You are on page 1of 11

Pagsulat sa Larangan ng

Siyensiya at
Teknolohiya:
Pagbuo ng Pananaliksik
o Kritikal na Editoryal
Likas na Siyensya, Teknolohiya
vs.Siyensyang Panlipunan at Sining

Ang siyensya, partikular na ang likas ng siyensiya (natural science), ay ang larangang
nagtutuon sa pag-aaral ng mga penomenang likas sa mundo ―― sistematikong
identipikasyon, obserbasyon, deskripsiyon, klasipikasyon, eksperimentasyon,
imbestigasyon, at teoretikal na paliwanag sa mga penomenong ito na may layuning mabatid
at magkaroon ng kaalaman tungkol dito.
Iba ang likas na siyensya sa siyensyang panlipunan. Kung ang likas na siyensiya ay
tumutuon sa mga likas na penomenom o kalikasan, ang siyensyang panlipunan ay tumutuon
naman sanaman sa lipunan ng mga tao.
Ang teknolohiya naman ay kaakibat ng siyensiya. Ito ang praktikal na aplikasyon ng mga
impormasyon at teoryang pansiyensiya. Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensiya.
Ang layunin ng siyensiya ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng
teorya. Ang teknolohiya naman ay gumagamit sa mga datos at mga teoryang ito upang
makabuo ng produkto.
Mga Disiplina sa Larangan ng Siyensiya
at Teknolohiya

Narito ang ilang katangian ng mga disiplinang ito:


▪ Biolohiya – Nakatuon sa mga buhay ― ang estruktura, pinagmulan, ebolusyon, gamit,
distribusyon, at paglawak ng mga ito.
▪ Kemistri – Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties, at mga reaksyion at
interaksiyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.
▪ Pisika – Nakatuon ito sa mga property at interaksiyon ng panahon, espasyo, enerhiya, at mga
matter.
▪ Earth Science o Heolohiya – Sistema ng planetng daigdig sa kalawakan ― klima,
karagatan,planeta, bato, at iba pang pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura, at
mga penomina nito.
▪ Astronomiya – Pag-aaral ito ng mga bagay na selestiyal― mga kometa, planeta, galaxy, bituin,
at penomenang pangkalawakan.
▪ Information Technology(IT) – Pag-aaral gamit ang teknolohiyakaugnay ng pagbibigay at
paglipat ng impormasyon, datos, at pagpoproseso. Ito rin ang pag-unawa, pagpaplano,
pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma, suporta, solusyon, at operasyon ng
mga software at kompyuter.
▪ Inhinyeriya – Nakatuon sa aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko
atmmatematikoupang bumuo ng disenyo, mapatakbo, at mapagana ang mga estruktura,
makina, proseso, at Sistema.
▪ Arkitektura – Itinuturing itong kabilang sa teknolohiya dahil isa itong proseso at produkto
ng pagpaplano, pagdidisenyo , at pagtatayo ng mga gusali at iba pang pisikal na
estruktura.
▪ Matematika – Siyensya ukol sa sistematikong pag-aaaral sa lohika at ugnayan ng mga
numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estrukturana ipapahayag sa pamamagitan
ng mga simbolo.
▪ Aeronautics – Teorya at praktis ng pagdedesinyo, pagtatayo, matematika, at mekaniks
ng nabigasyon sa kalawakan.
Pagsulat at Metodo ng Pananaliksik sa
Syensiya at Teknolohiya
Ang metodong siyentipiko ang ginagamit na proseso sa pag-aaral at pananaliksik sa
siyensiya.
Halimbawang graphic organizer na naglalarawan sa metodong siyentipiko
Pahayag ng
problema
Add a Slide Title - 1
Add a Slide Title - 2
Add a Slide Title - 3
Add a Slide Title - 5

Click icon to add picture

You might also like