You are on page 1of 2

Antas ng Pagbasa

1. Antas Primarya - pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Ang
mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapalolooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at
espesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar o mga tauhan sa isang teksto.

2. Antas Inspeksiyonal - nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay na siya ng mga
hinuha o impresyon tungkol dito. Maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito. Tinitingnan ng
mambabasa ang titulo, heading at subheading.

3. Antas Analitikal - ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng
teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat.

4. Antas Sintopikal - tumutukoy sa uri ng pagsusuri na kinapalolooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na
kadalasang magkakaugnay.

Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto:

1. Bago Magbasa - sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin. Kinapalolooban ito ng previewing at
surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat at
pangalawang pamagat.

2. Habang Nagbabasa - sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang
maunawaan ang teksto. Ang kaniyang mga naunang tanong at prediksiyon bago magbasa ay
pinanghahawakan niya upang panatilihin ang pokus sa aktibong pag-unawa.

3. Pagkatapos Magbasa - upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit natapos na ang
proseso ng pagbasa, mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang sumusunod:
pagtatasa ng komprehensiyon, pagbubuod, pagbuo ng sintesis at ebalwasyon.

Pagkilala sa Opinyon o Katotohanan

 Katotohanan - mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na


karanasan, pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.

 Opinyon - mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwal at iniisip ng
isang tao.

Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Tekston

 Layunin - ang nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.

 Pananaw - ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto.

 Damdamin - ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto.

Tekstong Naratibo - nagkukuwento/nagsasalaysay ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling
kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biograpiya, balita, malikhaing sanaysay).

Elemento sa Pagbuo ng Mahusay na Narasyon:

1. Paksa - pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na karanasan ang kwentong
nais isalaysay.

2. Estruktura - kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kwento. Madalas na makikitang ginagamit na
paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
3. Oryentasyon - nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting at oras o panahon kung kailan nangyari
ang kwento.

4. Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi
ng kwento upang maipakita ang setting at mood.

Ilang pamamaraan na maaring gamitin sa pagbibigay ng naratibo:

 Diyalogo - sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang
nangyayari.

 Foreshadowing - nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa
kwento.

 Plot Twist - tahasang pagbabago sa direksiyon o inaasahang kalalabasan ng isang kwento.

 Ellipsis (…) - omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa
naratibong antala. Batay sa Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.

 Comic Book Death - pinapatay ang mahalagang tauhan ngunit kalaunan ay biglang lilitaw.

 Reverse Chronology - nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.

 In media res - nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kwento.

 Deus ex machina - God from the machine. Nababago ang kahihinatnan ng kwento at nareresolba ang matinding
suliranin.

5. Komplikasyon o Tunggalian - ito ang mahalagang bahagi ng kwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago
sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan.

6. Resolusyon - ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian.

You might also like