You are on page 1of 2

PAALAL Basahin at unawain nang mabuti ang mga balangkas ng Aralin.

A Mag-aral nang mabuti .


ARALIN 5: Pagbuo,Pag-uugnay at Pagbubuod ng mga Ideya
Buod
-Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto na maaring nakasulat,pinanood at napakinggan.
-May elaborasyon
HAL: tula,kanta at iba pa.
Hawig
-Alternatibo ito sa madalas na pagsipi
-Nilalagyan din ito ng sanggunian
-Galling sa salitang Griyego na paraphrasis na ibig sabihin ay dagdag.
Lagom o Sinopsis
-Pagpapaikli ng mga pangunahing punto,kadalasan ay piksiyon
-JACKET BLURB ginagamit sa panloob o panlabas na pabalat ng isang nobela.
Presi
-Pinaikling buod ng mahahalagang punto,pahayag,ideya o impormasyon.
-Wala itong mga elaborasyon.
-Siksik ito sa dalawana hanggang tatlong pangungusap ang pangkalahatang puntos.
Sintesis
-Pagsasama-sama ng mga ideya tungo sa isnag pangkalahatang kabuuan ng isang mapanuring pagsulat.
-Ang panel discussion ay halimbawa sa Sintesis Grid.
Hal: Introduksiyon/pamagat
Abstrak
-Paghihiwa-hiwalay ng mga ideya upang suriin bilang bahagi ng mapanuring pagsulat.
-Isa itong maikling buod ng pananaliksik.
-Inilalahad ang masalimuot na mga datos ng pananaliksik.

ARALIN 6: (PARA SA HUMSS AT GAS na ISTRAND)


HUMANIDADES- tumutukoy sa mga araling nauukol sa tao.
J. Irwin Miller- Ayon sa kanya ang layon ng hmanidades ay ang gawing tayong tunay na tao.
Ibat ibang Disiplina sa Larangan ng Humanidades
A. Panitikan
B. Pilosopiya
C. Sining
D. Fine Arts
Panahon ng Renasimyento o Renaissance- dumami ang mga iskolastiko,iskolar at alagad ng sining
Petrarch ang Ama ng Humanismo
ERASMUS- Prinsipe ng Humanismo
Estratehiyang Ginamit sa mga Lapit
Deskripsiyon o paglalarawan- karaniwang makikita sa simula ng teksto.
Kronolohiya – matutukoy ang kronolohikal na ayos ng pangyayari.
Pagkokompara- ipinapakita ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga datos.
Pagsulat sa Humanidades
Tatlo ang bilang ng Anyo ng PAgsulat
1.Impormasyonal – bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote tungkol sa may akda.
Paglalarawan- nagbibigay ng detalye,mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa
Proseso- binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik,paano isinagawa at ang nagging resulta na kadalasay
ginagawa sa sining at musika.
2.Imahinatibo- binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksiyon sa larangan ng panitikan.
3.Pangungumbinse- pagganyak ito upang mapaniwala o di mapaniwala ang bumabasa,nakikinig at nanood ng
teksto.
Aralin 8 (PARA SA STEM STRAND)
SIYENSIYA- mula sa salitang Latin na scientia ibig sabihin ay karunungan.
-layunin nito ang maparami at mapalawak ang datos upang makabuo ng teorya.
LIKAS NA SIYENSIYA( Natural Science)- larangan na nagtutuon sap ag-aaral ng mga penomenang likas sa mundo.
TEKNOLOHIYA- praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teorya.
-galing sa salitang Griyego na teknologia ibig sabihin ay sistematikong paggamit n sining,binuong craft
o paraan.
SINING- emosyon ang nililikha ng sining sa tao.
DISIPLINA SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA
a. Kemistri- nakatuon sa komposisyon ng mga substance,properties at mga reaksiyon at interaksiyon sa enerhiya at sarili
ng mga ito.
b. Pisika- nakatuon ito sa mga property at interaksiyon ng panaho,espasyo,enerhiya at matter.
c. Astronomiya- pag-aaral ito ng mga bagay na selestiyal,mga kometa,planeta
d. Information Technology- pag-aaal at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon datos
at pagpoproseso.
e. Inhinyeriya- nakatauon sa aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko at matematiko upang bumuo ng
disenyo,mapagana ang makina.
F. Matematika- siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika at ugnayan ng numero,pigura,anyo,espasyo,kantidad
at estruktura.
g. Aeronautics- teorya at praktis ng pagdidisenyo,pagtatayo,matematika at mekaniks ng nabigasyon sa kalawakan.

Sa metodong siyentipiko ang Konklusyon- ay nagpapahayag na isang kontribusiyon bago o makabago at ground breaking
na produkto.
IMRaD- metodong popular sap ag-aaral ng pananaliksik sa siyensiya at teknolohiya.

ARALIN 9 (CHARACTER SKETCH)


Character Sketch- anyo ng sanaysay na naglalarawan o nagsasalaysay tungkol sa isang tao,bagay,hayop o lugar.
Tatlong Estratehiya
a. PAGLILISTA- hindi kailangan bigyang paliwanag o bigyang katuwiran ang bawat impormasyon.
b. PAGMAMAPA- paglilista na may kasamang pagdrowing
-mas naipapakita sa estratehiyang ito ang koneksiyon ng mga detalye o aytem sa listahan ng isa’t isa
c.MALAYANG PAGSULAT- tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye sa anyong patalata.
IBAT IBANG PARAAN
a. ORASAN – paggamit ng detalye mula sa unang kaganapan.
b. PAPUTOK- uri ng pagsulat kung saab nagsimula ang kuwento sa isang mahalagang pangyayari at kasunid ang
bunga o resulta.
c. SAYAW- paggamit ng detalye muls ds ibat-ibang panahon.
BIONOTE – para ipakilala ang may-akda ng isang artikulo osa journal .
Siyentipikong Ulat- ulat tungkol sa resulta ng isang saliksik.

You might also like