You are on page 1of 2

Samantala, ang mga Griyego naman ay nakapag-ambag sa pagbubukas ng daan sa kritikal at

siyentipikong pag-aaral ng nakalipas upang madetermina ang katotohanan. Para sa kanila,

napakahalaga ng pagkakaiba sa pagitan ng kasaysayan (history) at mitolohiya (Gilderhus 2000,

11).

Sa kabilang banda, nahahati sa limang bahagi ang kasaysayan ng kasaysayan

bilang pananaw at gawaing panggrupo o panlipunan sa Pilipinas. Una sa mga ito ay ang dinatnan

ng mga Kastila noong 1521, ito ang dating kasaysayan na siyang kamalayang pangkasaysayan na

taal sa Pilipino. Ang ikalawang yugto ay ang pagsulpot sa Pilipinas ng historia na kumakatawan

sa mga ulat-pangkasaysayan at kronika na may kaibahan naman sa konsepto ng kasaysayan ng

mga sinaunang Pilipino. Ang pagpasok ng positibismo bilang metodolohiyang tradisyunal at

pananaw ng Istoriograpiya sa ating bansa noong mga unang taon ng ika-20 dantaon ang

tumutugon sa pagsisimula ng ikatlong panahon. Ang ika-apat na bahagi ay ang pagsilang


kamakailan sa ating bansa ng “Bagong Istoriograpiya”. At ang ika-huli ay ang pinapangarap na

pagsasanib ng mga konsepto ng historia at ng kasaysayan sa loob ng isang pangkalahatang

kasaysayan na may malawakang pamamaraan at kabuluhan at saysay sa lahat ng Pilipino.

Binibigyang diin na ang pagsasanib na ito ng historia at kasaysayan ang siyang dapat maging

pinakamasidhing layunin ng pambansang kasaysayan bilang disiplina at pananaw (Navarro et al.

2000, 159-161).

Ano nga ba ang Kasaysayan?

Bago natin sisirin ang kahulugan ng salitang ito, lubhang mahalaga na ating

malaman na sa matagal na panahon, ang mga kanluraning manunulat at historyador ang sumulat

ng ating kwento, gamit ang kanilang pananaw at kalinangan na mayroon sila sa Kanluran.

Ibinatay ng mga banyagang manunulat na ito ang kanilang pagtingin sa ating kasaysayan ayon sa

sarili nilang mga pananaw. At sa pamamaraang katulad nito, umusbong ang malaking suliranin

na nagluwal sa pagkakadambong ng ating tunay na kasaysayan. Karamihan sa kanilang mga 2

You might also like