You are on page 1of 18

SOSYOLOHIYA

Ang agham na nag-aaral ng pag-unlad, istruktura,


at gawi ng mga pangkat ng tao sa lipunan. Ito ang
sumusuri kung bakit gayon ang asal at gawi ng tao
batay sa kultura ng mga ito.
ETIKA
Ang etika (ethics) ay may kinalaman sa moralidad
at paggawa ng tama o mali sa buhay.
NATURAL SCIENCES
Ang pag-unawa sa kaganapan sa ating
kapaligiran ay sakop ng iba’t ibang sangay
ng pag-aaral ng natural sciences.
BIYOLOHIYA
- ay pag-aaral sa mga bagay na may buhay tulad ng tao,
halaman, hayop, at iba pa.
- ito ay may kaugnayan sa ekonomiks dahil ang tao,
hayop, at halaman ay kailangan sa ekonomiya.
KEMESTRI
Ang kemestri ay may kinalaman sa pag-aaral ng
iba’t ibang kemikal na kailangan sa paglikha ng
isang bagay.
PISIKA
Ang pisika ay ukol sa pag-aaral ng mga bagay at
enerhiya.
MATEMATIKA
Saklaw ng pag-aaral ng matematika ang ukol sa
numero, tsart, graph, at pagbuo ng mathematical
formula o mathematical equations.
PAGPILI AT
PAGDEDESISYON
• Sa sandaling ang isang tao ay ay nakapili ng isang bagay na
bibilhin o gagawin, iyon ay tanda na siya ay gumawa ng
desisyon.
• Sa pagpapasiyang ito, ginagamit ng pamahalaan ang mga
nalikom na buwis upang maibigay ang mga pangangailangan ng
mamamayan.
SOCIAL CHOICE
Ang pagpapasiyang ginagawa ng
pamahalaan upang matugunan ang mga
pangangailangan ng lipunan.
ECONOMIC CHOICE
Pagdedesisyon na may kinalaman sa
desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng
limitadong pinagkukunang yaman.
OPPORTUNITY COST
Tumutukoy sa isinakripisyong halaga ng
isang bagay upang bigyang-daan ang higit
na mas makabuluhang paggamitan nito.
TRADE-OFF
Ang trade-off ay pagpapaliban ng pagbili ng
isang bagay upang makamit ang ibang
bagay.

You might also like