You are on page 1of 8

Kagawaran ng Wika at Panitikang Filipino

Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan


Paaralang Gradwado
Pamantasang Katimugang Mindanao

Fil 603 (Paghahanda ng mga Intruksyunal na Material)


Mga Disenyong Grapiko

Ipanasa ni: Jay Mark Tahum


Ipanasa kay: Dr. Nelia Orpiano-Du.
MGA DISENYONG GRAPIKO

Layunin

1. Maunawaan ang kahulugan ng bawat disenyong grapiko.

2. Matukoy ang kabuluhan at gamit ng mga disenyong grapiko.

3. Mabigyang halaga ang mga tuntunin sa paggamit ng mga disenyong grapiko.

Grapikong Disenyo

01- Structured Notetaking

02- History Change

03- Analogy Graphic Organizer

04- Seashell Organizer

05- Star Model

06- K-W-L Technique

07- Multi Flow Chart


01- Notetaking
Ang structured notetaking ay ginagamit na grapikong disenyo para sa epektibong
pagtatala ng mahahalagang impormasyon galing sa nabasa o napakinggang paksa o
aralin.
Mainam itong gawaing pambuod sa pagpapanatili at pagalala ng bawat detalye sa
paksang nabasa. (Vacca & Vacca, 1993)

02-History Change Frame


Ang disenyong ito ay isang mainam na paraan para sa panimulang pagbasa o pre-
reading na tumutulong sa mga mag-aaral na maiwasang magulo ang mga
mahahalagang pangyayari sa nabasang paksa mula sanapakaraming serye ng
impormasyon sa kasaysayan.
Nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na makita kung paano magkatugma ang mga
impormasyon sa isang paksa.
03-Analogy Graphic Organizer
Isa sa mga natatanging disenyo ang grapikong Analogy. Ginagamit ito upang
ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bagong konsepto sa dating konsepto o
paksang tinalakay.
Nakatuon ito sa pagbibigay linaw ng bagong paksang tatalakayin at maiugnay sa
dating kaalaman ng mga bata.
04-Seashell Organizer
Ginagamit ang Seashell organizer upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari sa kuwento.
Mahalaga ito sa pagsusuri ng pangyayari mula simula hanggang wakas.

05-Star Model
Ang star diagram ay ginagamit upang ayusin ang mga katangian, mahahalagang
konsepto, at mga katanungan batay sa isang paksa.
Hinuhubog nito ang kritikal na pagiisip ng magaaral sa pamamagitan ng
brainstorming ng mga bagong ideya o paksang konektado sa parehong tema.
06- K-W-L Technique
Ang Know-Want-Learn ay nangangahulugang dati nang alam na impormasyon,
gusto pang malaman, at kung ano-ano natutunan ng mag-aaaral sa isang paksa. Ang
disenyong grapiko na ito ay maaaring magamit sa pagsukat ng kaalaman ng mag-
aaaral hinggil sa isang paksa at higit sa lahat magdudulot ito ng makabuluhang
karagdagang kaalaman na ituturo sa kanila ng guro.
Bilang guro ay makakukuha tayo ng tiyak na batayan sa kung ano man ang
karagdagangating maituturo sa ating mga mag-aaaral.
07- Flow Chart
Ang mga tradisyunal na mind map ay madalas na linear , na ang bawat sangay ay
kumakatawan sa isang sunud-sunod na hakbang. Sa kabilang banda Ang multi-flow
mind map, ay maaaring magpakita ng mga ugnayan sa pagitan ng mga ideya sa isang
mas epektibong paraan.
Ito ay makabuluhang disenyo para sa paggalugad ng mga potensyal na solusyon
sa isang problema.

You might also like