You are on page 1of 1

FPL Reviewer

Character Sketch
- Isang anyo ng sanaysay na naglalarawan o nagsasalaysay tungkol sa isang tao, hayop,
bagay o lugar tungo sa isang impresyon i kakintalan o kaya'y insight o kabatiran.

Mga Estratehiya:
● Paglilista
- inililista ang anomang salita o parirala na may kaugnayan sa paksa. Sa
estratehiyang ito, mahalagang isulat lamang anglahat ng detalyeng pumasok sa
isip habang naglilista.
● Pagmamapa
- tulad din ng paglilista, isinusulat din ang mga salita o parirala na may kaugnayan
sa paksa. Ang kaibahan lamang, mas naipapakita sa estratehiyang ito ang
koneksyon ng mga detalye o aytem sa listahan sa isa’t isa.
● Malayang Paglilista
- Tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye sa anyong patalata. Mahalaga sa
estratehiyang ito ang mahigpit na pagsunod sa wastong proseso. Tulad sa
paglilista, kontrolado rin ang oras ng pagsasagawa ng estratehiya upang maging
mabisa ito at makapagpalitaw ng mga detalye tungkol sa paksa.

Pagsasaayos ng Datos sa Character Sketch


● Orasan
- Maaari itong magsimula sa detalye o pangyayaring lumitaw o naganap na
susundan ng iba pang detalye o pangyayaring lumitaw o naganap ayon sa daloy
ng panahon.
- magkakasunod, simula hanggang wakas
- Hal.: Talambuhay ni Rizal mula kanyang pagkasilang hanggang pagpanaw
● Paputok
- nagsisimula sa isang mahalagang pangyayari, at kasunod nito, ilalahad naman
ang mga bunga o resulta ng pangyayaring ito.
- sanhi at bunga
- Hal.: Pagtaas ng presyo ng gasolina (mahalagang pangyayari)
Tumaas ang presyo ng mga bilihin sa merkado at pamasahe (bunga)
● Sayaw
- ang manunulat ay pwedeng gumamitng detalye o pangyayari mula sa iba't ibang
lugar o panahon. Ang magbibigay ng kaisahan sa mga datos na ito ay ang paksa
o temang nais idebelop sa sulatin.
- pinatitingkad ang pagiging independent ng isang tauhan.
- Hal.: Patitingkarin ang mga katangian niya bilangresponsableng haligi ng
tahanan.

You might also like