You are on page 1of 6

ANO ANG MAIKLING KWENTO

- isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang.
- Isa itong masining na anyo ng panitikan.
- Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento" sa Pilipinas.
- Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano.

BAHAGI / SANGKAP
- Simula
- Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin.
- Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at
kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o
suportang tauhan.
- Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
- At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang
haharapin ng pangunahing tauhan.
- Gitna
- Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
- Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
- Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
- Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan
makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
- Wakas
- Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan.
- Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo
ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
- At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng
kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
- Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa
pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan,
hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaan na
mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang
maaring kahinatnan ng kuwento.
Limang Panukatan o Dimensyon sa Pagbasa

Ang pagbabasa ng mga aklat, magasin, pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan ay
may layuning hindi lamang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa kundi
magkaroon sila ng mga kaalamang kaugnay ng pagmamahal ng Diyos, bayan, kapwa tao
at kalikasan, mga kagandahang asal,mga aral at mga karanasang maiuugnay sa
katotohanan ng buhay. May limang panukatan o dimension sa pagbasa na makatutulong
sa paglinang ng mga nabanggit na layunin.

I. Pag-unawang Literal

- Pagfokus ng atensyon sa mga ideya at impormasyong maliwanag na sinabi


ng babasahin.
- Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha
nito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
- Pagsasalin ng kaisipan ng may akda sa sariling pagkakaunawa ng bumabasa.

A. Mga Kasanayang Napapaloob


1. Pagkilala (Recognizing)
- Mahanap o makilala ang mga impormasyon o ideyang malinaw na
isinasaad ng binasa.
a) Detalye o nilalaman ng kwento (pangalan ng mga
tauhan,panahon,pook)
b) Pangunahing Kaisipan ng talata (malaking bahagi ng kwento)
c) Paghahambing (Comparison)
- pakakapareho o pagkakaiba (mga tauhan,panahon,pook)
d) Sanhi at Bunga (Cause and Effect)
- dahilan ng:
- mga tiyak ng pangyayari
- kilos sa loob ng seleksyon
e) Mga katangian ng Tauhan (Character Traits)
- malinaw sa mga pangungusap ang makakatulong sa paglalarawan sa
katauhan ng isang tao.

2. Paggunita (Recalling)
- Makagawa sa sariling pangungusap at maipaliwanag na mabuti ang
mga sinasabi sa loob ng kwento.

3. Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization)


- Pag-aanalisa, pagsasagawa, pagbubuo ng mga kaisipan o
impormasyong malinaw na isinasaad ng kwento. Maaring gamitin ang
mga sumusunod:
a) Pagbubukud-bukod ayon sa kategorya (Classifying)
- tao
- bagay
- pook
- pangyayari
b) Pagbabalangkas (Outlining)
Pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas ng:
- Tuwirang pagpapahayag
- Pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda
c) Paglalagom (Summarizing)
- Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o
pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda.
d) Pagsasama-sama (Synthesizing)
- Pagsasama-sama ng mga impormasyon o ideyang galing sa ibat’t
ibang pananaliksik.

II. Interpretasyon (Interpretation)

- Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at mga taludtod kung


tula.
- Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal na
kahulugan.
- Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang
sinasabi sa aklat.
- Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may akda kasama pati ang mga
implikasyon at karagdagang kahulugan nito.
- Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may akda.
- Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may akda.
- Makilala at mabigyan ng kahulugan ang mga pamamaraan sa pagsulat at
paggamit ng mga tayutay.
- Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindi malinaw na ipinapahayag ng may
akda.
- Pagsasaayos sa panibagong balangkas ng kaisipan ng may akda, pinalalawak
ang kaisipang ito at isinasama sa mga ideyang nakuha ng bumabasa sa
pagbasa.
- Pagbibigay ng opinion at pala-palagay ayon sa mga kaisipan at informasyong
malinaw na isinasaad ng akda.
- Pag-aanalisa at pagsasama-sama upang magkaroon ng panibagong pananaw
o mataas na pamantayan ng pag-unawa upang bayaan ang bumabasa na
makapag-isip sa nais na ipakahulugan sa mahahalagang kaisipan ng may
akda.

A. Mga Kasanayang Napapaloob


1. Paghinuha (Inferring)
- Pagpapatunay o pagtatanggol sa detalye
- Pagbibigay ng haka-haka sa karagdagang bagay na maaaring naisama
ng may akda na nakakatulong upang ito’y makapagturo, maging
kawili-wili at makatawag pansin.

2. Pagkakasunud-sunod (Sequence)
- Pagbibigay ng palagay kung anong mga kilos o pangyayari ang
maaaring maganap sa pagitan ng dalawang malinaw na ipinahayag na
mga kilos o mga pangyayari.
- Pagbibigay ng haka-haka sa kung anu-ano ang maaaring susunod na
mangyari kung ang akda ay natapos nang hindi inaasahan, ngunit ito’y
pinabayaang mangyari.

3. Paghahambing (Comparison)
- Mahulaan o mabigyan ng sariling palagay o masabi ang pagkakaiba
ng:
a. mga tauhan
b. panahon
c. mga pook

4. Pagkakaugnay ng sanhi at bunga


- Paghahaka sa mga motibo ng mga tauhan at kanilang mga kinikilos
ayon sa takbo ng panahon at pook
- Pagbibigay ng palagay kung bakit isinasama ng may-akda sa kanyang
panulat ang:
a. mga kaisipan
b. mga gayong pananalita
c. katauhan ng tauhan

5. Katangian ng Tauhan
- Pagbibigay ng haka-haka tungkol sa likas na ugali ng mga tauhan
batay sa malinaw na palatandaang ipinahahayag ng akda.
- Pagkuha sa maaring kalabasan ng kwento
a. Pagbasa sa unang bahagi ng akda at ibase sa pagbasang ito ang
palagay sa maaring kahinatnan ng akda.
- Pagbibigay kahulugan ng akda.
a. Mula sa kahulugan ng matatalinhagang pananalitang ginamit ng
akda.

III. Mapanuring Pagbasa (Critical Reading)

1. Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa


2. Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular sa suliranin
3. Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa:
a. katangian
b. kabuluhan
c. katumpakan
d. pagkatotohanan
4. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan o sa
akdang nabasa
a. naibigan o di naibigan sa pananaw ang akda
b. sang-ayon o di sang-ayon sa nabasang akda
c. makikita ng mga kaisipang nakagugulo ng damdamin o kaya’y
nakapagpapalubag-loob
5. Paggawa ng tiyak na pagpapasya sa pamamagitan ng paghahambing ng
ipinahayag na mga kaisipan sa loob ng akda na:
a. pamantayang galling sa guro, ibang tao o sa ibang babasahing
pinangagalingan ng ginawang pananaliksik
b. pamantayang galling sa karanasan, kaalaman at pagpapahalaga ng
mga bumabasa
6. Paghatol at pagbibigay-pansin sa katangian ng material na ginamit ayon sa:
a. katumpakan
b. pagiging kasiya-siya
c. kung ito’y kinalulugdan
d. kalimitan ng pangyayari
A. Mga Kasanayang Napapaloob
1. Pagpapasaya kung ito’y maaring tunay na pangyayari o fantasya
lamang batay sa karanasan ng bumabasa.

2. Pagpapasya kung ito’y katotohanan o opinion lamang, analisahin


o tantyahin:
a. ang pagsulat ay ibinase ayon sa kaalaman ng paksa ng mga
bumabasa
b. ang intensyon ng may akda
Mga tanong ng maaaring sundan:
a. Binibigyan bang sapat na pagpapatotoo ang kanyang katapusan?
b. Nagtatangka ba ang may akda na ibaling ang inyong pag-iisip?

3. Pagpapasya sa katumpakan at kasapatan


Paghambingin ang mga pinanggalingan ng inpormasyon patungo sa:
a. pagkakasang-ayon at pagsalungat
b. pagkabuo o di-pagkabuo
Tanong na maaaring sundan:
a. Ang informasyon bang ibinibigay ng akda ay naaayon din sa
inyong mga paksang binasa sa ibang wika?

4. Pagpasya sa kaangkupan
- Bininigyang pasya ang kasapatan nito alinsunod sa iba’t ibang bahagi
ng akda.
- Sa anong bahagi ng kwento inilalarawang mabuti ang tunay na
katangian ng pangunahing tauhan?

5. Pagpapasya sa pagpapahalagang moral


- Pasyahan ang kinalulugdan at kinasisiyahang ugali ng mga tauhan
batay sa alituntuning moralidad o sistema ng pagpapahalaga.
Tanong na maaaring sundan:
a. Tama ba o mali ang tauhan sa kanyang ginawa?
b. Ang ikinikilos ba niya ay mabuti o masama?

IV. Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa Pagbasa

- Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng


bumabasa.
- Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili.
- Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawa sa daigdig na kanyang tinanahanan
at ang mga bagay sa mundo na nagpapakilos sa tao upang siya’y mag-isip,
makadama at umasal ng kanyang ikinikilos.

A. Mga Kasanayang Napapaloob


1. Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot
ng bagong pananaw at pagkaunawa
2. Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng
bumabasa.
3. Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili.
4. Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawa sa daigdig na kanyang
tinatahanan at ang mga bagay sa mundo na nagpapakilos sa tao upang
siya’y mag-isip, makadama at umasal ng kanyang ikinikilos.
5. Pag-uugnay ng nilalaman sa personal na karanasan.
- Naranasan mo rin ba ang katulad ng nangyari sa tauhan sa loob ng
kwento? Ano ang ginawa mo?
6. Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga
problema.
- Kung ikaw ang tauhan, ano ang iyong gagawin?

V. Pagpapahalaga (Appreciation)

- Pagdama sa kagandahan ng ipinahihiwatig ng nilalaman ng kwento.


- Pagbasa upang matugunan ang bias ng sikolohiya ng pamamaraan ng may
akda o masining na elemento nito.
- Madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin
ng mga tauhan sa kanilang pakikipagtunggali, papupunyagi at paghihirap.
- Maipahayag ang mga damdamin(kasiyahan, kagalakan, kalungkutan,
pagkabigo, pagdakila o kabaliktaran nito) ayon sa pamamaraan ng may akda
sa kanyang:
a. mabisang pagpapahayag
b. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan

A. Mga Kasanayang Napapaloob


1. Pagdama sa nilalaman ng seleksyon.
- Masabi ang mga damdaming napapaloob sa seleksyon ayon sa:
a. interes
b. kagalakan
c. pagkainip
d. pagkatakot
e. pagkayamot
f. pagkagalit
g. pagkasuklam
h. kalungkutan
i. iba pa
-

You might also like