You are on page 1of 3

TEKSTONG IMPORMATIBO

-isang uri ng babasahing di-piksyon


(nagbibigay ng bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala at bagong impormasyon)
-naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling.
-alisin o linawin ang agam-agam
-hindi nakabatay sa sariling opinyon ng may akda
-nangangailangan ng masusing pananaliksik

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO


Layunin ng may akda
-may layuning maglahad o magbigay ng impormasyon.
Pangunahing Ideya
-dagliang inilalahad sa mga pamagat, o mga organizational markers.
Pantulong na Kaisipan
-ang angkop na pantulong na kaisipan ay mahalaga sa kakintalan ng pangunahing
ideya sa mambabasa
Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sanggniang magtatampok sa mga bagay na
binibigyang-diin
-upang higit na magkaroon ng malawak na pag-unawa sa teksto ginagamit ang mga
sumusunod:
▪ Nakalarawag representasyon (tsart, dayagram, guhit, talahanayan, timeline,
at iba pa.
▪ Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto (pagsulat na nakadiin,
nakahilis nakasalungguhit, may panipi)
▪ Pagsulat ng mga talasanggunian.
URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
-Personal na nasaksihan ng manunulat
-Historical Accounts/Sulating Pangkasaysayan
-Naglalahad ng mga sagot sa mga tanong na sino, ano, san, kailan, at paano nangyari ang
isang mahahalagang pangyayari.
Halimbawa: Police report, balita sa pahayagan.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon
-mahahalagang kaalaman patungkol sa tao, hayop, at iba pang bagay na nabubuhay at di
naubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
-kailangan ng masusing pananaliksik at naglalahad ng pawang katotohanan.
-hindi dapat Samahan ng personal na opinyon o pananaw ng manunulat
Halimbawa: Artikulo tungol sa Cyberbullying, Global Warming at iba pa.
3. Pagpapaliwanag
- nagbibigay paliwanag kung paano bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
-nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan
-ginagamitan ng mga larawan, dayagram o flowchart na may paliwanag.
Halimbawa: Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.

TEKSTONG PERSWEYSIB
-ito ay naglalayong mangumbinsi o manghikayat sa mga tagapakinig, manonood o
mambabasa.
-ito rin ay nagbibigay ng opinyon ng may akda o nagsasalita upang mahikayat ang madla.

MGA ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT

1. ETHOS
-tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat
-dito ay magkakaroon ng pagpapasiya ang isang mambabasa ukol sa kanyang
binabasang teksto kung siya ay maniniwala sa kanyang binasang pahayag.
2. PATHOS
-tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa
-ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang epektibong paraan
upang makahikayat.
3. LOGOS
-tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa
-nangangahulugang nanghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman o may
katwiran ba ang sinasabi upang mahikayat ang tagapakinig kung ito ba ay totoo.

PROPAGANDA DEVICES

NAME-CALLING
-ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko
upang hindi tangkilikin.

GLITTERING GENERALITIES
-ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa
mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa

TRANSFER
-ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang
kasikatan.
TESTIMONIAL
-kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.

PLAIN FOLKS
-karaniwang ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao
ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.

CARD STACKING
-ipinapakita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit
ang hindi magandang katangian.

BANDWAGON
-hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang
lahat ay sumali na.

You might also like