You are on page 1of 19

CHARACTER SKETCH

CHARACTER SKETCH
- isang anyo ng sanaysay na naglalalrawan o nagsasalaysay tungkol sa isang tao, hayop, bagay o lugar tungo sa isang impresyon o kakintalan o kaya’y
insight o kabatira
- nagbibigay-diin sa character o mga katangiang panloob na tinataglay ng isang indibidwal o bagay
- may movement o galaw ang sanaysay mula sa isang kongkretong datos patungo sa isang abstraktong kaisipan
- kailangan direkta ang pagsasabi o paglalarawan
o hindi na magpapaligoy-ligoy at hindi gagamit ng mga mabubulaklak na salita
- halimbawa: lakbay-sanaysay

SA PAGPILI NG PAKSA
 Pamilyar sa Manunulat
- kailangang kilalang-kilala ng manunulat ang paksa upang mapalitaw niya ang katangian o kalikasan ng paksa na maaaring hindi madaling makita ng iba

 Makabuluhan sa Lipunan
- kailangang magkaroon ng silbi sa higit na nakararaming mambabasa o sa lipunan

DALAWANG ASPEKTO NG PAGSULAT NA MAHALAGA SA CHARACTER SKETCH


 Kasapatan ng Datos
- dapat sakto o sapat ang datos na ilalagay
- hindi kulang, hindi sobra

 Organisasyon ng mga Datos


- dapat maayos ang pagkasunod-sunod ng mga ideya
- nararapat din na tama ang gramatika ng mga isinulat

MGA ESTRATEHIYA SA PAGPAPARAMI NG DATOS


 Paglilista
- inililista ang anomang salita o parirala na may kaugnayan sa paksa
- hindi kailangang maging mahigpit sa paglilista
- bullet form
- paglalagay ng anomang detalye nang tuloy-tuloy

 Pagmamapa
- tulad din halos ng paglilista na kung saan isinusulat din ang mga salita o parirala na may kaugnayan sa paksa
- ang kaibahan ay mas naipapakirot ang koneksiyon ng mga detalye o aytem sa listahan sa isa’t isa
- naghahanap ng relationship/connection sa mga detalyeng nakalagay
- may categories
- maaaring nasa anyong pangungusap

 Malayang Pagsulat
- tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye sa anyong patalata
- mahalaga rito ang mahigpit na pagsunod sa wastong proseso

MGA PARAAN NG PAGSASAAYOS NG MGA DETALYE


 Sayaw
- ang manunulat ay puwedeng gumamit ng detalye o pangyayari mula sa iba’t ibang lugar at panahon
- ang magbibigay ng kaisahan sa mga datos na ito ay ang paksa o temang nais idebelop sa sulatin
- kadalasan ay impormal ang mga detalye
- maraming detalye ngunit may isang temang pinalilitaw
o ang mga detalye ay under o nakaugnay lamang sa isang temang pinalilitaw

 Paputok
- nagsisimula sa isang mahalagang pangyayari at kasunod nito, ilalahad naman ang mga bunga o resulta ng pangyayaring ito
- malaking pangyayari + epekto nito
- halimbawa: gera at ang epekto nito

 Orasan
- magsisimula sa detalye o pangyayaring pinakaunang naganap na susundan ng iba pang detalye o pangyayaring lumitaw o naganap ayon sa daloy ng
panahon
- pagkasunod-sunod ng pangyayari
- halimbawa: biography at history
- inilalagay kung ano lang ang nangyari sa isang panahon
o ang epekto nito sa mga susunod na panahon ay hindi na inilalagay

CHARACTER SKETCH PARA SA ISANG JUDGE O HURADO (halimbawa)


- sinasabi ang mga credentials at achievements
- sinasabi rin ang past judging experience to make them credible in judging

BIONOTE
- ginagamit sa pagpapakilala sa sarili
- anyo ng sulatin na pumapaksa sa sarili o sa ibang tao na maikli lamang at karaniwang may tonong pormal
- madalas ay nasa dalawang (2) minuto ang itinatagal
MGA GAMIT NG BIONOTE
1. para ipakilala ang may-aksa ng isang aklat o artikulo sa isang journal
2. para ipakilala ang isang natatanging indibidwal sa isang aklat na pang-general reference
3. para ipakilala ang isang tagapagsalita sa isang kumperensiya o seminar
4. para ipakilala ang isang panauhing pandangal sa isang pormal na pagtitipon
5. para ipakilala ang isang natatanging indibidwal na bibigyan ng parangal
ULAT

ULAT
- anomang anyo ng pagpapahayag
o maaaring pasulat o pabigkas
- ang pangunahing layunin ay magpaabot ng makabuluhang impormasyon sa isang indibidlwa o grupo ng mga mambabasa, manonood o tagapakinig
- sa mamamahayag nagmumula ang isang datos o impormasyon
- ang simpleng pause/hinto at iba pang bagay ay maaaring ma-interpret ng manonood o tagapakinig
- gayon din, ang mga bantas/pananda (punctuation) ay magbibigay ng meaning sa nagbabasa
- halimbawa: podcast, news article

MGA KATANGIAN
 Malaman
- nagtataglay ng makabuluhan, sapat, at mapagkaka-tiwalaang datos
- dapat knowledgeable ang nag-uulat
- dapat informative ang ulat

 Maayos
- malinaw ang pagkakahanay ng datos at napatitingkad ang mahahalagang kaalaman o ideya
- kailangang nadedeliver o naisulat nang maayos ang ulat

MGA HALIMBAWA NG ULAT


 Mapagsiyasat na Ulat (Investigative Report)
- karaniwang ginagawa ng mga mamamahayag, ahensiya ng pampamahalaan o non-government organization
- nag-iimbestiga tungkol sa isang napapanahong isyung pampolitika o panlipunan
- tinatawag ding investigative report
- isyung panlipunan ang paksa
- national at international level
- halimbawa: korpusyon, pork barrel, election

 Taunang Ulat (Progress/Yearly Report)


- ukol sa mga nagawa o estado sa nagdaang taon ng isang pampubliko o pribadong organisasyon
- weekly, monthly, yearly
- progress o growth report
- makikita ang estado ng produkto, phenomena, at iba pa
- halimbawa: SONA, national budget, inflation rate, company growth/status, report card

 Ulat Panahon
- tungkol sa kalagayan ng panahon
- karaniwang ipinapahayag sa pahayagan, radio, telebisyon, at iba pa
- kailangang napapanahon
o kinakailangang napapanahon ito upang makapaghanda ang mga opisyales at mga tao upang maprevent ang mas malaking harm or epekto
- kailangan may sense of emergency ang mga opisyales maging ang mga mamamahayag

 Ulat ng Pulis
- tungkol sa nangyaring aksidente, krimen, at iba pang kaugnay sa isang tiyak na lugar o pamayanan
o ulat ng aksidente sa isang maliit na lugar
o krimen: holdap, patayan, at iba pa
- kinakailangan din ng sense of emergency
- inuuulat ito upang makaiwas sa gulo, aksidente o trapik ang mga tao

 Siyentipikong Ulat
- patungkol sa resulta ng isang saliksik o eksperimento
- karaniwang inilalathala sa siyentipikong journal o ipinepresenta sa isang kumperensya
- gradual na nangyayari
o may process o development
- any news na ginamitan ng research/scientific method
REBYU

ANG PAGKAKAIBA NG REBYU, KRITIK AT REAKSIYON


ayon sa pediaa.com
 Rebyu
- ay koleksyon ng opinyon ng mga nakapanood o nakabasa o may interes sa isang larang
- may evidence o proof ang isang judgment

 Kritik
- ay isang detalyadong pagsusuri ng isang larang ngunit isinulat ng mga eksperto sa larang na iyon
- ito ang rebyu ng isang eksperto sa isang field o larang

 Reaksiyon
- ay opinyon mula sa manonood
- kalimitan ang manonood ay may interes sa pinanonood
- mababaw lamang
- nangyayari tuwing unang basa o unang kita sa isang bagay
- more on judgment lang at walang proof o evidence kung kaya naging judgmental

REPERTOIRE NG GAWANG MALIKHAIN: PANGKALAHATAN AT PARTIKULAR

Pangkalahatang Repetiore ng Gawaing Malikhain


1. Nilalaman
- batayang kaalaman o background knowledge
- tinitignan ang lagom, pamagat, manunulat, at iba pa
- puwedeng nakasulat in bullet form
- maaari ding makita sa internet o websites
- basic information sa isang palabas o sulatin

2. Tema
- puwedeng i-discuss ang pagkakaiba-iba ng perspective o paglalahad ng tema sa iba’t ibang palabas o sulatin

3-4. Paniniwala at Pagpapahalaga


- ano ‘yung pinaniniwalaan sa pelikula o sulatin

PELIKULA: CODES AND CONVENTIONS


 Codes
- anomang simbolo na nakapagbibigay ng kahulugan sa kabuuan ng isang malikhaing gawa

1. Symbolic
- anomang bagay na nakikita gamit ang paningin
- mga bagay na madalas pinakikita na nagbibigay meaning sa pelikula
- halimbawa: kuwago, krus

2. Teknikal
- paggamit ng kagamitan sa media upang makapagbigay ng kahulugan
- halimbawa: mga camera angles at lighting
o dutch angle – emosyon na may mangyayaring masama/intense/nakakatakot

 Conventions
- anomang element na madalas lumabas sa isang partikular na genre ng isang malikhaing akda
- sinasagot ang mga sumusunod na tanong:
o mukha bang tama ang mga props at set?
o realistic ba ang lugar at props?
- halimbawa: haunted house para sa mga pelikulang nakatatakot

REPERTOIRE NG MAMBABASA O REBYUWER: PANGKALAHATAN AT PARTIKULAR


MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG REBYU
1. Sa pagsulat ng rebyu, nagsisimula ang lahat sa pagbibigay ng batayang impormasyon nito, pares ng panlabas na katangian ng isang tao tulad ng pamagat,
minutong tinatagl, taon, bilang ng taludtod (kung ito ay tula) o bilang ng talata (kung ito ay sanaysay), at iba pa
2. Sunod, kung ito ay may pinaghanguan (kasaysayan, balita, buhay ng isang tao) kinakailangan din itong ibigay upang makadagdag sa oryentasyon ng babasa
3. Pangatlo, bigyan ito ng ugnayan maaaring sa iba pang kaparehang pelikula, teoryang pampanitikan, isyung panlipunan o iba pang konsepto
4. Pang-apat, ipaliwanag kung papaano ito naiugnay sa mga halimbawang naibigay sa ikatlong hakbang
5. Ipaliwanag naman ang malikhaing bahagi ng lumikha nito (papaano niya nabigyan ng panibagong anggulo ang konsepto, balita, o kasaysayang ito?).
Suportahan din ito sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng ilang bahagi ng nirerebyu (sinematograpiya, ilang scenes, saknong, talata, at iba pa). Pinakamasidhi
sa lahat ng hakbang.
6. Panghuli, ano ang sa tingin mong mensahe nito para sa manonood, sa sining, at sa lipunan? May ibinibigay bai tong implikasyon na kumilos sa isang
suliranin? Pangatuwiranan ito, maaaring sa pagbibigay ng ilang bahagi ng akda. Tinatawag ang parteng ito na mensahe at konklusyon.

Note:
 Pinakamasidhing Hakbang – ikalimang hakbang
 Mensahe at Konklusyon – ikaanim na hakbang

REPERTOIRE: PANGKALAHATAN AT PARTIKULAR


 Pangkalahatan: pananaw, kaisipan, paniniwala at pagpapahalaga

 Partikular: kaalaman tungkol sa iba’t ibang pamamaraan ng gawang malikhain

ANO ANG IPINAGKAIBA?


- nakabatay sa mga sistematiko at obhetibong proseso
- mas gumagamit ng kritikal na pag-iisip kaysa sa imahinasyon
- obhetibo ang rebyu lalo ang kongklusyon na hango sa napatunayang datos
ANO ANG PAGKAKAPAREHA?
- parehas na tinutukoy ang batayang kaalaman/impormasyon
- nangangailangan ng pananaliksik
- pagiging malikhain (suliraning hindi pa natatalakay)

BATAYANG IMPORMASYON SA REBYUNG AKADEMIKO


 Kung Aklat
- pamagat
- mga akda
- patnugot
- tagapaglimbag
- taon ng paglimbag
- bilang ng pahina (lalo kung hindi lahat)

 Kung Artikulo
- pamagat
- may akda
- pamagat ng kinapapaloobang aklat/journal
- tagapaglimbag
- taon ng paglimbag
- bilang ng pahina (lalo kung hindi lahat)

PANGKALAHATAN
 Paksa
- theme o tema

 Pangunahing Ideya
- nakaugnay sa tema
- main topic

 Pansuportang Ideya
- sumusuporta sa pangunahing ideya
- mga dagdag na detalye

REPERTOIRE-PARTIKULAR
- paglalahad ng paksa at suliranin ng pag-aaral
o sa libro ang suliranin at layunin ay iisa (suliranin = layunin)
- rebyu ng kaugnay na pag-aaral
- layunin ng pag-aaral
- teoretikal na balangkas
- metodo ng pananaliksik
- saklaw at delimitasyon
- kahalagahan ng pag-aaral
- presentasyon ng datos
- pagsusuri ng datos
- kongklusyon

REPERTOIRE NG REBYUWER BILANG MAMBABASA


PANGKALAHATAN
 Iskema
- stock knowledge

 Pananaw
- tumutugma ba sa paniniwala

 Paninidigan

PARTIKULAR
- tiyak na estratehiya na ginagamit ng nagrerebyu para suriin ang gawang akademiko

Ilang Estratehiya
- pagtiyak sa pinagmulan
- pagtimbang sa kahalagahan
- pagtatasa sa linaw ng pagpapalitaw ng pangunahing ideya ng pag-aaral
o pagtatasa – assessment
- pag-uugnay ng pag-aaral sa ibang naunang pag-aaral
- pagsusuri sa disenyo ng pag-aaral
- pagsusuri sa paggamit ng datos
- pagsusuri sa paggamit ng teorya
- pagtatasa sa mapanuring katangian ng gawa
- pagtatasa sa linaw ng kongklusyon
- pagtatasa sa kalidad ng komunikasyon
TALUMPATI

TALUMPATI
- isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig
- nagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw at saloobin ng isang tao sa harap ng madla
- halimbawa:
o natatanging panayam o lektura
o ppresenatasyon ng papel
o keynote address o susing talumpati
o talumpating panseremonya
o talumpating nagbibigay-inspirasyon

TATLONG BAHAGI NG TALUMPATI


ang bahagi ng sanaysay ay katulad ng bahagi ng talumpati
1. Panimula o Introduksyon
- bahaging naglalahad ng layunin ng talumpati
- kaagapay ang mga istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla
- tumatatak sa makikinig o mambabasa
- ginagamit pang-attract sa mga tagapakinig o mambabasa

2. Katawan o Nilalaman
- pinagsusunod-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo
- pinakamadali sa lahat ng bahagi ng talumpati

3. Kongklusyon o Katapusan
- ito ang bahaging nagbubuod o naglalagom sa talumpati
- katulad ng panimula/introduksyon, tumatatak din ito sa mga tagapakinig o mambabasa

3 URI NG TALUMPATI
(ayon sa pamamaraan)
 Impromptu (Biglaan)
- walang paghahanda ang mananalumpati

 Extemporaneous (Maluwag)
- may hinahandang balangkas ng talakay at may panahong magtipon ng datos ang mananalumpati bago magsalita
- may layout o guide
- puwedeng magdagdag ng impormasyon dahil wala namang sinusundan o sinusunod na iskrip
 Memorized (Kabisado)
- ganap ang paghahanda at kabisado ng mananalumpati ang kanyang talumpati
- hindi maliligaw sa sasabihin dahil may kabisado na ang iskrip
- hindi masyadong mabubulol dahil maaaring nakapag-ensayo na bago ang araw ng talumpati
- hindi maaaring makapagsingit ng dagdag na impormasyon dahil may iskrip na susundan (kung maisisingit man, mahihirapan ang nagtatalumpati)

IMPROMPTU
- sakaling mapunta sa ganitong sitwasyon, isaalang-alang ang ilang gabay na ginagamit ng mga debater (Davis at Dickmeyer 1993; Voth, 1997):
1. Panatilihin ang postura at huminahon
- mas magandang ipakita na hindi ka naaapektuhan sa biglaang tanong. Sa ganito ring paraan nasa relax mode ang iyong pag-iisip at mas magiging pokus sa
pagtugon sa tanong kaysa pagpokus sa posibilidad na maaari kang magkamali sa harap ng maraming tao
- alamin at sagutin ang hinihingi
o puwedeng itanong kung tama ba ang pagkuha mo sa tanong upang magkaroon pa ng oras sa pag-iisip ng sagot

2. Bago magsalita, sikapin na sagutin ang tanong sa pamamagitan ng paglalahad ng balangkas sa isip
- mag-isip na ng simpleng panimula, gitna at wakas na naglalaman ng direjtang sagot mula sa katanungan. Mag-isip na rin ng mahalagang sumusuportang
detalye sa iyon direktang sagot
- ipaliwanag ang naging sagot sa hinihingi/tanong
o ang mga halimbawa ay hindi pagpapaliwanag, ito ay mga dagdag na impormasyon lamang

3. Kaagad na tukuyin kung ano ang inisyal na plano


- mas mainam kung simpleng salita na lamang ang gagamiting midyum. Sa ganitong paraan, ang pokus ay nasa pagsagot sa tanong sa pamamagitan ng
naisagawang balangkas at hindi nahahati sa kung papaano ito masasabi nang napakaganda. Hindi nasusukat ang kagandahan ng talumpati sa ganda ng
piniling salita bagkus ay kung papaano napalawak ng mananalumpati ang kanyang mahahalagang punto.

4. Kaugnay nito, magkaroon din ng simpleng panimula, gitna at kongklusyon


- sa huling bahagi kung ilalahad na ang kongklusyon, babanggitin ito at huminto na. Ang karaniwang pagkakamali sa impromptu ay ang patuloy na
pagsasalita, maaaring magdulot kasi ito ng pagkakalat sa kabuuan ng iyong talumpati

MGA URI NG TALUMPATI


(ayon sa layunin)
 Impormatibo
- may layuning makapagbigay ng anomang bagong kaisipan o bagong pananaw
- maaari ring makapagbigay ng higit na pang-unawa o kabatiran sa manonood o tagapakinig
- nagbibigay ng impormasyon
- halimbawa:
o talumpating nagpapakilala
o talumpating pangkabatiran
o talumpating nagbibigay-parangal

 Mapanghikayat
- may layuning makapang-impluwensiya ng paniniwala, pagpapahalaga o kaugalian sa manonood o tagapakinig
- maaari ding makapagbigay ng pagbabago o aksiyon na dapat gawin ng nanonood o nakikinig
- halimbawa:
o talumpating pampasigla
o talumpating pampalibang
o ilang talumpating nagbibigay-kabatiran
o ice breaker

IBA PANG URI NG TALUMPATI


 Talumpating Pampalibang
- kadalasang binibigkas pagkatos ng isang salu-salo

 Talumpating Nagpapakilala
- tinatawag ding panimulang talumpati
- karaniwang maikli lalo na kung ang ipinakikilala ay kilala o may pangalan na

 Talumpating Pangkabatiran
- ginagamit sa mga kumbensyon, panayam at mgapagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pangsamahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan
- gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanag at maunawaan ang paksang tinatalakay

PROSESO NG PAGSULAT
 Paghahanda
1. Layunin ng Okasyon
2. Layunin ng Nagtatalumpati
3. Manonood
4. Tagpuan ng Talumpati

Note:
Ang layunin ng okasyon at layunin ng nagtatalumpati ay nararapat na harmonized sa isa’t isa

 Pananaliksik
1. Pagbuo ng Plano
2. Pagtitipon ng Materyal
3. Pagsulat ng Balangkas
 Pagsulat
1. Sumulat gamit ang wikang pabigkas
2. Sumulat sa simplent estilo
3. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya
4. Gumamit ng angkop na mga salitang pantransisyon
5. Huwag piliting isulat agad ang simula at katapusan ng talumpati

 Pagrerebisa
1. Paulit-ulit na pagbasa
2. Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati sa paraang pabigkas
3. Pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras
POSISYONG-PAPEL

POSISYONG-PAPEL
- sa mga nakaraang aralin, mapapansin na halos tila parehas lamang ang posisyong papel at ang rebyu
o ngunit ang posisyong papel ay nangangailangan ng pagtutuwid at pagtitindig (katuwiran at paninidigan)
- mas nakatuon ang posisyong papel sa napapanahong isyu, karaniwan ay napag-uusapan o napagtatalunan ngunit nakasalig sa ebidensiya, hindi katulad ng
rebyu na kalahating imahinasyon at kalahating pagsasaliksik
- may panig at bawal ang neutral na opinyon
- kailangan debatable
o dapat ang paksa ay hindi may absolute truth
o ang ibig sabihin ng absolute truth ay may isang pinaniniwalaan na ang lahat ng tao
- walang imahinasyon na kasama, kundi evidence o proof ang kailangan
- nagbibigay ng argumento sa dalawang panig para walang bias
- dapat ang paksa ay isyung kontrobersyal

LAYUNIN NG PAGSULAT
- upang makapagbigay ng suporta o karagdagang suporta sa isang isyu
o pagsuporta – maaaring magmula sa boses ng indibidwal, ng isang organisasyon o maaari din ng lipunang kinabibilanagn.
o pakatatandaan na ang lahat ay isasalaysay nang rasyonal
- mahalaga ring inilalatag ng posisyong papel ang mga posibilidad ukol sa panig na pinaninidigan
o malinaw ang ipinakikita ang sanhi at bunga ng mga panig upang makita ang kahihinatnan ng ibinibigay ng posisyon
o dapat magkaugnay sa pagsulat ang paninindigang sumasang-ayon o tumututok sa isang usaping dapat bigyang-linaw

MGA HAKBANG NG PAGSULAT


1. Magbigay ng paksa na makabuluhan o may dalawang posibilidad
- mas mainam kung napapanhon
- hanapin ang paksang may dalawang magandang posibilidad, dahil isa itong pagsubok sa nagsasagawa ng posisyon at hinahayaan natin ang mambabasa na
magsawa ng sarili rin nilang pananaliksik
- sikaping huwag kumuha ng paksang mas malaki ang tiyansang panigan ang isang panig, lalo na kung ang paksang napili ay mananatili nang tama
(absolute truth)

2. Magbasa, making, manood, bago humusga


- maiiwasan na mabulag ang pagsusulat nito sa posibilidad ng kabilang panig, dahil kung kabaligtaran ay mas nakasalig ito sa opinyon sa simula pa lamang
at hind isa bunga ng isinasagawang pagsasaliksik
- kabilang din sa pagsasaliksik ang pagtatanong-tanong lalo na kung sa tingin mo ay sila ang may awtoridad ng sitwasyon o nakaranas na nito
o huwag masyadong magpakampante sa pagtatanong ng karanasan dahil maaari itong makalimutan at marebisahan
o subject to being subhetibo pag sa tao lamang na may karanasan ang tatanungin kaya dapat maghana pa ng ibang source o evidence

3. Saka magsimulang manindigan


- mula sa inisyal na pagsasaliksik at pagtitimbang-timbang ng mabigat at mahalaga, magkakaroon na ng ideya ang sumusulat sa panig na kanyang
panindigan

4. Bumuo ng balangkas
- ang posisyong papel ay dapat maglamang ng sumusunod:

 Introduksiyon
- nakapaloob na rito ang paglalarawan sa isyu at ang iyong paninindigan
- sa simula pa lamang ay dapat makakuha na ito ng atensiyon mula sa mambabasa
- nakalagay ang kalikasan o paglalarawan sa suliranin maging desisyon o panig ng manunulat

 Katawan
- binubuo ito ng iba’t ibang talata
- binuubuo ito ng kaligiran ng parehas na panig, simula sa kabilang panig
- makaraan, ipaliliwanag ang napiling panig at bibigyan ng sumusuportang ebidensiya
- tandaan na kahit pumapanig tayo sa isa ay kailangan pa rin nating ilatag ang dalawa at ibigay ang kani-kanilang kalakasan at kahinaan upang matimbang
din ng mambabasa kung ang iyong paninidigan ba ay nakasasapat
- may dalawang bahagi: kabila at sariling panig
o ukol sa kabilang panig – pros & cons (unang bahagi)
o ukol sa sariling panig – pros & cons (pangalawang bahagi)

 Kongklusyon
- bilang pagtatapos, palakasin ang paninidigan nang hindi inuulit ang naisulat na sa introduksyon
- ang pinakamahalagang bahagi rito ay ang pagbibigay ng posibilidad o mungkahing plano o aksiyon upang matugunan ang napiling panig
- kailangan ng alternative o iminumungkahi

5. Isulat ang posisyong papel

6. Panghuli, isabuhay ito sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga kaklase o pagkokompara nito sa iba pang may panig sa paksang napili
- nakapagbibigay ito ng kamalayan hindi lamang sa sarili bagkus sa ibang tao
- nakikipagpalitan para malamang ang ibang side o dahilan ng iba sa pagpili ng kapareho o kasalungat na panig (objective)
PANUKALANG SALIKSIK

PROYEKTONG SALIKSIK/PANANALIKSIK
- nakasalalay sa isang pinag-isipan at sistematikong plano
- isang masalimuot na proseso na binubuo ng maraming hakbang

PANUKALANG SALIKSIK
- maaari ding tawagin na research proposal
- dito inilalagay ang lahat ng detalye ng plano para sa isang proyektong saliksik o pananaliksik
- isang panukala lamang
o para sa konsiderasyon o pagsasaalang-alang ng eksperto o nakababatid tungkol sa proyekto
o maaari pa itong mabago sang-ayon sa komentaryo at mungkahi ng mga eksperto at iba pang magbibigay pansin o puna rito
- karaniwang inihaharap sa isang tagapayo o pangkat ng tagapayo, kundi nama’y isang tanggapan o institusyon na maaaring sumuporta para maisagawa ang
saliksik
- ginagawa ito:
o bilang kahingian bago sulatin ang tesis para sa digring batsilyer, masteral, o doctoral
o bilang kahingian ng tanggapan o institusyong nagbibigay-pondo para matasa kung karapat-dapat ang proyektong na paglalaanan ng tulong
pinansiyal
o makabubuting gumawa nito upang makabuo ng plano at maging malinaw sa simula pa lamang ang magiging direksyon ng saliksik
- mahalagang sumulat ng pananaliksik kahit sa pansariling gamit lamang

MGA BAHAGI NG PANUKALANG SALIKSIK


- ang mga bahaging nakalista ay ang nabuong kumbensiyon sa mga akademikong rekisito tulad ng pagsulat ng tesis at disertasyon
o kumbensiyon – kung paano nakagawiang gawin ang isang bagay o aktibidad
- sa ibang konteksto maaaring may ibang mga format at may ibang mga katawagan sa mga bahagi, humigit-kumulang ay hindi na rin nalalayo ang mga ito
sa nabanggit na mga bahagi

 Introduksyon
- tinutukoy na sa bahaging ito ang paksa at suliranin upang magkaroon agad ng ideya ang babasa sa panukalang saliksik kung tungkol saan ang pag-aaral
- mahalagang mapag-iba ang paksa at suliranin
o suliranin – isang bahagi o aspekto lamang ng paksa
o halimbawa: kung ang paksa ay wika at agham, ang suliranin ay puwedeng “bakit kaunti o halos walang nagsusulat ng siyentipikong babasahin sa
wikang Filipino?”
- dito rin ipinaliliwanag ang mga personal at panlipunang dahilan kung bakit napili ang paksa
o madalas nagsisimula sa personal na interes, kuryosidad o problema, at hindi nakahihiyang sabihin ito, ngunit nararapat na maipalliwanag din ang
kabuluhan ng paksa sa mas malawak na lipunan

 Paglalahad ng Suliranin
- magkaiba ang paksa at suliranin
o suliranin – mas maliit at mas espesipikong aspekto ng paksa
- ipanahahayag sa pamamagitan ng isang tanong
- iisa lamang ang suliranin ng saliksik
o kung iba-iba ang suliranin, hihilahin ang salik sa ikab’t ibang direksiyon at magiging magulo ang pag-aaral
o sa ilalim ng isang suliranin, maaaring magkaroon ng iba pang kaugnay at mas tiyak na mga suliranin
- kailangang muling ilahad ang paksa at suliranin ng pag-aaral
- maaaring ding ipaliwanag kubg paano natukoy ang suliraning ito
- maaari ding ilahad kung bakit mahalagang mapag-aralan ito
- sa bahaging ito rin puwedeng ipaliwanag ang mga susing konsepto na nakapaloob sa suliranin ng saliksik

 Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral


- tumutukoy sa mga nagawa nang pag-aaral na may kinalaman sa pinaplanong pag-aaral
- ay paglilista at anotasyon o deskripsiyon ng mga pag-aaral na ito at pag-uugnay-ugnay sa mga pag-aaral para mapatingkad ang nasabi na tungkol sa paksa
o suliranin at kung ano ang dapat pang malamang tungkol dito
- sa anotasyon o deskripsiyon dapat na matalakay ang nilalaman ng pag-aaral at ang relasyon nito sa ginagawang sariling pag-aaral
- ay hindi lamang talaga paglilista kundi pagpapaliwanag sa nilalaman ng mga babanggiting pag-aaral at sa kaugnayan nito sa pinapalanong saliksik
- mahalaga ito dahil dito makikita kung may Nakagawa na ng saliksik na katulad ng ipinapanukala
- dito rin malalamang ang kahalagahan ng saliksik dahil maipapakita kung ano ang nagawa na noon at kung ano ang magiging ambag naman ng sariling
pag-aaral

 Layunin
- sa bahaging ito, maaaring isa-isahon ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na tumutukoy sa mga espesipikong gagawin sa saliksik
- ang mga layunin ay tumutukoy sa dapat gawin, nakasulat ang bawat layunin gamit ang verb o pandiwa
- karaniwang may tatlo hanggang limang tiyak na layunin ang isang may katamtamang habang saliksik
o katamtamang habang saliksik – karaniwang 30 hanggang 50 pahina
- bawat layunin ay dapat na espesipiko, maaaring isakatuparan at nasusukat
- kapag naisulat ma ang saliksik, karaniwang binabalikan ang mga tiyak na layunin para matiyak kung natamo ang lahat ng mga layuning ito

 Kahalagahan ng Pag-aaral
- dito ipinaliliwanag kung bakit mahalagang gawin ang pag-aaral
- maaaring mahalaga ang pag-aaral dahil sa:
o maiaambag nito sa akademikong disiplina
o maidaragdag na imporamasyon o kabatiran hinggil sa isang napapanahong isyu
o maibibigay na sagot sa isang problema ng lipunan

 Teoretikal na Balangkas
- ang teorya ay isang mabigat na salita sa nakararami
o karaniwang naiuugnay ang teorya sa mga salitang nagtatapos sa -ismo tulad ng pormalismo, marxismo, peminismo, posestrukturalismo, at iba pa
o ngunit hindi lamang ang mga salitang nasa itaas ang maituturing na teorya
o bukod sa salitang teorya, maaari ding gamitin ang salitang konsepto o ideya
- dito ipinaliliwanag ang mga ideyang gagamitin sa pagtingin, pagpapahalaga o pagsusuri sa mga datos na natipon sa saliskik
- sa bahaging ito rin ipinaliliwanag kung paano ilalapat ang mga ideyang ito sa datos
- kapag sinabing konsepto o ideya, maaaring nasa anyo ito ng mga salita o pangungusap
- ang konsepto o ideya ay maaaring nabuo ng ibang mananaliksik, iskolar o eksperto mula sa kanilang saliring malawakan, malaliman o tuloy-tuloy na
pananaliksik sa isang larang
o dahil sa kahalagahan ng kanilang nabuo o nadebelop na konsepto o ideya, maaaring gamitin din ng ibang mananaliksik o iskolar ang mga
konsepto o ideyang ito sa pag-aaral ng ibang paksa o ibang aspekto ng paksang niluwalan ng konsepto o ideyang ito

 Metodo
- tumutukoy sa mga paraan ng pagsasagawa ng saliksik o sa mga paraan ng pagkuha at pagtitipon ng datos
- ang mga karaniwang paraan ay ang:
o saliksik sa aklatan
o panayam
o sarbey
o questionnaire
o focus group discussion
o obserbasyon
- sa bahaging ito ng panukalang saliksik, kailangang ipaliwanag kung ano sa mga paraang ito ang gagamitin at kung paano ito gagamitin sa pag-aaral

 Saklaw at Delimitasyon
- sa bahaging ito naman tinitiyak ang saklaw ng pag-aaral
o saklaw – tumutukoy ito sa maliit na bahagi o konsepto ng paksa na pagtutuonan sa pag-aaral
o ipinaliliwanag din kung bakit ang bahagi o aspektong ito ang napili
- kasama ring tinitiyak ang delimitasyon
o dapat linawin na ang delimitasyon ay may iba sa limitasyon ng pag-aaral
o limitasyon – hindi kontrolado ng mananaliksik; halimbawa walang informant, kulang sa pondo, o limitado ang panahon ng saliksik; hindi na
ito binabanggit sa panukalang saliksik
o delimitasyon – sadyang itinatakda ng mananaliksik; kung minsan ay nakabatay sa limitasyon

 Daloy ng Pag-aaral
- ay ang balangkas ng pag-aaral
- ito ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi kapag isinulat na ang pag-aaral

You might also like