You are on page 1of 1

1. Sa mga aling mga konsepto at papaano nagkakatugma si Postma at Gottschalk?

 
Batay sa aking nabasa mula sa mga gawa nina Gottschalk at Postma, masasabi kong
nagkatugma sila sa konsepto ng pag-aaral ng kasaysayan--ang paggamit ng iba't ibang
pamamaraan at sanggunian sa pagsusuri ng kasaysayan. Matatandaang nabanggit ni
Gottschalk na mahalagang gumamit ng iba't ibang sangguinan katulad ng mga
dokumento at artifacts upang mas mapalawak ng isa ang kaniyang kaalaman at
pagkakaintindi sa mga tunay na pangyayari sapagkat ang layunin ng isang istoryador
ay makapagbigay ng kaalaman na pinakamalapit sa katotohanan. Makikita na
isinagawa ni Postma ang konseptong ito sa pagsusuri niya sa kasaysayan ng Laguna
Copperplate Inscriptions o LCI sapagkat gumamit siya ng mga pamamaraang
heograpikal, sosyolohikal, sikolohikal at iba't ibang mga sanggunian upang mas
mapalalim niya ang kaniyang pagkaunawa sa mga mistulang nakatagong impormasyon
sa LCI.
 
2. Ano'ng kaalaman ang nabuo batay sa pag-aaral ng LCI at anong mga luma o
maling kaalaman ang pinalitan nito?
 
Nagbigay daan ang isinagawang pag-aaral ni Postma patungkol sa LCI upang
maipagbigay alam di lamang sa mga Pilipino kung di pati sa mga karatig bansa na
mayroon nang sariling tradition, kaugalian, at sistema sa iba't ibang mga bagay ang
mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas para sakupin ito. Sa
pamamagitan din ng pagaaral na ito, mayroon nabuong koneksyon sa pagitan ng mga
wikang Malay at Tagalog. Bukod sa mga nabuong kaalaman, mayroon din namang mga
lumang kaalaman na napatunayang mali batay sa pag-aaral ng LCI. Una dito ay ang
kung kailan nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas, dahil ayon sa lumang kaalaman
nagsimula ang kasaysayan ng ating bansa noong 1521 nang itinala ni Antonio Pigafetta
ang pagkadiskubre ni Magellan ang Pilipinas sa kaniyang paglalakbay. Ngunit sa
pamamgitan ng pag-aaral sa LCI, ay napagalaman na ito ang pinakalumang dokumento
sa kasaysayan ng Pilipinas na mas matanda pa sa Pigafetta accounts ng higit pa sa
600 na taon, sinasabi nito na mayroon ng mga lipunan at sistema ang mga Pilipino
bago pa man ang pananakop ng mga Kastila. Bukod dito, napagalaman din na
magkaibang lugar ang "P'u-li-lu" at "Ma-li-lu" na naunang sinabi na magkaparehong
lugar lamang ayon sa mga sinaunang tala ng mga Tsino noong ika-14 na siglo.
 
3. Ano ang masasabi ninyo na gawain ng isang istoryador batay dito?
 
Tungkulin ng isang istoryador na maging kritikal sa nadidiskubreng mga kagamitan at
dokumento na mayroong kinalaman sa mga luma at kasalukuyang kaalaman patungkol
sa kasaysayan ng isang bagay, lugar, kaugalian at iba pa. Bukod dito, tungkulin niya rin
na humanap ng iba't ibang mga sanggunian at kumonsulta sa mga eksperto upang
makakalap ng mga impormasyon na makatutulong sa kaniya na makagawa at maging
tulay ng impormasyon na verisimiltude sa mga tao at institusyon.

You might also like