You are on page 1of 1

Joselito B.

Tinambacan
BSIT – Ladderized

Buod sa Bagong Kasaysayan sa Wikang Pilipino

Bago nating talakayin ang Bagong kasaysayan ay alamin muna natin ang
kasaysayan. Ang kasaysayan ay isang salaysay hinggil sa nakaraan na may saysay.
Upang ituring na kasaysayan ang isang pangyayari ito ay dapat na makahulugan,
makabuluhan at makatuturang pangyayari sa napakalawak at napakasaklaw na
nakaraan. Ang kasaysayan ay isang talastasan, mula sa salitang-ugat na tastas o
“kalas” at ang talastas naman ay tumutukoy sa “alam”, o “unawa” at ang –an tumutukoy
sa maramihan o sama-sama. Samakatuwid, ang talastasan ay sama-samang pagkalas
sa layong pagbatid ng anumang kaisipan o paksa.

Ang bagong kasaysayan ay kombinasyon ng sinaunang kasaysayan at ideya ng


historya. Ang sinaunang kasaysayan ay may diwa na salaysay namay saysay, pag-
uulat sa sarili at talastasan. Samantalang, ang ideya ng historya ay may pagsisiyasat,
pag-uulat at kronika. Ang katipunan at Himagsikang 1896 ang tila naghudyat sa pagbuo
ng bagong kasaysayan. Isinulat ni Andres Bonifacio , “Ang dapat mabatid ng mga
tagalog” na kung saan ang diwa ng salaysay ay may saysay, pag-uulat sa sarili,
talastasan at may kronolohiya ng mga pangyayari.

Sa kabuuan, ang sangkapilipinuhan ay may hidwanaan sa iba’t ibang uri, lipi,


relihiyon, kasarian at gulang. Ang pagtatangkang pag-sanibin ang “salaysay na may
saysay” para sa magkaiba ngunit magkaugnay ay tungo sa pagbuo, pagpapatatag ng
isang bagong kasaysayan na tunay na Pilipino. Ang pagsusumikap ng bagong
kasaysayan sa wikang Filipino ay mahalaga sa panahon natin. Ito'y naglalayong patuloy
na magtaguyod ng pagkakaisa ng mga Anak ng Bayan tungo sa pagbuo ng isang
masiglang sambayanan at sa pagtahak natin sa landas ng ganap na kalayaan at
kasarinlan ng Inang Bayan. Masasabi nating sa tanging pagkakabuo ng sambayanan at
sa tunay na pagkamit ng kalayaan at kasarinlan ng Inang bayan lamang ganap na
magiging tunay at totoo ang bagong kasaysayan.

You might also like