You are on page 1of 1

TATLONG DISIPLINA NG TEKSTO

1.TEKSTONG AKADEMIK- Mga akda o babasahing ginagamit sa pag-aaral.

Mga halimbawa:

 Teolohiya (theology)- Mula sa griyegong pilosopo na si Plato. Hango sa salitang ‘’theo’’o diyos at ‘’logos’’ o pag-aaral.
 Politika (politics)- hango sa salitang ‘’politikos’’ o ‘’polis’’ na tumutukoy sa mamamayan.
 Sining (Arts)- maituturing ito sa malikhaing pagsisikap ng tao.
 Panitikan (Literature)- tumutukoy sa mga akdang katangi-tangi sa masining at malikhaing pagtatanghal.
 Agham (Science)- isang proseso ng sistematikong pagtatamo ng kaalaman.
 Sipnayan o Matematika (Math)- tumutukoy sa sistematikong pagsusuri ng mga modelo ng kayarian, pagbabago, at espasyo.
 Wika (Language)- Sistema ng paggamit ng mga salita na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyon pangkultura.
 Ekonomiks (Economics)- hango sa salitang ‘’oikonomiya’’ na nangangahulugang pangangasiwa ng pangangailangan sa tahanan.
 Kasaysayan (History)- kronolohikong pagtatala ng mga pangyayaring may kabuluhan o pampubliko.
 Agham Panlipunan (Social Science)- pag-aaral ng isang aspeto ng lipunan o isang anyo ng aktibidad sa lipunan.
 Humanidades (humanities)- paggamit ng tao ng kaniyang kakayahan upang mapaunlad ang sariling kultura.

2. TEKSTONG PROPESYONAL- Mga akdang may kinalaman sa propesyon o kursong kinukuha ng isang estudyante sa kolehiyo o unibersidad.
Mga halimbawa:
 Medisina (medicine)- pag-aaral hinggil sa paggagamot
 Inhinyeriya (engineering)- paggamit ng agham sa disenyo, paggawa at pagpapatakbo ng makina.
 Arkitektura (architecture)- pag-aaral sa pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali.
 Pisika (Physics)- isang agham hinggil sa bagay at enerhiya sa kalagayan ng musyon at puwersa.
 Kimika (chemistry)- pag-aaral sa iba’t ibang elemento at sangkap na bumubuo sa mga kemikal.
 Biyolohiya (biology)- galing sa salitang ‘’bio’’ o buhay at ‘’logos’’ o pag-aaral.
 Arkeolohiya (archeology)- hango sa salitang ‘’arkhaios’’o sinauna at ‘’logos’’ o pag-aaral.
 Antropolohiya (anthropology)- galing sa salitang ‘’anthropos’’ o tao at logos o pag-aaral.
 Pilosopiya (philosophy)- galing sa salitang ‘’philos’’o pagmamahal at ‘’sophie’’o karunungan.
 Sikolohiya (psychology)- siyentipikong pag-aaral ng pag-iisip ng tao. Mula sa salitang ‘’psyche’’o utak at ‘’logos’’o pag-aaral sap ag-iisip ng tao.
 Sosyolohiya (sociology)mula sa salitang ‘’socius’’ o kasama at ‘’logos’’o pag-aaral. Pag-aaral ng pag-unlad at kultura ng lipunan.
 Abogasya (law)- sistematikong pag-aaral ng batas gaya ng karapatang pantao at lipunan.
 Edukasyon (education)- sistematikong proseso ng pagtuturo o pag-aaral.
 Agham pangkompyuter (computer science)- sistematikong pag-aaral ng kompyutasyon.

3.TEKSTONG EKSPOSITORI- Naipapakita ang mga ideya o kaisipan.Matutunghayan dito ang mga kaalaman o impormasyon na malinaw na naipapaliwanag.

Mga halimbawa: Corona virus, Uiversity of the Philippines PRESS, at Cambridge university press and assessment.

You might also like