You are on page 1of 6

FILIPINO REVIEWER (MIDTERMS)

PAGBASA – ito ay proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na


impormasyon o ideya.
 Ito ay sistematikong proseso ng pagkilala at pag-unawa sa mga nakalimbag na titik o
simbolo.

DALAWANG PARAAN NG PAGBABASA:


 TAHIMIK - isinasaalang-alang lamang ang sarili at layuning maunawaang mabuti ang
binabasa.
 MALAKAS - isinasaalang-alang ang tagapakinig/owdiyens upang marinig ang
binabasang teksto.

IBA’T IBANG ANTAS NG PAGKAUNAWA (COMPREHENSION):


 Pag-alam sa literal na kahulugan o unang antas ng pagkaunwawa sa binasa.
 Pagbibigay kahulugan sa nabasa
 Paggamit ng kaalamang nakuha mula sa binasa
 Paghuhusga o pagtatasa sa nilalaman ng tekstong binabasa.

HAKBANG SA PAGBABASA:
 PAGKILALA – proseso ng pagkilala at pagtukoy sa mga nalimbag na salita o simbolo at
kakayahang mabigkas ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita.
 PAG-UNAWA – proseso sa pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita
 REAKSIYON – proseso ng pagpapasiya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng
teksto.
 PAG-UUGNAY – kaalaman sa pagsasanib o paag-uugnay at paggamit ng mambabasa
sa kaniyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.

LAYUNIN NG PAGBASA:
 Magkaroon ng kalinawan ang pag-iisip tungkol sa mga bagay na di malinaw sa
kaalaman
 Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa iba’t ibang larangan
 Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian
 Magkaroon ng bukas na isipan.

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBASA:


 SCANNING – pagbasa ng mabilisan nang di gaanong binibigyang-pansin ang
mahahalagang salita.
 SKIMMING – pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang
ideya o impresyon.
 PREVIEWING – hindi agad nakatuon ang pansin sa nilalaman ng akdang babasahin,
sinusuri muna ang kalahataang kaanyuan ng akda.
 KASWAL – pagbasa ng pansamantala
 PAGBABASANG PANG-IMPORMASYON – layunin nito na kumalap ng mahahalagang
impormasyon na magagamit sa pang-arawaraw na pangangailangan tulad ng kalagayan
sa ekonomiya at panahon.
 MATIIM NA PAGBASA – nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning
maunawaang mabuti ang binabasa para matugunan ang pangangailangan sa
pananaliksik
 MULING PAGBASA – pag-uulit sa pagbasa
 PAGTATALA – pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahahalagang kaisipan
KAHALAGAHAN NG PAGBABASA:
 Nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay.
 Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di- inaasahang suliranin sa pang-araw
araw na buhay.
 Nakapagtataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.
 Nagbibigay ng impormasyon na naging daan sa kabatiran at karunungan.

TEKSTONG IMPORMATIBO - isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong


magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t
ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain,
paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.

LAYUNIN NG TEKSTONG IMPORMATIBO:


 Nagbibigay ng impormasyon at kaalaman
 Nagbibigay ng linaw sa kung paano nangyayari o nangyari ang isang bagay
 Pinauunlad ang pagsusuri sa detalye at impormasyon

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO:


 LAYUNIN NG MAY-AKDA – mapalawak pa ang kaalaman ukol sa sa isang paksa;
maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay
ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri
ng insekto, hayop, at iba pang nabuhuhay
 IDEYA - Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi –
tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at
malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
 PANTULONG NA KAISIPAN
 ESTILO SA PAGSULAT
 PAGGAMIT NG MGA NAKALARAWANG PRESENTASYON
 PAGBIBIGAY-DIIN SA MAHALAGANG SALITA SA TEKSTO
 PAGSULAT NG MGA TALASANGGUNIAN

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO:


 PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI / KASAYSAYAN - inilalahad ang mga
totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
 PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON - nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
imormasyon patungkol sa tao, hayop, at iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay,
gayundin sa mga pangayayri sa paligid.
 PAGPAPALIWANAG - nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang
bagay o pangyayari.

TEKSTONG NARATIBO - pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o


mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.

PUNTO DE VISTA (POV) - Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa


pagsasalaysay

IBA’T IBANG URI NG PANANAW:


 UNANG PANAUHAN - isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na
kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
 IKALAWANG PANAUHAN - kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya
sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng
unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
pagsasalaysay.
 IKATLONG PANAUHAN - Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng
isang taong walang relasyon sa tauhan kay’a ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya

TATLONG URI NG IKATLONG PANAUHAN:


 MALADIYOS NA PANAUHAN - Nababatid niya ang galaw at iniisip ng
lahat ng mga tauhan
 LIMITADONG PANAUHAN - Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa
sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
 KOMBINASYONG PANANAW / PANINGIN - Hindi lang iisa ang
tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay.

DALAWANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG:


 DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG - ang tauhan ay direkta o tuwirang
nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin
 DI-DIREKTA O DI-TUWIRANG PAGPAPAHAYAG - Ang tagapagsalaysay ang
naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO:


 TAUHAN
 EXPOSITORY - ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa
pagkatao ng tauhan
 DRAMATIKO - kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.

KARANIWANG TAUHAN SA AKDANG NARATIBO;


 PANGUNAHING TAUHAN - dito umiikot ang mga pangyayari sa
kuwento mula simula hanggang sa katapusan
 KATUNGGALING - Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang
sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan
 KASAMANG TAUHAN - ay karaniwang kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan
 ANG MAY-AKDA - ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng
tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.

DALAWANG URI NG TAUHAN: (AYON KAY E.M. FORSTER)


 TAUHANG BILOG - Isang tauhang may multidimensiyonal o
maraming saklaw ang personalidad.
 TAUHANG LAPAD - Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o
dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.

 TAGPUAN AT PANAHON - tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga
pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon.
 BANGHAY - ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

o KARANIWANG BANGHAY:
 SIMULA (ORIENTATION O INTRODUCTION)
 PAGPAPAKILALA SA SULIRANING IHAHANAP NG KALUTASAN /
PROBLEMA (PROBLEM)
 PAGKAROON NG SAGLIT NA KASIGLAHAN (RISING ACTION)
 PAGTULOY NA PAGTAAS NG PANGYAYARING HUMAHANTONG SA
ISANG KASUKDULAN (CLIMAX)
 PABABANG MGA PANGYAYARI (FALLING ACTION)
 WAKAS (ENDING)
o DI KARANIWANG BANGHAY:
 ANALEPSIS (FLASHBACK) – pangyayaring naganap sa nakalipas
 PROLEPSIS (FLASHFORWARD) – pangyayaring magaganap pa
lamang sa hinaharap
 ELLIPSIS – May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal
o hindi isinama.

 PAKSA O TEMA - Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa
tekstong naratibo.

PAMAMARAAN NG NARASYON:
 DIYALOGO - estilo ng narasyon kung saan ang pagsasalaysay ng kwento ay
naipapahayag sa pamamagitan ng pag-uusap ng mga tauhan.
 FORESHADOWING - ay ang pagbibigay ng pahiwatig ng may akda sa kung ano ang
maaring maganap sa istorya
 PLOT TWIST - ang plot twist ay ang hindi inaasahang kaganapan sa daloy ng kwento.
 COMIC BOOK DEATH - isang estilo ng pagsasalaysay kung saan pinapatay ng
manunulat ang mga mahahalagang tauhan ngunit sa pahuling bahagi ng kwento, ito ay
bigla na lamang magpapakita para bigyan ng linaw ang mga nangyari.
 REVERSE CHRONOLOGY - paraan ng pagsasalaysay kung saan ang kwento ay
nagsisimula sa dulong bahagi hanggang sa makapunta sa simula.

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT - layunin ng textong nanghihikayat na maglahad ng isang


opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong
datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat.

PARAAN NG PANGHIHIKAYAT: (AYON KAY ARISTOTLE)


 ETHOS - tumutukoy sa kredebilidad ng manunulat
 PATHOS - gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
 LOGOS - tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.

ELEMENTO NG TEKSTONG NANGHIHIKAYAT: (HENDI AQ SURE)


 MALALIM NA PANANALIKSIK
 KAALAMAN SA MGA POSIBLENG PANINIWALA NG MGA MAMBABASA
 PANINIWALA TUNGKOL SA ISYU AT SIMULAN ANG ARGUMENTO MULA SA
PANINIWALANG ITO
 MALALIM NA PAGKAUNAWA SA DALAWANG PANIG SA ISYU
PROPAGANDA DEVICES SA TEKSTONG NANGHIHIKAYAT:
 NAME CALLING - ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay.
 GLITTERING GENERALITIES - ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng
magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
 TRANSFER - ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o
produkto.
 TESTIMONIAL - ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-
promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
 PLAIN FOLKS - Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa
pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang
tiwala ng sambayanan.
 BANDWAGON - Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga
ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
 CARD STACKING - Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi
sinasabi ang masamang epekto nito.

TEKSTONG DESKRIPTIBO - isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng


pandama. Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay.

LAYUNIN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO:


 Ang Tesktong Deskriptibo ay may layuning makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o
mambabasa ng isang malinaw at buong larawan

KAHALAGAHAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO:


 Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas nakatutulong ito upang mas malawak
na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip o iparating ng
manunulat.

PARAAN NG PAGLALARAWAN:
 BATAY SA PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig
 BATAY SA NARARAMDAM - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng
naglalarawan.
 BATAY SA OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nagyayari

URI NG PAGLALARAWAN:
 KARANIWAN - kung ito ay nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang
pagtingin o pangmalas.
 MANSINING - kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa
damdamin at pangmalas ng may-akda

TEKSTONG ARGUMENTATIBO - nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng


pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.

ELEMENTO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO:


 NAKABATAY SA OPINYON
 WALAG PAGSASAALANG-ALANG SA KASALUNGAT NA PANANAW
 NANGHIHIKAYAT SA PAMAMAGITAN NG APELA SA EMOSYON
 NAKABATAY ANG KREDIBILIDAD SA KARAKET NG NAGSASALITA
 NAKABATAY SA EMOSYON
NOTE: Pinakamahalagang element ng tekstong argumentatibo ang malinaw na paghahayag ng
tesis nito.

TEKSTONG PROSIDYURAL - ay binibuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang
ng iyong proseso sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga
direksyon upang ligtas, mabilis, matagaumpay, at maayos na maisakatuparan ang mga gawain.

HALIMBAWA NG MGA AKDANG GUMAGAMIT NG TEKSTONG PROSIDYURAL:


 MEKANISMO
 RESIPI
 GABAY SA PAGGAWA NG MGA PROYEKTO
 EKSPERIMENTONG SIYENTIPIKO
 MEKANIKS NG LARO
 ALITUNTUNIN SA KALSADA

ELEMENTO NG TEKSTONG PROSIDYURAL:


 LAYUNIN - Ang layunin nito ay kadalasang tumutukoy sa bunga na dapat matamo
pagkatapos magawa nang wasto ang lahat ng hakbang.
 KAGAMITAN - Nakalista sa pinakaunang bahagi ng tekstong prosidyural ang mga
kagamitan, kung minsan ay mga kasanayan o kakayahan, na gagamitin sa bawat
gagawing hakbang.
 MGA HAKBANG - Ang mga hakbang ang pinakamahalagang bahagi ng tekstong
prosidyural. Sa bahaging ito nakalahad ang mga panuto kung paano gagawin ang
buong proseso upang makamit ang layunin.
 TULONG NA LARAWAN – ito ay nagsisilbing gabay na mambabasa upang maging
mas mabilis at masigurong wasto ang pagsunod sa isang hakbang dahil maikukumpara
ng mambabasa ang kaniyang ginagawa sa tulong ng larawan.

You might also like