You are on page 1of 17

Ang Tekstong

Naratibo
- isang uri ng sulating pasalaysay o
pakuwento na naglalayong maglahad
ng katotohanan o datos sa isa o mga
pangyayari.
- may tiyak na mga tauhan,
panahon, at tagpuan, tunggalian,
banghay o pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari, at katapusan.
- Makikita sa isang tekstong naratibo ang
sistematiko at maayos na paglalahad ng mga datos.
Layunin ng tekstong ito na magpahayag ng mga
pangyayari nang maayos na pagkakasunod-sunod at
kung maari ay sa hindi kabagot-bagot na
pamamaraan upang mahuli ang atensiyon ng
mambabasa.
Iba’t ibang Uri
ng Tekstong
Naratibo
*Dula *Epiko
*Parabula *Nobela

* Maikling Kuwento
*Maikling Kuwentong Pambata
Iba’t ibang
Elemento ng
mga Tekstong
Naratibo
1. Tauhan- mga karakter na gumaganap sa isang teksto.
● 2 uri ng Tauhan
1. Tauhang Bilog o Round Character
2. Tauhang Lapad o Flat Character
1. Tagpuan at Panahon- tumutukoy sa lugar kung saan
nagaganap ang mga pangyayari.
2. Banghay- dito naman nakapaloob ang balangkas ng tekstong
naratibo.
● Banghay ng Tekstong Naratibo
1. Panimula
2. Saglit na Kasiglahan
3. Suliranin o Tunggalian
● 3 Uri ng Tunggalian
1. Tao laban sa tao
2. Tao laban sa kalikasan/lipunan
3. Tao laban sa sarili

4. Kasukdulan- pinakamasidhi o pinakamataas na


bahagi ng isang tekstong naratibo.
5. Kakalasan- onti-onti ng nagkakaroon ng kasagutan
sa mga naging suliranin o tunggalian sa teksto.
6. Wakas- dito na tuluyang nalaman ang kinahinatnan
ng tekstong naratibo.
Mga Katangian
ng Tekstong
Naratibo
1. Impormal na
pagsasalaysay
- maaaring ang nagsasalaysay ay
iniisa-isa ang mga detalye sa paraang
nagnanais na makapagbigay ng sapat
na detalye sa isang nagsusuri.
2 Paraan na maaaring magamit sa
Pagkukuwento

a. Una, maaaring magkuwento gamit ang flashback o magsisimula


sa isang nakalipas na pangyayari. Gagamitin na paraan ang
nakaraan upang masuportahan ang idinedetalyeng impormasyon.
Tinatawag din itong deductive. Karaniwang ginagamit ang
prinsipyong ito sa masining at tamang pagdadahilan o ang
tinatawag na syllogism (na ginagamit sa larangan ng siyensiya ng
lohika). Sa ganitong paraan, maaari din itong gamitin sa
pamamaraang pagkukuwento.
Panimula
(flashback)
Ang paksang syllogism sa
larangan ng Lohika sa
Pilosopiya ang higit na
makapagpapaliwanag ng
paraang ito ng
pagsasalaysay. Ito ang
tamang format o siyensiya
ng pagdadahilan,
pagpapaliwanag, o maging
ng pagdedebate.
Pangkasalukuyang
pangyayari
b. Ikalawa, maaari ang paggamit ng panimula
papunta sa wakas ng ikinukuwento. Ito ang
maaaring pinakasimpleng paraan ng
pagkukuwento sapagkat nagsisimula sa kung
saan talaga ang panimula at magtatapos sa
kung saan talaga ang katapusan. Tinatawag
din itong inductive.
Pangkasalukuyang
pangyayari

Kadalasan, ang bahaging ito


ang karaniwang ginagamit
sa mga karaniwang
kuwentuhan o
pagsasalaysay ng mga
karanasan sa isang pang-
araw-araw o ordinaryong
pangyayari.

Panimula
(flashback)
2. Magaang Basahin
- Sa tulong ng retorika o ang masining na
paraan ng pagsusulat, nagiging magaan ang
paraan ng pag-intindi sa isang tekstong
masasabing naratibo. Gumagamit ang tekstong ito
ng mga salik sa madaling nauunawaan ng mga
bumabasa o sumusuri. Ilan sa mga salik na ito ang
gramatiko, ang pagpili ng mga wastong salita,
estilo, o maging ang mga pagpapakahulugan ng
mga simbolo.
3. Nagtataglay ito ng panimulang
mga detalye na taglay ng isang
paksa na nagsasaad kung anong
uri ito ng tekstong naratibo na
nagbibigay rin ng isang matubay na
pagwawakas o kongklusyon.
Pamamaraan ng Paglalahad sa
Tekstong Naratibo
Una na rito ang pagkukuwento nang may tamang pagkakasunod-sunod.
Maraming gumagamit ng mga pahayag na nagsasaad ng panahon at ng ugnayan ng
mga ito, tulad ng mga pahayag na una, ikalawa, ikatlo…., sunod, tapos; kahapon,
ngayon, bukas; samantala; sa susunod, at iba pa.

Isa pa ring estratehiya sa mabisang paglalahad ay ang pagpapakita ng


ugnayan ng sanhi at bunga.. Kung sistematiko, malinaw, at may wastong ayos ang
paglalahad ng mga pangyayari ay agad makikita ng bumabasa ang ibinunga ng mga
pangyayaring inilalahad.

You might also like