay bago at habang nagbabasa
ayon na rin sa mga impormasyong nakalap mula sa kababasang artikulo.

9 Paglikha at rebisyon ng pamapang semantika. Ang pamapang semantika na


inilarawan sa paggawain bago magbasa ay magandang kasangkapan para sa
paglalagom ng nilalaman ng artikulo. Ang pagmamapang semantika matapos magbasa
ay pagkakatao naman upang alalahanin, mag-organisa, at grapikal na katawanin ang
mahahalagang impormasyong binasa (Heimlich at Pittelmen 1986: 6).

10 Sintesis o pagbubuo ng mga impormasyon mula sa sari-saring materyales . Sapagkat


naglalaman ang mga pahayagan-magasin ng mga kahalintulad na artikulo kada linggo,
maaari nating tipunin ang mga ito at buuin. Sa ganitong aktibidad, maeenganyo tayong
iugnay ang mga impormasyon hindi lamang sa isang materyales kundi sa maraming
pamuhatan at masiyahan sa pagbasa nang labas ng unibersidad.

Pagsasagawa ng Balangkas ng Paksa

Matapos maisagawa ng pananaliksik at bibliyograpya, pahalagahan natin ang pagkuha


ng magandang tala. Mayroon na rin tayong koleksyon ng talaang kard na nakasulat ang
mga gagamiting reperensiya mula sa iba’t-ibang pamuhatan. Ngayon, handa na tayong
gumawa ng balangkas at wala nang dapat aksayahing panahon. Ano ba nag
kahalagahan ng pagsasagawa ng balangkas? Nakatutulong ito sa manunulat na
maging organisado at isulat lamang kung ano angmga kasama sa balangkas.

Kiaalinsabay sa pagtatapos ng pagkuha ng tala, naiisip na rin kung ano ang


magiging anyo ng ating papel. Hindi masamang ideya ang pagkakaroon ng balangkas.
Una, basahing muli ang talaang kard at isaayos ang mga ito ayon sa paksang
pamuhatan, (heading) na nabubuo sa ating isipan. Magsisilbing daan ito kung paano
isasaayos ang papel. Iorganisa ang mga pangunahing pamagat at sab-pamagat sa
maganda at lohikal na paraan. Kung hindi pa nababasa ang isusulat sa pormat ng
balangkas, muli itong basahin bago magsimula.

Nakasalalay ang ating pagsulat sa likas nating galling, subalit para sa karamihan
ang pag-aaksaya ng ilang minuto sa balangkas ay may kabutihang hatid. Bukod sa
magagawa nitong gawing organisado ang papel, magiging magaan pa ang pagsulat.
Maaaring sa pagsisimula ng pagsulat ay maisip nating palitan ang balangkas o kaya
naman gamitin lamang ito bilang gabay o tagapagpaalaala ng mga dapat sabihin. Ang
balangkas ang magsasabi sa atin kung kailangan pang dagdagan ang pagbasa o ang
isang manipis na seksyon ay gawing mas malaman at makapal.
Hindi dapat kabagutan ang paggawa ng balangkas. Sa oras ng maging sigurado
tayo sa mga impormasyong isasama sa ulat, hindi na magiging mahirap ang pagtatala
ng mga pangunahing kaisipan at mahahalagang detalye. Ang balangkas ng paksa ay
makakatulong sa pag-oorganisa ng mga materyales.

Kabilang sa anyo ng balangkas ang magkakasunod na pamilang na maaaring


Arabic o Romano, at mga letrang kapital at maliliit na titik. Ang katayuan ng mga
karakter na ito ay nagpapakilala ng kanilang taglay na kahalagahan sa ating tala.
Masdan ang kasunod na balangkas;

ANYO NG BALANGKAS

I. Kasaysayan ng Manika

A. Matandang mahika

B. Mahika ng medieval

C. Makabagong mahika

1. Superstisyon

2. Mahikang pantanghan

II. Karaniwang Mahikang Pantanghan

A. Mahika sa bilis ng kamay

1. Gali Gali

2. Rosini

B. Mahikang pangmalapitan

1. Goshman

2. Alan

III. Mahikang Pangmalawakan

A. Ilusyon ng pagliligtas

B. Ilusyon ng suspension

C. Ilusyon ng paglalaho

1. Blackstone
2. Kellar

3. Thurston

4. David Copperfield

IV. Mga Tanging Mahika

A. Mahika ng salamangkerong nakahuhulagpos

B. Mahikang pangkaisipan

V. Mga Hakbang sa Pagiging Salamangkero

Narito ang ilang gabay na makatutulong sa paglikha ng balangkas:

PATNUBAY SA PAGSULAT NG BALANGKAS NG PAKSA

1 Gumamit ng indensyon sa bawat pamilang o karakter mula sa itaas nito at lagyan ng


tuldok.

2 Isulat sa malaking titik o kapital ang mga letra ng bawat entri;

3 Panatilihing maikli at ispisipiko ang mga entri ng balangkas;

4 Iwasang isulat ang A bilang sa-pamagat nang walang B, at ang 1 nang walang 2; st

5 Sundan ang istrukturang paralel.

Sadyang isinagawa ang mungkahing patnubay upang tayo’y maging konsistent.


Pansinin na ang bawat entri sa balangkas ay nasa anyong pangngalan at karaniwang
may kasamang mga pang-uri. Maaari naman tayong gumamit ng mga pandiwa o
panghalip o ng anumang bahagi ng panalita hanngat napananatili nating makahulugan
at magkakatulad ang mga entri. Halimbawa, iwasang isulat ang Natatanging Mahika
bilang pangunahing ideya at sundan agad ito ng Mahika ng Pagliligtas o Paano
Nagsasagawa ng Madjik ang Salamangkero.

You might also like