You are on page 1of 20

 Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga

datos na nakalap ng mananaliksik sa


pamamagitan ng grapik na presentasyon
o grapikong paglalarawan.
 Sa pananaliksik, ang presentasyon ay
tumutukoy sa pag-oorganisa ng mga
datos sa lohikal, sikwensiyal, at
makahulugang kategorya at
klasipikasyon ayon sa isinagawang pag-
aaral at interpretasyon.
May tatlong paraan ng presentasyon ng
mga datos na nakalap sa pananaliksik:
 Tekstwal
 Tabular
 Grafikal
Gumagamit ng mga patalatang pahayag upang ilarawan ang
mga datos.
Dahil ito'y patalata, kinakailangang taglayin ang mga
sumusunod na katangian:
 Kaisahan - pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata
 Kohirens - pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagin sa loob
ng isang talata
 Emfasis - pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa datos
na nangangailangan noon
Bukod sa tatlong nabanggit, narito pa ang
mga ilang dapat taglayin ng isang tekstwal na
presentasyon:

 Malinaw - tiyakin ang mga pangungusap ay hindi


malabo o hindi maaaring magbunga ng iba't-
ibang interpretasyon.

 Tuwiran - iwasan ang mga paliguy-ligoy na


pahayag. Tandaan na ang tekstwal na
presentasyon ay isang teknikal na sulatin at hindi
isang akdang literari o malikhain.
 Maikli - ang brevity o kaiklian ay isang
pangangailangan sa teknikal na pagsulat.
 Wasto ang gramar - kailangang maging
maingat sa konstruksyon ng mga
pangungusap, sa pagbabaybay at sa
paggamit ng mga bantas.
 Lohikal - mapanuring pag-iisip o tamang
pangangatwiran
 Noong 1990, tumaas ng dalawampung bahagdan (20%)
ang bilang ng mga turistang pumunta rito sa Pilipinas mula
sa dami ng bilang ng mga dayuhang turistang naitala ng
Departamento ng Turismo noong 1986. Dalawampung
bahagdan (20%) din ang itinaas ng bilang ng mga turista
noong 1994. Gayundin ang itinaas noong 1998.
Samakatwid, lumilitaw na tumaas ng dalawampung
bahagdan (20%) ang bilang ng mga turistang dumadayo sa
Pilipinas tuwing ikaapat na taon mula 1986 hanggang 1998.
Gumagamit ng isang istatistikal na talahanayan
Ang mga magkakaugnay na datos ay inayos ng
sistematiko
Ang bawat numerikal na datos ay itinatala sa
ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay
upang ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa
isang tiyak, kompak, at nauunawaang anyo.
Graf - isang viswal na presentasyong kumakatawan sa
kwantiteytib na baryasyon o pagbabago ng mga
baryabol, o kwantiteytib na komparison ng pagbabago
ng isang baryabol sa iba pang baryabol o mga baryabol
sa anyong palarawan o diagramatic.
Ang mga pinakagamiting graf sa pananaliksik ay ang
mga ss.:
 Layn graf
 Bilog na graf
 Bar graf
 Piktograf
 epektibo ito kung nais ipakita ang trend
(kung mayroon) o pagtaas, pagdami o
pagsulong (o ang kabaliktaran ng mga ito) ng
isang tiyak na varyabol.
 ginagamit upang ipakita ang mga
pagbabago ng varyabol.
 ginagamit upang ipakita ang distribusyon,
pagkakahati-hati o divisyon, proporsyon,
alokasyon, bahagi o fraksyon ng isang
kabuuan.
 ang kabuuang hinati-hati ay maaaring
katawanin ng isang simpleng bilog o di kaya'y
ng multi-dimensyunal na bilog na kahawig ng
isang pie.
 epektibong gamitin upang ipakita ang sukat,
halaga, o dami ng isa o higit pang baryabol sa
pamamagitan ng haba ng bar.
 maaari itong gawing patayo o pahiga.
 ang presentasyon ay sa pamamagitan ng larawang kumakatawan sa
isang baryabol
 Sa pag aanalisa ng mga datos,
binibigyang pansin dito ang
pinakamahalagang resulta sa
naipresentang talahanayan. Grapiko o
teksto.
Ang mga salik o dahilan kung bakit ganoon
ang naging resulta ng pananaliksik. Dapat
ding maipaliwanag ang mga implikasyon nito
o maaring mahalaw na pahiwatig ng resulta.
Upang mas maging makabuluhan ang
interpretasyon, kailangang gumamit ang mga
kaugnay na resulta kung umaayon ba ito o
sumasalungat ang kinalabasan ng pag aaral.
Kailangan ng mabusising pagsusuri sa lahat
ng mga anggulo nan aka aapekto sa resulta.

You might also like