You are on page 1of 21

LANG2B 

IBA’T-IBANG URI NG TEKSTO


Tekstong Deskriptibo
Tekstong Persuweysib
Tekstong Naratibo
Tekstong Argumentatibo
Tekstong Prosidyural
TEKSTONG DESKRIPTIBO: MAKULAY NA
PAGLALARAWAN
•Ang Layunin nito ay makapaglarawan ng isang
bagay, tao, lugar, karasanan, sitwasyon, atbp.
•Ang uri ng sulating ito ay magpapaunlad sa
kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang particular na karanasan.
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
1. Malinaw at may pangunahing impresyon- may detalyeng na may
malinaw na paglalarawan sa tauhan at makakalikha na mga
impresyon sa tauhan nito.
2. Maaring maging obhetibo o subhetibo- sa paggamit ng direktang
paglalarawan o sariling paglalarawan maipapakita ang mga
nagaganap o nakikita sa tauhan.
3. May espisipiko at konkretong detalye- mauunawan at
maiintindihan kailangang ipakita at ipadama sa mambabasa ang
bagay o anumang paksa na inilalarawan.
TEKSTONG PERSUWEYSIB: PAANO KITA
MAHIHIKAYAT
•Ang Layunin nito ay kumbinsihin ang mga mambasa sa
nais ng awtor na ipabatid upang sumang-ayon ang sila
sa kung anong teksto o isyu nito.
•Sa pagsulat nito hindi dapat magpahayag ng mga
personal at walang batayang opinion ang isang
manunulat. Sa halip ay gumamit ng siyentipikong pag-
aaral pagpapatunay ang teksto o isyu ay totoo.
ANG NILALAMAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB
1. Malalim na pananaliksik- kailangang alam ng manunulat ang
pasikut-sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng
pananaliksik tungkol dito.
2. Kaalaman sa posibleng paniniwala ng mga mambabasa-
kailangang mulat at maalam ang manunulat ng tekstong
persuweysib sa iba’t-ibang laganap na persepsiyon at paniniwala
tungkol sa isyu.
3. Malalim na pagkakaunawa sa dalawa o higit pang panig ng
isyu- ito ay upang epektibong masagot ang laganap na
paniniwala ng mga mambabasa.
TEKSTONG NARATIBO: MAHUSAY NA
PAGKUKUWENTO
•Ang Layunin nito ay magsalasay o magkuwento ng mga
serye ng pangyayari na maaring piksiyon (nobela,
maikling kuwento, o tula) o di-piksyon (memoir,
biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay)
•Maari itong isalaysay sa personal karanasan, sa tunay
na daigdig o pantasya lamang.
ANG NILALAMAN NG TEKSTONG NARATIBO
Paksa- pumili ng isang mahalaga at makabuluhan na ideya upang ito
ay magiging salba sa buong naratibo.
Estraktura- kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estraktura
ng kuwento. May iba’t-ibang estilo sa pagkukuwento, pagkakasunod-
sunod na pangyayari ang kadalasang nagagamit nito.
Oryentasyon- nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o
setting, at oras o panahon kung kalian nangyayari ang kuwento.
ANG NILALAMAN NG TEKSTONG NARATIBO
Komplikasyon o tunggalian- dito nakapaloob ang tunggalian ng
mga pangunahing tauhan na maaring paggalaw o pagbabago sa
kuwento.
Resolusyon- ito ang kahahantungan ng komplikado o tunggalian.
Maaring masaya o hindi ito batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.
PAMAMARAAN NG NARASYON
Diyalogo- sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumamit ng pag-
uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang pangyayari.
Foreshadowing- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung
ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
Plot Twist- tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang
kalalabasan ng isang kuwento.
Ellipsis- omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan
hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala.
PAMAMARAAN NG NARASYON
Comic Book Death- isang teknik kung saan pinapatay ang
mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang
magbigay-linaw sa kuwento.
Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong
simula.
En Media Res- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento
kadalasang ipinapakilala ang mga karakter, lunan, at tension sa
pamamagitan ng mga flashback.
PAMAMARAAN NG NARASYON
Deus Ex Machina- ito ay isang biglang paglabas ng isang karakter,
bagay, at pangyayari na hindi naman naipakilala o nakita sa kuwento
ngunit siya ang isa sa maaring makakaresolba ng problema o
makatapos ng kuwento.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO: IPAGLABAN ANG
KATUWIRAN
•Nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang
posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit
ang mga ebidensiya mula sa personal na
karanasan, kaugnay, at resulta ng empirical na
pananaliksik.
MGA ELEMENTO NG PANGANGATUWIRAN
•Proposisyon- ay ang pahayag na inilalahad
upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ang isang
bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang
katuwiran ng dalawang panig.
•Hal. Dapat na ipasa ang DIVORCE BILL upang
mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan.
MGA ELEMENTO NG PANGANGATUWIRAN
•Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan
at ebidensiya upang maging makatuwiran ang
isang panig
KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY NA
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Mahalaga at napapanahong paksa- upang makapili ng angkop na
paksa, pag-isipan ang iba’t-ibang napapanahon at mahahalagang
isyu na may bigat at kabuluhan.
Maikli ngunit malaman at malinaw ang teksto- tinatalakay dito kung
bakit mahalaga ang paksa at kung bakit kailangang makialam sa isyu
ang mga mambabasa.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng
teksto- transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto
maganda kung ito ay sunod-sunod at lohikal ang bahagi ng teksto.
KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY NA
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Mahalaga at napapanahong paksa- upang makapili ng angkop na
paksa, pag-isipan ang iba’t-ibang napapanahon at mahahalagang
isyu na may bigat at kabuluhan.
Maikli ngunit malaman at malinaw ang teksto- tinatalakay dito kung
bakit mahalaga ang paksa at kung bakit kailangang makialam sa isyu
ang mga mambabasa.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng
teksto- transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto
maganda kung ito ay sunod-sunod at lohikal ang bahagi ng teksto.
KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY NA
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga
ebidensiya ng argumento- ang bawat talata ay kailangang
tumalakay sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Magbigay-linaw
at direksiyon sa buong teksto.
Matibay na ebidensiya para sa argumento- nangangailangan ng
detalyado, tumpak, at napapanahong mga impormasyon mula sa
pananaliksik sa susuporta sa kabuuang tesis.
TEKSTONG PROSIDYURAL: ALAMIN ANG MGA
HAKBANG
•Nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung
paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay. Isa
sa mga halimbawa nito ang RECIPE ng pagluluto sa
HOME ECONOMICS, paano makakagawa ng
isang FURNITURE, paano ang mga hakbang sa
pageeksperimento.
APAT NA NILALAMAN SA TEKSTONG
PROSIDYURAL
•Layunin o target na awtput- nilalaman ng
bahaging ito kung ano ang kalalabasan o
kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
•Kagamitan- nakapaloob dito ang mga
kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang
makompleto ang isasagawang proyekto.
APAT NA NILALAMAN SA TEKSTONG
PROSIDYURAL
•Metodo- serye ng mga hakbang na isasagawa
upang mabuo ang proyekto.
•Ebalwasyon- naglalaman ng mga Pamamaraan
kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur
na isinagawa.

You might also like