You are on page 1of 12

MODYUL 14

PAGSULAT NG UNA AT
PINAL NA DRAFT

FILIPINO

May akda: Jennylyn L. Garcia


Dibuhista: Joseph Dolorpo
Tagapag-anyo: Rogelio C. Oro Jr.
Pansariling Kagamitang Pampagkatuto para sa Baitang 11
FILIPINO
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nais kitang
batiin ng
magandang Ako naman si Titser Jose na
araw aking iyo ring makakasama. Narito
mag-aaral. Ako ako upang tumulong sa iyo
si Titser Ana, sa pamamagitan ng
ang pagbibigay ng
makakasama mahahalagang kaalaman
mo sa modyul
at impormasyong tiyak na
na ito.
makatutulong sa iyong
pag-unlad.

2
Page
Tandaan Mo…

 Bago magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito, sagutan mo muna ang


panimulang pagtataya na inihinanda ko para sa iyo. Itiman mo ang bilog
ng katapat na letra ng tamang sagot.
 Basahin at unawain ang panuto para sa mga gagawin sa bawat bahagi ng
modyul na ito.
 May mga sasagutan ka sa modyul na ito bago at pagkatapos ng aralin.
 Bawat bahagi ay may nakatakdang icon o karakter bilang
representasyon.
 Iwasto ang sagot ng panimula at pangwakas na pagtataya
sa dulong bahagi ng modyul na ito.
 Maging matapat sa pagsagot sa modyul.

Mag-isip Ka…

Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang


pagsubok na huhubog sa iyong kakayahan upang iyong matamo ang mga
sumusunod na kasanayang pagkatapos ng aralin:

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga
ideya sa pagsulat ng isang pananaliksik (F11WG–IVgh–
92)
Layunin:
 Natutukoy ang gamit ng burador sa pagbuo ng
pananaliksik;
 Nailalapat ang mga batayang konsepto na dapat isaalang-
alang sa pagbuo ng una at pinal na draft
 Napahahalagahan ang pagbuo ng burador o draft sa
pagsulat ng isang replektibong sanaysay.
3
Page
Masusukat Mo Kaya?

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Punan ang patlang ng


salitang bubuo sa diwa ng pangungusap. Itiman ang bilog ng tamang sagot.

1. Ang burador ay nangangahulugan ng ______ pagbuo ng komposisyon o


anumang isinulat na aayusin at lilinisin pa.
A. pansamantala
B. panandalian
C. permanenta
D. pangwaks

2. Sa pagsulat ng burador ng pananaliksik ay isinasalin na ng manunulat ang


kaniyang mga ______ sa mga pangungusap at talata.
A. argumento
B. opinyon
C. ideya
D. alam

3. Sa burador ay tuloy-tuloy lamang ang ______ at hindi isinasaalang-alang ang


pagkakamali kung mayroon man.
A. pakikinig
B. pag-iisip
C. pagsulat
D. pakikinig

4. Sa pagsulat ng unang burador, mahalagang hindi mawala ang _____ sa pagsulat


na mabilis na maisasalin sa papel ang mga salita nang mas mabuti.
A. momentum
B. kasabikan
C. gusto
D. gana

5. Balikan at muling ______ ang iyong sulating pananaliksik. Tingnan kung


mayroon kang kailangang idagdag o ibawas..
A. rebisahin
B. basahin
C. tapusin
D. aralin
4
Page
Halaw-Kaalaman

Tuklasin Mo…

“Alam kong makatutulong ito sa iyo upang magkaroon ka ng gabay at


mapadali sa iyo ang daloy ng modyul na ito.”

pagpili ng pagbabalangkas pagkuha ng mga


paksa impormasyon
Panimulang
Pagsulat ng
draft

Pag-eedit Pagbabago Pinal na Draft

Panuto: Ayusin ang mga titik na may diin sa key pad.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 0

a t s g p u a l n g
t g
a d t r f

Sagot:
5
Page
Suriin Mo…

Tiyak may pagtataka ka sa


iyong isipan. Unawain mo ang
daloy ng kaisipan ng graphic
organizer. Halika, suriin natin
ito.

 Balikan ang graphic organizer na nasa cellphone. Suriin ang naging daloy
ng mga kaisipang ipinahahayag sa pagsulat ng burador. Pagkatapos ay
sagutin ang kasunod na tanong.
 Ano ang iyong mahihinuha sa proseso at gampanin ng burador o draft sa
pananaliksik?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Alam Mo Ba?

“Tara! Usap tayo.”

Tulad ng ibang bagay, mainam na simulan ang pananaliksik nang tama.


Malaki ang gampanin ng burador o draft sa pagpapakinis, pagpapabilis, at
pagpapahusay ng pananaliksik.
Ang burador o draft ay tumutukoy sa pansamantalang talaan ng mga
impormasyong kaugnay ng isinasagawang pananaliksik. Sa burador makikita ang
unang sulatin ng bawat bahagi ng pananaliksik kaugnay ng mga tinipon o
nakolektang impormasyon. Maihahalintulad ang burador sa isang ipunan o imbakan
ng mga kaalamang gagamitin sa pananaliksik. Ang burador ang pangunahing
binabalik-balikan ng isang mananaliksik upang baguhin, dagdagan at payabungin
ang mga impormasyon sa pananliksik. Dahil ito ay pansamantala lamang, asahang
maraming makikitang puwede pang pagyamanin.
Kaugnay ng pagsulat ng burador sa pananaliksik ay ang paglikha ng magiging
una at pinal na draft ng papel pananaliksik. Mahalagang malaman ang mga gabay sa
pagsulat ng una at pinal na draft ng papel pananaliksik.
6
Page
Pagsulat ng Unang Borador

 Matapos ayusin ang mga tala batay sa ginawang tentatibong balangkas,


magiging madali na ang daloy ng unang borador.
 Gumamit ng pagbubuod, paghahawig, o sipi sa pagsulat ng bawat ideya at
impormasyong gagamitin mula sa mga tala.
 Isulat sa kard at markahan ang bawat kard ayon sa pagkakasunod-sunod ng
kaisipang isinulat sa tentatibong balangkas (panimula, katawan, at
kongklusyon). Kapag pinagsama-sama na ang mga ito upang makasulat ng
buong sulatin siguruhing magtatalglay ito ng kasiyahan at kaayusan.

Rebisahin ang Balangkas at ang Burador


 Matapos maisulat ang unang borador, basahin itong muli at iwasto ang mga
dapat iwasto. Tingnan kung maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga
paksa, ang transisyon ng mga ideya, ang pagtalakjay sa bawat konsepto, at
kung wasto ang balarila o gamit ng wika.
 Kung minsan ay napakalaking pagbabago ang dapat gawin na kailangang
baguhin ang unang bahagi ng pananaliksiktulad ng muling pagsasaayos ng
balangkas o pagbabago ng paraang gagamitin sa pananaliksik.
 Mahalaga ang hakbang na ito upang mas maging maayos at pulido ang
sulatin.

Pagsulat ng Pinal na Draft


Nabuo ang pinal na draft matapos ang proseso ng pag-eedit at pagrebisa ng
papel pananaliksik. Produkto ang pinal na draft ng pagwawasto ng pagbaybay,
pagbabantas, pagkakabuo ng pangungusap, ugnayan ng mga konsepto,
katumpakan ng mga impormasyon, pagkakaugnay-ugnay ng mga layunin sa buong
tunguhin ng papel pananaliksik. Sinusuri sa pag-edit ang buong nilalaman, daloy, at
ugnayan ng buong pananaliksik kung ito ba ay makabuluhan at tumutugon sa
pangangailangang akademiko. Mahalagang makita sa pinal na draft ang tamang
impormasyon, maikling pahayagan, at malinaw na mensahe ng kabuuang papel
pananaliksik. Mas mainam na paunang ipabasa ang gawa sa iba upang mapagsama
ang sarili at ibang puna o mungkahi upang mas maging makinis at maayos ang pinal
na draft.
 Basahing mabuti ang papel. Kung maaari ay malakas upang malaman kung
tama ang nilalaman ng buong papel pananaliksik.
 Mainam na i-print ang papel upang mas maging madali ang pag-edit ng papel
pananaliksik. Agad na makikita ang maling baybay at ugnayan ng nilalaman,
layunin, o kabuuan ng pag-aaral.Malalaman din kung may sanggunian bang
hindi naisama sa unang burador ng papel pananaliksik.
 Tingnan din ang bahaging layout ukol sa ayos ng pahina, laki ng font na
gagamitin, spacing, ilustrasyon kung mayroon, at iba pa.

Hinango mula sa:


Bandril, Lolita. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.Quezon City: Vibal Group Inc.
7
Page
Isaisip Mo… Tingnan natin kung paano
mo naunawaan ang mga
paksang natalakay sa
modyul na ito.
Handa ka na ba?
Tara, Game!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang iyong mga
kaugnay na konseptong kasagutan sa naging pagtalakay sa pagsulat ng burador.

1. Ano-ano ang kahalagahan ng pagbuo ng burador sa pagsasagawa ng


pananaliksik? __________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bakit kinakailangang maging bahagi ang pagbuo ng burador sa proseso ng


pagbuo ng pananaliksik? _________________________________________
______________________________________________________________

3. Sa paanong paraan nakatutulong sa mananalilsik ang pagbuo niya ng una at


pinal na burador ng pananaliksik? __________________________________
______________________________________________________________

4. Bakit kinakailangan na mayroong pag-eedit at rebisyon ang isang


pananaliksik na binubuo? _________________________________________
______________________________________________________________

5. Paano nakatitiyak ang mananaliksik na nasa tamang mga hakbang ang


kaniyang sinusunod sa pagbuo ng pinal na draft? ______________________
______________________________________________________________
8
Page
Tugunan Mo… Ating subukin kung paano mo
maisasakatuparan ang iyong
pagkatuto sa araling
nakapaloob sa modyul na ito.

Panuto: Sumulat ng isang replektibong sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pagbuo


ng burador sa isang papel pananaliksik. Lagyan ng sariling pamagat ang
iyong nabuong sanaysay.

_____________________________________

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
9
Page
Kayang-kaya!

“Kapag may simula mayroong wakas!


Tiyakin natin ang iyong pagkatuto.”

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Punan ang patlang ng


salitang bubuo sa diwa ng pangungusap. Itoman ang bilog ng tamang sagot.

1. Sa pagsulat ng unang burador, mahalagang hindi mawala ang _____ sa pagsulat


na mabilis na maisasalin sa papel ang mga salita nang mas mabuti.
A. gana
B. gusto
C. kasabikan
D. momentum

2. Ang burador ay nangangahulugan ng ______ pagbuo ng komposisyon o


anumang isinulat na aayusin at lilinisin pa.
A. pangwakas
B. permanente
C. panandalian
D. pansamantala
3. Balikan at muling ______ ang iyong sulating pananaliksik. Tingnan kung
mayroon kang kailangang idagdag o ibawas..
A. aralin
B. tapusin
C. basahin
D. rebisahin
4. Sa pagsulat ng burador ng pananaliksik ay isinasalin na ng manunulat ang
kaniyang mga ______ sa mga pangungusap at talata.
A. alam
B. ideya
C. opinyon
D. argumento
5. Sa burador ay tuloy-tuloy lamang ang ______ at hindi isinasaalang-alang ang
pagkakamali kung mayroon man.
A. pagbasa
B. pag-iisip
C. pagsulat
D. pakikinig
10
Page
Paghandaan Mo…
A.
Binabati ka namin dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa
modyul. Dahil diyan, gusto naming maging handa ka sa susunod na pagsubok na
iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na kung ano nga ba ang
iyong magiging tuon ng pananaliksik.

Iwasto mo…

Iwasto ang sagot mula sa


panimula at pangwakas
na pagtataya na
ginawa sa naunang
bahagi ng modyul na ito.

Panimulang Pagtataya:
1. A pansamantala
2. C ideya
3. C pagsulat
4. A momentum
5. B basahin

Pangwakas na Pagtataya:
1. D momentum
2. D pansamantala
3. C basahin
4. B ideya
5. C pagsulat
11
Page
Alam kong nasiyahan ka sa naging
resulta ng iyong modyul. Dahil masaya ka sa
kinalabasan, maaari ka nang dumako sa isa
pang modyul na kasunod nito. Tiyak akong
matutuwa ka at magugustuhan mo ito.

12
Page

You might also like