You are on page 1of 2

Villaran, Gerine R.

BESS-2

Agham Pisikal (Natural Science)

1. Siyensya - Isang sistematikong pag aaral gamit ang sistematikong pamamaran upang subukin ang
katotohanan sa likod ng mga haka haka.

2. Matematika - ang pag-aaral ng kantidad, espasyo, estraktura at pagbabago. Ang mga matematiko na
nag-aaral ng matematika ay naghahanap ng mga paterno (patterns) at isinasa-pormula ang mga bagong
konhektura

3. Pisika - Ang pisika o liknayan (Ingles: physics) ay isang natural na agham na sumasangkot sa pag-aaral
ng materya at mosyon nito sa espasyo-panahon kasama ng mga kaugnay na konseptong gaya ng
enerhiya at pwersa.

4. Kemistri - pag-aaral ng mga elemento at kompuwesto (compound) at kung ano ang gawain ng mga
ito. Ito ang pag-aaral ng mga bagay na bumubuo sa ating katawan at ng mundong ating ginagalawan.
Tinatawag na kimiko o kemist ang taong nagpakadalubhasa sa kemika, bagaman tumuturing din ang sa
kimiko mga sustansiyang kemikal.

Biological Science

1. Biyolohiya - Ang biyolohiya o haynayan ay isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay
at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang istruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon,
distribusyon at taksonomiya.

2. Agrikultura - Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-
singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa
pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.

3. Medisina - Ang panggagamot o medisina ay sangay ng agham pangkalusugan na tungkol sa


panunumbalik at pagpapatuloy ng kalusugan at kagalingan. Sa isang malawak na kahulugan, ito ang
agham sa pagiwas at paggamot sa mga sakit.

4. Panggugubat - Ang agham ng pagtatanim at pag-aalaga sa mga kagubatan at ang pamamahala ng


lumalaking troso

5. Botanika - Ang botanika o botaniya ay ang sangay ng biyolohiya ukol sa mga halaman, kasama ang
pag-aaral sa istruktura, katangian, at ang mga biyokimikal (biochemical) na proseso ng halaman, pati na
rin ang klasipikasyon, sakit ng halaman, at ang pakikisalamuha ng mga halaman sa kanilang kapaligiran.

6. Soolohiya - Ang ikalawang pangunahing sangay ng biyolohiya, ang pag-aaral sa buhay-hayop.

Agham na Likas

1. Astronomiya - Isang agham na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga


kaganapang nangyayari sa labas ng Daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang pinagmulan,
pagbabago, at mga katangiang pisikal at kimikal ng mga bagay na mapagmamasdan sa kalangitan (na
nasa labas ng atmospero), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan.

2. Ihenyeriya - Ang inhinyeriya (mula sa Kastilang ingeniera, ingeniería) ay ang paglalapat ng agham
upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng kaalaman,
matematika, at pratikal na karanasan na nilalapat sa pagdibuho ng mga may gamit na bagay o proseso.

3. Heolohiya - Isang agham pangmundo na sumasaklaw sa pagaaral ng mundo, ng mga bato kung saan
gawa ito, at ang mga proseso ng kanilang pagbabago.

You might also like