You are on page 1of 26

IBA’T IBANG URI NG TEKSTO

TEKSTONG AKADEMIK
•NAGLALAMAN NG MGA IMPORMASYONG
MAGAGAMIT NG MAMBABASA SA
PAGTUKLAS NG MARAMING ANTAS NG
KARUNUNGANG MAKUKUHA NIYA BUHAT
SA KANYANG PAG-AARAL.
KATANGIAN AT REHISTRO NG MGA TEKSTONG
AKADEMIK
• PANGUNAHING KATANGIAN NG TEKSTONG AKADEMIK AY ANG
PAGIGING MALAPIT NITO SA LAHAT NG NAGHAHANGAD NG
KAALAMAN.
• BABASAHING HAWAK NG LAHAT NG TUMUTUKLAS NG KAALAMAN SA
PAARALAN UPANG GAMITING PUNDASYON SA PAARALAN SA
KANILANG TALAKAYAN.
• Ang mga tesktong pang-akademik ay humuhubog sa
puso ng isang tao upang maging isang tunay at
mahusay na tao.
• Ginagawa tayong maging mapanuklas ng tekstong
ito.
• Tekstong non-fiction-pormal ang paraan ng
paglalahad ,paglalarawan o pangangatwiran.

• Ang mga tekstong kabilang dito ang naging sandigan


ng kung ano tayo noon. Ngayon at sa hinaharap.
Binubuo ng mga sumusunod na rejister ang mga
tekstong akademik.
•1. Likas na Agham(Agham, Teknolohiya at
Matematika)-pormal ang salita-sanggunian
•2. Agham Panlipunan-tumatalakay ang mga
tekstong ito sa mga institusyon, panlipunang
gawain at ugnayang pampersonal.
•3. Humanidades-tumutukoy sa sining biswal
katulad ng musika, sayaw, pintura,
eskultura, teatro o dula at panitikan.
Tekstong propesyunal
• Ang mga tekstong ang pokus ay bigyan ng malinaw,tahas at tiyak na
kaalaman ang isang indibidwal na makatutulong sa kanyang pagiging
handa sa lahat ng pagsubok ng buhay.

• Medisina at batas-sapagkat pumapapel ang mga akdang ito bilang


sandata sa anumang sitwasyong kakaharapin.
Tekstong ekspositori o naglalahad

•Pangunahing layunin ay
makapagpaliwanag, magbigay ng
kaalaman o tumugon sa
pangangailangang pangkarunungan.
•Magsisilbing tungtungang bato sa mas
malawak na kaalaman patungo sa
daigdig ng pagsusulat.
• Nagpapaliwanag ng kahulugan o katuturan ng isang salita, paraan ng
paggawa ng isang bagay, isang layunin, teorya o palagay.
(Tumangan,1986)
Katangian ng Uri ng mga Tekstong Ekspositori
Uri ng tekstong ekspositori
• Pagbibigay ng Depinisyon-
bigyan ng walang pagkiling na paliwanag ang mambabasa sa uring ito
ng tekstong ekspositori.
Pag-iisa-isa o Enumerasyon
• Kapag ang mga detalye ay nakaayon sa bahagi o mula una hanggang
huli ayon sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari, ang bumabasa ay
matutulungan sa medaling pag-unawa.
• Panumero o may sunod-sunod na bilang o sa estilong tuluyan.
Pagsunod-sunod
• Nakaayos ito ayon sa pagkaunod –sunod ng pangyayari.
Paghahambing at Kontrast
• Nagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba.
• Magtimbang at mag-uri.
Problema at Solusyon
• Higit na magiging mabuti ang pag-unawa sa
binabasang teksto na nasa uring ito kung makikita
kaagad ang problema sa binasba o kaya naman ay
kung alam ng mambabasa ang problemang nais
niyang lutasin upang mabigyang solusyon sa
pamamagitan na rin ng teksto o ng matamang
pagtitimbang-timbang ng mambabasa.
• Sulating pananaliksik.
Sanhi at Bunga

•May mga bagay na upang maunawaang


mabuti, ang kailangang ipaliwanag ay kung
ano ang pinanggalingan o dahilan ng mga
pangyayari upang magresulta sa anumang
bunga.
GRAPIKONG PANTULONG
• MAKATULONG SA INTERPRETASYON
MAPA
• Kung nais ipakita ang lugar na pinangyarihan ng aksyon sa teksto,
ang mabisang gamitin ng pagbabasa at sumusulat ang mapa tungo sa
mabilis na pag unawa ng paksang binabasa
Tsart

• Kinikilala ang kahalagahan ng tsart sa pagtatala at pag-uuri ng


impormasyong tulad ng mga planong gampanin, mga
direksyon,termino,konsepto at malikhaing diskors.
• Ginagamit ang tsart upang malinaw na maipakita sa pamamagitan ng
mga linya ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat isa.
Mga grap

• Ito ay naghahangad na masukat ang pagbabago o pag-unlad ng


paksang tinatalakay.
Pictograph
• Mailarawan ang tinatayang halaga o bilang ng bawat aytem.
• Epektibo ang uring ito ng grap sa paghahambing.
BAR GRAPH
• Epektibo ito sa paghahambing ng mga sukat at halaga ng mga aytem
Line Graph
• Nais ilantad ang pagbabago(pagbaba o pagtaas) at pagsulong.
• Karaniwang ginagawa ito nang pahalang(horizontal) o patayo
(vertical).
Bilog na grap
• Pie grap
• Ito ay nagpapakita ng bahagi o porsiyento, proposyon, o praksyon ng
kabuuan.
• Ang pie graph ay sumusukat o naghahambing ng mga impormasyon
sa pamamagitan ng paghahati-hati.
Talahanayan o Table
• Maikling paraan ito ng pagsisiwalat ng mga kaugnay na
impormasyong numerikal.
• Gamit ang mga dibisyon at kolum, mabilis nitong mapaghambing ang
mga paksa.
• A. Pagbabadyet ng mga estudyante sa kanilang oras sa loob ng isang
araw. Gamitin ang bilog o pie graph sa pagpapahayag.
• B. Gamit ang line graph, ipakita ayon sa iyong sariling obserbasyon
ang naging pagtangkilik ng mga Pinoy sa cellphone sa loob ng limang
taon 2000-2005. Pangatwiranan ang iyong sagot sa paglalagay ng
paliwanag sa mga nakalaang guhit sa ibaba.
• Sa klase sa Fil. 21 na iyong kinabibilangan, gamitin ang pictograph
upang maipakita, ang bilang ng mga babe at lalaki sa unang apat na
hanay ng upuan . Umisip ng malikhaing simbolo ng lalaki at babae.
Ipaliwanag sa ibaba ng kahon ang dahilan ng kinalabasan ng iyong
pictograph.

You might also like