You are on page 1of 1

1.

Ang pagpapakahulugan ng mga kastila sa salitang historia ay kaalaman, pagtuklas ng nangyari sa


nakaraan at kung anong nangyari sa nakaraan. Taliwas ang pagpapakahulugan ng salitong ito sa
katumbas na salita na ‘kasaysayan’ ng mga Pilipino. Bago pa man dumating ang mga kastila may sarili
nang pagpapakahulugan ang ating mga ninuno sa salitang ito. Ang mga pangyayaring nakikita nila sa
ating kalikasan, ang patuloy na ikot ng buhay at kamatayan, paglipas ng mga panahon at iba pang mga
pangyayari ang naging ugat ng pag-usbong ng mga kwentong bayan at mitolohiya na magsisilbing
kasaysayan sa kasalukuyang panahon. Ang konsepto ng kasaysayan sa mga Pilipino ay hindi lamang para
matuklas kung ano ang nangyari sa nakaraan kundi ay makita ang ‘saysay’ o kahalagahan ng mga
natuklasang kaalaman sa kasalukuyan.

2. Bipartite ang pananaw ng mga Kastila sa kasaysayan ng Pilipinas. Pinaniniwalaan nila na ang
kasaysayan ng Pilipinas ay nahahati lamang sa dalawang bahagi ang unang bahagi ay noong hindi pa nila
nasasakop ang Pilipinas kung saan mga barbaro at hindi pa umano sibilisado ang mga Pilipino at
pangalawang bahagi naman ay pagkatapos nila tayong masakop at nagkaroon na umano ng pag-unlad at
sibilisasyon sa ating bansa na sila umano ang nagdulot. Samantalang ang Tripartite naman na pananaw
ng mga Rebolusyonaryo at Propagandista ay naglalaman ng tatlong bahagi, unang bahagii ay ang
prehispanic era kung saan binigyang diin nila na may sarili ng kabihasnan ang mga Pilipino bago pa man
dumating ang mga Kastila salungat na sinabi ng mga Kastila na hindi sibilisado ang mga Pilipino.
Pangalawang bahagi ay ang panahon ng pagsakop sa atin ng mga Kastila at ang pangatlo panahon ay ang
panahon ng pag-unlad ng tayo ay nakalaya na sa mga Kastila.

3. Ang pagpapakahulugan nina Jose Rizal, del Pilar at Lopez-Jaena ay wala namang masyadong kaibahan
sa isa’t isa. Mas naipaliwanag lamang ni Rizal ng mas malinaw at komprehinsibo ang konsepto ng
Tripartite na panahon ng Pilipinas. Siya rin ang mariing tumututol sa konsepto ng Spanish ‘civilizing
mission’ sa mga Pilipino.

4. Ang konseptong Tripartite na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas sa kasalukuyang panahon ay


natabunan na kung ano nga ba ang adhikain ng rebolusyong naganap. Dahil sa pagkakahating ito
idinidikit pa rin ng mga Pilipino ang ating kasaysayan sa panahong nasakop tayo ng mga Kastila. Nabigo
tayong makita na responsable rin naman tayo sa ating kasaysayan at hindi lamang puro sisi sa nakaraan
kung ano man ang kinahantungan natin sa kasalukuyan.

You might also like