You are on page 1of 40

Filipino - 3rd Term

Paksang-diwa
Ito ang pangkaisipang iniikutan ng mga
pangyayari sa akda o aral na dapat

Modyul 5 ----------
isabuhay.

Himig
Elemento ng Maikling Kwento Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin.

Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang Salitaan


likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang Kailangan ay natural ang salitang
tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang ginagamit at naayon sa daloy ng kwento.
tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang Ang pagpapalitan ng mga lihya o sinasabi
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. ng mga tauhan

Isang uri ng panitikang masining na nagsasalaysay ng Galaw


maikli sa kaanyuan at ang diwa ay nagpapalaman sa
Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng
isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na
kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin
inilalahas sa isang parang mabilis ang galaw.
hanggang sa malutas ang suliranin ito sa
wakas ng katha.
Uri ng Elemento ng Maikling Kwento :
Tema
Isipan na iniikutan ng mga pangyayari sa
Banghay akda
Tumutukoy sa maayos sa pagkakasunod-sunod ng mga
tagpo at pangyayari sa akda. Kapahabikan
Nagbibigay ng damdaming kapana
panabik sa mambabasa. Nalilikha ito ng
Paningin paglalaban ng tauhan sa kapwa tauhan.
Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at
kung sinong tauhan ang dapat maglahad ng mga Kasukdulan
pangyayaring makikita at maririnig niya. Makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
Suliranin
Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at Kakalasan
ang kalutasan nito sa katapusan ng akda.
Ito ang kinalabasan ng paglalabanan ng
mga tauhan sa akda.
Antas ng Wika
Pormal 1. Di-pormal
- Wikang istandard o batayan - Wikang palasak, karaniwan,
- Tinatanggap ito ng mga taong o pang-araw-araw
tagapagtaguyod, dalubhasa, at a. Lalawiganin
nakapag-aral o nagtuturo ng wika - Diyalekto na kilala
a. Pambansa lamang sa pook kung
- Pamiliar sa lahat saan ginagamit
- Manunulat ng aklat na nagtuturo b. Kolokyal
ng wika - Pang-araw-araw o
b. Pampanitikan mga sitwasyong
- Ginagamit sa malikhaing pagsulat di-pormal
- Pagsulat ng mga akdang - Pinaikling salita na
pampanitikan tulad ng tula, galing sa mga
maikling kuwento, nobela salitang pormal
- Ginagamitan ito ng mga idyoma at c. Balbal
mga tayutay sa pagpapahayag ni - Panlansangan o
ideya kalye
- Karaniwan na hindi
inaayunang gamitin
ng ilang mga
magulang at
T: Bakit mahalagang malaman ang nakakatanda
iba-ibang antas ng ating wika?
S: Kapag alam natin ang iba-ibang antas ng wika,
alam natin kung anong antas ang gagamitin natin
sa iba’t ibang sitwasyon o pagkakataon.
Maiiwasan din ang gulo o di-pagkakaunawaan
kung alam natin ang antas ng wika na gagamitin
sa isang sitwasyon.
Modyul 6
----------
Pagsulat ng Balita
https://youtu.be/OMZLGxkxt94
Balita
- Ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap, nagaganap, o magaganap pa.
- Anumang mahalagang impormasyon na nasasalig sa napapanahong pangyayari o di-karaniwang
nagaganap at may kahulugan sa mga mambabasa.

Salik na mahalaga sa balita


- Mga pangyayari
- Kawilihan
- Mambabasa

Katangian ng mahusay na balita


- Timbang-kaukulang diin sa bawat katotohanan
- Ganap na kawastuhan
- Walang kinkilingan
- Kaiklian
- Kalinawan
- Kasariwaan

Kahalagahan ng wika
- Nagbibigay impormasyon
- Nagtuturo
- Lumilibang
- Nakapagpabago

Sangkop ng Balita
1. Aksyon o Pakikihamok
2. Nakagagayanyak sa mga tao
3. Kakakiba
4. Nagaganap sa kasalukuyan
5. Nagaganap sa malapit na pook
6. Pagsulong
7. Romansa o Pakikipagsapalaran
8. Bilang o Istradistika
Batayang ayos ng balita
1. Kasukdulan (climax)
2. Kahalagahan
3. Datos

Pamatnubay
- Ito ay ang pangunahing bahagi ng isang balita na matatagpuan sa unang talata. Ito
ay naglalaman ng pinaka tampok o pinakamahalagang pangyayari sa balita.
- (summary lead) na nakapaloob lahat ang bumubuo ng ASSaKaBaPa na siyang buod
ng balita.

1. Kombensyonal
- Nilalaman nito ang kasagutan sa mga tanong na ano (pangyayari), sino (binibigay diin ang
tao), saan (lugar o pinagganapan), kailan (araw o petsa), bakit (sanhi o dahilan), at paano
(pamamaraan).

2. Di-kombensyonal
- Nagsisimula ito sa payak na pahayag o sanligan nang nangyari nang balita na may
karugtong sa kasalukuyang balita
a. Payak na pahayag
b. Nakaraang balita na karugtong ng bagong balita
c. Siniping-sabi (siniping pahayag)
d. Tanong na may kagyat na sagot
e. Paglalahad ng kaibahan
f. Hindi hayagang sinbi ng nagsasalita

Quotation lead
Nakalahad ang sipi o sinabi ng taong ibinabalita
Question Lead
Nakalahad ang isang katanungan
Descriptive Lead
Ang pamatnubay ay ay tiyak ang naglalarawan
Narrative Lead
Ang pangunahing layunin ng pamatnubay ay maglahad
Exclamatory Lead
Ang pamatnubay ay may isa o higit pang salita na naglalahad ng isang matinding damdamin

Hakbang sa pagsulat ng balita


1. Isulat ng buod
2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan
3. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay . Unahin ang pinaktampok
4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pababang kahalagahan

Mga mungkahi sa mahusay na pagsulat :


● Isang ideya bawat pangungusap
● Limatahan ang bilang ng mga salita sa mga pangungusap. 25-35 na salita lamang.
● Tiyakang maayos at lohikal ang pagkakahanay ng kaisipan
● Gumamit ng pandiwang nasa aktibong tinig
● Gumamit ng simpleng salita
● Iwasan ang paggamit ng parehong salita sa pangungusap
● Isulat agad ang balita pagkatapos makalap
● Bigyang diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari
● Maging tumpak
● Iwasan ang magbigay ng opinyon
● Banggitin ang awtoridad o pinagmulan ng balita lalo kung :
a. Nangingibabaw ang opinyon kaysa tunay na pangyayayri
b. Ang balita ay kontrobersyal
c. Ang balita ay nagpapataas ng bagong regulasyon

Estratehiya sa pangangalap ng datos


Pagbasa at Pananaliksik

Ito ay isang estratehiya ng pangangalap ng datos na ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang


isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman.

Pakikipanayam

Ito ay estratehiyang pagtitipon din ng mga kaalaman at impormasyon sa pamamagitan ng


pakikipagtalastasan o ugnayan sa mga taong may malaking karanasan at awtoridad sa paksang
inihahanap ng mga impormasyon.
Obserbasyon

Ito ay isang estratehiya ng pangangalap ng datos na sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga


bagay-bagay, tao o pangkat at pangyayari. Inaalam nito ang mga gawi at katangian at iba pang datos
kaugnay sa paksa.

Brainstorming

Ito ay isang estratehiya at mabisang pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao sa pamamagitan
ng malayang talakayan sa isang maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.

Pagsasarbey

Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa tiyak na paksa sa pamamagitan ng


pagsagot ng talatanungan o questionnaire sa isang grupo ng mga respondents.

Imersyon

Ito ay isang sadyang paglalagay ng isang sarili sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa
karanasan o gawaing kinapapalooban.

Pag-eksperimento

Sa paraang ito ng pangangalap ng impormasyon, sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng akda
tungkol dito sa pamamagitan ng isang siyentipikong pamamaraan.

Pagsulat ng Journal

Isang estratehiya ng pangangalap ng datos na pagtatala ng mga pansariling gawain, mga repleksyon,
mga naiisip, o nadarama at kung ano-ano pa.

Paghihinuha o Pagpapalagay (inferencing)


- Pagbibigaykahulugan o paliwanag sa tulong ng mga pahiwatig at ng sariling kaalaman sa isang
larawan, pamagat, o pangyayari sa akda
- Tagapagsulat: ay nagpapahiwatig o nagbibigay implikasyon
- Mambabasa: nagpapalagay o nagbubuo ng hinuha
Hudyat: Siguro, marahil, baka, waringm tila, sa aking palagay, sa tingin ko, maaaring, atbp.

Opinyon
- Impormasyon batay sa saloobin at damdamin ng tao.
- Nag-iiba ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung
totoo o hindi
Hudyat: Sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ay tatanungin, para sa akin, sa ganang
akin, atbp

Katotohanan
- Kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan
- Impormasyong maaring mapatunayang totoo
Hudyat: Batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng/ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na,
atbp.

Interpretasyon
- Pagpapaliwanag, pagsasalin ng kahulugan, o pagbibigay ng sariling pananaw o kaisipan sa isang
teksto o pahayag

Positibong pahayag
- Mga pahayag na may diwang positibo at magandang kahulugan kahit gumagamit ng negatibong
salita

Negatibong pahayag
- Mga pahayag na may diwang negatibo o salungat o hindi pagkiling sa diwa ng nakakarami

Modyul 7 ----------
Panitikang Polular :
https://allanalmosaortiz.blogspot.com/2017/07/kaligirang-pangkasaysayan-ng-soap-opera.
html

MTRCB Rating : https://youtu.be/BbZrp8zbxI4

Ekspresyong Lohikal https://youtu.be/CYDhPlfp_PY

Mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga ideya o pangyayari sa


teksto. Mahalaga ito upang madaling maunawaan ang mensaheng nais ipaunawa o ipabatid sa mga
mambabasa ng tagapagsalita o nagpapahayag. Gumagamit ng mga pangatnig, pang-abay at iba pang
ekspresyong nagpapakita ng lohikal na ugnayan.

Sanhi at Bunga

- Malinaw na ipinakikita ng sanhi at bunga ng lohikal na ugnayan nito sa pahayag para sa mambabasa o
tagapakinig.
- Pang-ugnay : sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga

Paraan at Resulta

- Ipinakikita ang lohikal pahayag nito au kung paano nakuha ang bunga o resulta ng isang kalagayan o
sitwasyon.
- Gumagamit ng pang-ugnay na sa sa ganitong pahagay.

Kondisyon at Resulta

- Dahil sa isasagawang kondisyon o pangyayari ay maaaring maganap o sumalungat ang ipinakikita ng


ugnayang pahayag na ito.
- Pang-ugnay : kung, kapag, sansa, sakali

Paraan at Layunin

- Ipinakikita ng ugnayang ito kung paano nakamit ang layunin gamit ang paraan.
- Pang-ugnay : upang, para, nang

Pag-aalinlangan at Pag-aatubili

- Mahalagang maipakita ang pang-aalinlangan o pagdududa ay nag-aatubili o di agad pinaniniwalaan ang


isang bagay.
- Pang-aatubili ay bunga ng pag-aalinlangan kaya ito ay magkaugnay na pahayag.
- Salitang : hindi sigurado, yata, tila, baka, marahil, kaya, samakatuwid, kung gayon

Pagtitiyak at Pagpapasidhi
- Ito ay nagsasabi ng ugnayan ng katiyakan o kasidhian.
- Tunay, walang duda, sa katotohanan, talaga, tunay, syempre… Pang-ugnay : na at nang

Modyul 8 ----------
Radio is the technology of using radio waves to carry information, such as sound, by systematically modulating
some property of electromagnetic energy waves transmitted through space, such as their amplitude, frequency,
phase or pulse width. When radio waves strike an electrical conductor, the oscillating fields induce alternating
current in the conductor. The information in the waves can be extracted and transformed back into its original form.

Broadcasting is the distribution of audio or video content to a dispersed audience via any electronic mass
communications medium, but typically one using the electromagnetic spectrum (radio waves), in a one-to-many
model.

Broadcast journalism is the field of news and journals which are broadcast by electronic methods instead of the
older methods, such as printed newspapers and posters. It works on radio (via air, cable, and Internet), television
(via air, cable, and Internet) and the World Wide Web.

Scripts for broadcast tend to be written differently from text to be read by the public. For instance, the former is
generally less complex and more conversational. Radio and television are designed to be seen and heard sooner
and more often than a daily or weekly newspaper.

Radio Iskrip
- And radio iskrip ay isang isinulat na materyal na naglalaman ng mga salitang kilos na kailangan
sa programa. Sinasabi sa atin kung ano ang gagawin,sasabihin o kailan at paano.

● Spot /Plugs
Uri ng Scripts
● Drama
● News ● Magazine program
● Interview ● The Documentary

Halaga ng Radio Iskrip


● Matiyak ang tamang teknikal at impormasyon.
● Siguro ang daloy ng programa.
● Masulit ang airtime.
Dapat Tandaan sa Radio Scriptwriting :
1. Doblehin o triplihin ang espasyo ng makinilya (typewrite) sa bawat linya at talata.
2. I-makinilya sa malaking titik upang mabasa ng newscaster.
3. Lahat ng diyalogo o sasabihin ay nakasulat sa malaki at maliliit na titik.
4. Lahat ng panuto (instructions) at hindi sinasalitang linya (non-spoken lines) ay naka makinilya sa
malaking titik.
5. Nararapat may duplicate ang iskrip.
6. Gawin ang bawat pahina ng talata bago gumamit ng bagong papel.
7. Gawin malinis ang iskrip.
8. Markahan ng “x” ang mga maling salita.

Karagdagan
- Gumamit ng maikli, payak na salita sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap.
- Iwasan ang mga salitang sumasagitsit na tunog.
- Gumagamit ng paglalarawang salita kung kinakailangan at may pag-iingat.
- Gawing maikli ang mga pangungusap at ang mga ideya ay hindi maliligoy.

Ayos ng Pangungusap

Gumagamit ng aktibong mga salita sa pagbuo ng pangungusap

Halimbawa : Pinasisiyasat ni Tarlak City Mayor Aro Mendoza ang sunod-sunod na naganap na nakawan
sa mga paaralan, (Karaniwang ayos)

Hakbang / Proseso sa Radio Scriptwriting :


1. Alamin ang inyong manunuod / tagapakinig
2. Gumawa ng pananaliksik tungkol sa paksa
3. Gumawa ng balangkas
4. Sumulat ng burador
5. Basahin nang malakas, orasan
6. Ilarawan o visualized and script
7. Balikan ang iskrip
8. Reb Isahin ang iskrip - istilo, timing at katumpakan
Bumper, Teaser and Billboards
Bumper

● Ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas


● Ipinababatid nito sa tagapakinig na may pagitan o break ngunit may mga balitang kasunod.

Teaser

● Ito ay ginagamit na upang ma-stimulate ang pag-iisip ng mga tagapakinig upang manatili sa
pinakikinggang palatuntunan.

Billboard

● Maririnig matapos ng balita.


● Ipinabatid sa mga tagapakinig kung anong produkto ng sponsor ang naghatid ng balita.

Radio Production Terms :

BIZ - NEWS BROADCAST MUSIC or Advertisement

MSC - music (up,under or out)

SFX - Sound Effects

News Script Writing

● Ang huling bahagi bilang palatandaan na ang kwento o balita ay tapos na o may iba pang mga
impormasyon o detalye sa susunod na pahina.
1. Lagyan ng ### sa huling pahina upang palatandaan na ang balita o istorya ay natapos na o
lagyan ng (more) sa huling bahagi ng pahina upang ipabatid sa anchor na may kasunod sa
susunod na pahina.
2. Kung kailangan paghiwalayin ang istorya o balita sa dalawang pahina, huwag putulin ang
pangungusap. Laging tapusin sa pahina ang buong pangungusap.
Modyul 9 ----------
MGA HAKBANG SA PAGSULAT AT PAGBUO NG:
Social Awareness Campaign
May mga nararapat isaalang-alang sa pagbuo ng mga hakbang ng kamalayang panlipunan o social
awareness campaign :

P.A.M.I.P
1. Pumili ng paksa – dapat napapanahon ang paksang gagawan ng kampanya. Ito ay isang isyung may
umiiral na suliranin na kailangan hanapan ng solusyon.

2. Alamin ang target audience ng campaign – alamin mo kung sino ang grupo ng tao na nais mong
makabasa, makapanood, makakita o makabatid ng iyong kumpanya.

3. Magsaliksik – mahalaga ang mga paktwal na impormasyon, mga datos na may kaugnayan sa iyong
kumpanya. Ito ang magiging sandigan mo sa iyong kumpanya.

4. Istratehiya at Pamamaraan – pag-isipan mong mabuti kung paanong atake ang gagawin mo sa
iyong kampanya. Anong mga multimedia ang gagamitin mo? Anong social media ang gagamitin mo para
sa iyong kumpanya? Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan gaya ng slogan, poster, patalastas, music
video, docu film atbp.

5. Pagpaplano – pagplanuhan kung paano ka mapapansin sa social media. Tandaan, dapat hindi
nakapananakit ng kalooban ng tao o grupo ng tao ang iyong gagawin. Maging malikhain. Kumuha ng
inspirasyon sa mga iba pang social awareness campaign na makikita sa internet.
Sa pagbuo ng iyong social awareness campaign, may mga dapat tandaan na pagbuo nito:

B.I.C.S.A
1. Balangkas – bumuo ng balangkas ng iyong kumpanya. Kung ito ay isang video dapat gawan ito
ng daloy o balangkas ng pagtalakay. Kung patalastas ay kailangang gumawa ng storyboard.

2. Iskrip – mahalaga ang pagbuo ng iskrip. Mula sa mga nasaliksik na impormasyon ay makabubuo ng
iskrip na lalamanin ng iyong kumpanya o bibigkasin ng tagapagsalita.

3. Maging malikhain - Gaya ng nasabi, dapat maging malikhain. Gumawa ng sariling konsepto at
huwag kumopya. Maaari lamang gumamit ng inspirasyon mula sa ibang gawa sa pagbuo ng iyong
konsepto.

4. Maging tiyak – maging tiyak sa mga impormasyon at mga pahayag. Huwag gawing maligoy.
Gumamit ng mga payak na pangungusap at madaling maunawaang salita.

5. Target audience – palaging isaisip ang iyung target audience sa pagbuo ng konsepto, iskript at
salitang gagamitin.

Suring Pelikula

● Ang pelikula ay isang uri ng komunikasyon kung saan ang mensahe o ang punong kaisipan ay
inilalahad sa pamamagitan ng isang isinadulang kwento. Ang sanhi ng pag-aaral o pagsusuri ay
ang pagtaas ng mga insidente ng karahasan na pinangungunahan ng mga kabataan noong
panahong 1920’s. Ang mga artistang gumanap at karakter na isinasabuhay niya ay magiging
modelo ng mga nakakapanood partikular ng mga kabataan.

Katangian ng Pelikula Ayon Kay Ricky Lee


1. Ang pelikula ay isang audio-visual.
2. Ang internal ay ginagawang external, ang abstract ay ginagawang physical, upang maging
cinematic. Ang hindi nakikita o naririnig ay hindi mailalagay sa screen.
3. Ang mga imahen (images sa pelikula ay putol-putol: mga paa, ulo, hagdan, o bintana. hindi
kailangan kita lahat.)
4. Ang pinagputol-putol na imahen ay pinagsama-sama o pinagdugtong-dugtong upang may makitang
kabuuan ang manood. The parts represent the whole.
5. Dahil hindi kailangang ibigay ang lahat, ang pelikula ay may kakayahang mag-distort ng time at ng
space.
6. Ang pelikula ay naka-fix sa kasalukuyan. Walang hinaharap, walang nakalipas sa pelikula. lahat ng
pinapanood mong nangyayari ay nangyayari ngayon.
7. Kagaya ng entablado o tanghalan, ang pelikula ay may fixed na haba. Kadalasan ito ay dalawang
oras.
8. Ang pelikula ay gawa ng maraming tao – mga artista, ekstra, cinematographer, production designer,
creative people, at iba pa.

Batayan ng Gawad Urian sa Pagsusuri ng Pelikula


1. Nilalaman. Higit na mausay ang nilalaman ng isang pelikula kung ito ay makatotohanang
paglalarawan ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng Pilipino, at kung ito ay tumatalakay sa
karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na nakararaming manonood.

2. Pamamaraan. Paggamit at pagsasanib ng filmaker sa iba’t ibang elemento ng pelikula.


3. Pinakamahusay na Pelikula. Nagpapakita ang pinakamahusay na pelikula ng mapanlikhang
pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula, sa antas na di napatunayan ng mga pelikulang
nakahanay nito.

4. Pinakamahusay na Direksyon. epektibo ang direksyon kung matagumpay ang direktor sa


pagbibigay-buhay sa dulaang pampelikula, at nagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa
materyal sa pamamagitan ng mapanlikhang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula.

5. Pinakamahusay na Dulang Pampelikula. Epektibo ang dulang pampelikula kung ito ay may
makabuluhang nilalaman o karanasang sinusuri at binabalangkas ito sa paraang orihinal ayon sa
pangangailangan ng midyum ng pelikula.

6. Pinakamahusay na Pagganap. Matagumpay na napaniwala ng artista ang manonood sa tauhang


kanyang inilalarawan

7. Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon. Naisakatuparan sa malikhaing pamamaraan


ang pook, tagpuan, makeup, kasuotan, at kagamitan na nagpalit ng panahon, kapaligiran, at
katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula.

8. Pinakamahusay na Sinematograpiya. Matagumpay na paglalarawan ng ng nilalaman sa


pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw, at ibang kaugnay na teknik ng kamera.

9. Pinakamahusay na Editing. Malikhaing pinapakitid nito o pinalawak ang oras, kalawakan, at galaw
upang pangibabawin ang anumang nais ipahayag ng filmmaker

10. Pinakamahusay na Musika. Pinalilitaw ang kahulugan, pinatitungkad ang atmospera at damdamin,
nakatutulong sa pagtiyak ng katauhan, at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.
11. Pinakamahusay na Tunog. Naisalin nito nang buhay na buhay ang diyalogo, musika, epektibong
tunog at katahimikan, at ang mga ito’y naisasaayos sa malikhaing paraan.

Mga Bahagi ng suring pelikula


1. Panimula
- kagaya nang sa isang pagsusuri, kinakailangang bigyan ang mga mambabasa ng
perspektibo sa kung patungkol ang iyong pagsusuri. Kinakailangang bigyan ng background
tungkol sa pelikula na bibigyan ng pag-aanalisa ang kung paano bibigyan ito ng pagsusuri.

Maaaring ibigay sa mga mababasa ang tungkol sa kung anong uri ng pelikula ang susuriin. Ito ba ay komersyal o
isang art film? Ano ang senaryo sa isang bansang pinanggalingan ng pelikula nang isinagawa ito? Ano sa iyong
hinuha ang mga layunin ng pelikula? Sa panimula, kinakailangang banggitin ang pamagat ng pelikula, produksyong
gumawa ng pelikula, ang mga artistang nagsipagganap, sumulat ng pelikula, production designer, director ng
photogtapiya, producers, executive producers, at director. Maaring idagdag sa panimula kung

ito ay halaw sa isang nobela, kung saan nakabase ang pelikula.

2. Synopsis
- ito ay maikling buod ng pelikula. Dito makikita ang mga mahahalagang impormasyon at
kaganapan na lumutang sa pelikula. Ang mga pangyayari ay nagsisimula sa tagpuan, plot o
banghay, kasukdulan at wakas ng pelikula.

3. Kuwento
- sa pagsuri ng kuwento ng pelikula, kinakailangang matukoy kung ano ang genre ng pelikula.
Ang genre ay uri ng pelikula kung saan natukoy ng manunuod at gumawa ng pelikula. Ang
mga karaniwang genre ay musical, melodrama, thriller, comedy, disaster films, spy films,
samurai films, Westerns, atbp. Bigyang komento kung nabigyang kasiglahan ang mga
manunuood batay sa genre ng pelikula.

Bigyan ng masusing pagsusuri ang storyline. Paano pinaunlad ng manunulat ang kasaysayan ng pelikula. Akma ba
ang mga tagpuan? Ano-ano ang mga tagpuan? Ano-ano ang mga suliraning umusbong sa pelikula? ang mga
sub-plots? Ito ba ay kinakailangan? Lahat ba ng mga tagpo ay kinakailangan upang mapaunlad ang kasaysayan ng
pelikula? Ano ang suliranin? Paano ito nalutas? Ano ang nais iparating ng pelikula sa kabuuan? Ano ang aral na
makikita sa pelikula? Ano ang istilo ng manunulat upang ipakita at inilapat sa pelikula? Paano ito nakatulong sa
kabuoan ng pelikula? Paano ipinamalas ang kasukdulan ng pelikula? Paano nagwakas ang pelikula? Nakamit ba ng
gumawa ng pelikula ang kanilang layunin nang gawin ang pelikula?

4. Karakterisasyon
- ang pagsasatao ng mga karakter ng pelikula ang binibigyang suri sa bahaging ito ng pelikula.
Ang kasaysayan ng pelikula ay nakapainog sa mga tauhan ng pelikula o karakter. Kahit ito
ay mula lamang sa imahinasyon ng manunulat ng pelikula, kinakailangang madama ng
manonood ang mga karakter o tauhan sa pelikula. Kinakailangang maanalisa ang mga
pangunahing karakter o tauhan sa pelikula. Tingnan ang kanilang historical background sa
pelikula. Ano ang kanilang ginagawa sa kasalukuyan? Ano ang nais nilang mangyari sa
hinaharap? Ano ang kanilang gusto at pangangailangan? Paano sila mag-isip? Ano ang
nagpapagalaw sa kanila o nagbibigay sa kanila ng motibasyon upang kumilos? Ano ang
kanilang mga hangarin? Ano ang sagabal sa pagkamit ng kanilang hangarin? Alaming
mabuti ang bawat karakter at talakayin sa iyong sariling pag-aanalisa.

5. Pagganap
- ito ay ang mga artistang gumanap sa karakter ng pelikula. Binibigyang suri ang
pagkakaganap ng mga artista sa mga karakter na pinakilala sa pelikula. Kapani-paniwala ba
ang kanilang pagkakaganap? Nakulangan ka ba sa kanilang pagganap? Saang bahagi ng
pelikula ito nakita? Subuking sagutin ang ilang katanungan sa pagkakaganap ng mga artista
sa pelikula kung nakulangan o nagalingan ka sa kanilang pagganap.

6. Tunog
- isa sa mahalagang bahagi ng pelikula ang tunog. May tatlong anyo ang tunog: musika, ingay
at speech. Ang speech ay boses o tinig ng mga aktor/aktres. Ito ay maaaring dubbed o live
sound. Music ay soundtract na inilapat sa pelikula. Ingay ay mga sound effects.

Ang tunog ay isinasagawa nang hiwalay sa pagkuha ng mga eksena. Mahalaga ng tunog sa kabuoan ng pelikula. Ito
ay nagpapabuti sa pakiramdam ng manunuod upang tutukan ang pelikula. Nakatutulong din ang tunog sa pag-unawa
sa kasaysayan o kuwento ng pelikula. Nabibigyang din ng tunog ang pagbibigay ng interpretasyon ng manunuod sa
tagpo ng pelikula. Halimbawa, sa isang horror film, ang tunog na nakakatakot ay magbibigay sa mga manunuood ng
kaisipan na may mangyayaring masama. Ang tunog ay nakapagdurugtong o nakapaghihiwalay ng mgab tagpo sa
pelikula. Maaring suriin sa tunog kung paano inilapat ang mga tunog at pinagsama-sama ang mga ito.

7. Sinematograpiya
- May tatlong katangian ang sinematograpiya. Ito ay photographic image, the framing of the
shots at the duration of the shots.

Ang photography ay tinatawag ding writing in light. Malaki ang ginagampanan ng potograpiya sa sinematograpiya.
Kinakailangan ng camera upang malaman kung gaanong ilaw o liwanag ang kakailanganin na dapat makuha sa
camera. Ang range of tonalities ay nangangahulugang tekstura at kulay na makikita sa pelikula. Ang mga imaheng
makikta ba ay madilim o maliwanag o napakaliwanag. Ang tekstura ay maaaring nakita kung ang pelikula ay blur o
malabo. Ang speed of motioinspeed of motioin ay ang paggalaw ng mga kilos sa isang pelikula. Kung ang ginamit ba
ay ­slow-motion, ordinary o normal o fast-motion.

8. Editing
- Ito ay ang pagkakabit-kabit ng mga eksena na hiwa-hiwalay na kinunan. Malinaw bang
napagtagni-tagni ang mga pangyayari nang eksena sa pelikula. Maayos bang nailapat ang
paraan sa pag-eedit gaya nang fade out, dissolves, wipes. Ang ibig sabihin ng fade out ay
pagdilim sa huling bahagi ng isang shot. Dissolve ay isang mabilis na mabilis na paglagay ng
susunod na shot mula sa nauna. Ang wipe ay pagpapalit ng susunod na shot na may
gumagalaw na boundery line na makikita sa screen. Sa pagsuri ng editing kinakailangang
makita ang paguugnay-ugnay ng mga eksena sa bawat frame at malinis ang
pagkakakabit-kabit ng mga ito.

9. Kasuotan, Makeup at Production Design


- ang kasuotan at makeup ay ang panlabas na anyo ng mga actor at aktres. Makikita ang
kasiningan ng pelikula mula sa mga kasuotang ginamit. Naipalalabas ng kasuotan at makeup
ang ginagampanang karakter ng mga artista sa pelikula.Naipakikita rin sa pamamagitan ng
kasuotan ang panahon na ipinamalas sa pelikula. Ang production design ay kinabibilangan
nang set design, backdrop at props. Tinutukoy nito kung ano ang tagpuan ng isang tagpo.
Halimbawa, may isang lalaking pupunta sa bahay ng isang mahirap na ginoo.
Kinakailangang maipakita ng production designi ang kung ano ang itsura ng bahay ng
mahirap na ginoo mula sa kasangkapan, sahig upang mapakita ang kalagayan ng mahirap
na ginoo.

11. Musika
- ang paglalapat ng musikang may awitin sa bahagi ng pelikula ay sinusuri rin. Maaari itong
soundtrack o kombinasyon ng diyalogo, tunog at musika o kaya musical score, ito ang
paglalapat ng soundtrack sa bahagi ng pelikula. Kilala ang musical score sa paglalapat ng
movie themesong sa bahagi ng pelikula akung saan tayo pinakikilig o dili kaya’y mas naantig
dahil sa musikang inilapat sa bahagi ng eksena ng pelikula. Maaari ring panay musika lang
na walang liriko ang siyang inilapat sa eksena ng pelikula kung saan nagpadama sa atin ng
mas lalong emosyon ng eksena ng pelikula.

12. Direksyon
- Mahirap ang ginagampanan ng isang director dahil kinakailangang maipamalas ng director
ang kanyang bisyon sa pelikula sa kanyang producer at scriptwriter. Dapat maiugnay ng
director ang mensahe ng pelikula sa mga manunuod. Ang tungkulin ng director ay maiugnay
nito ang mga eksenang nakasulat sa iskrip. Dapat napag-ugnay-ugnay nito nang mahusay
ang mga elemento ng pelikula mula sa mga pagganap ng artista, sa tunog, musika,
kasuotan, props at disenyo ng produksyon, editing at iba pa. Ang isang mahusay na director
ay naipamamalas niya ang isang mahusay na gawang pelikula

13. Konklusyon at Rekomendasyon


- sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod o paglalagom sa mga key points na
tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri. Balikan ang mga elemento ng pelikula na binigyang
suri at mula rito ay maaaring magbigay ng sariling rekomendasyon kung paano pa
mapagbubuti ang isang pelikula mula sa iyong saring paghuhusga.

Modyul 10 ----------
Florante at Laura
a. Korido at Awit
Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang relihiyong Katolisismo sa
bansa. Isa sa pinakatanyag na uri ng panitikang nagbibigay-halaga sa diwang Kristiyanismo ay ang mga Tulang
Romansa na nauuri sa dalawang anyo—ang Awit at ang Korido. Madalas, ang mga ito ay nagsisimula sa

panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo. Kalimitang ito ay pumapatungkol sa


pakikipagsapalaran at kabayanihan, karaniwang kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa, at mga maharlika
kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kanilang mataimtim a pananalig at matiyagang
pagtawag sa Diyos. Dahil sa lubhang mahigpit ang sensura noong panahon ng mga Espanyol, hindi lahat ng
akdang pampanitikan ay maaaring naisulat at nailathala lalo pa’t kung ito ay laban sa pamamahala ng mga
Espanyol. Ngunit dahil sa temang sinasaklaw ng awit at korido ang mga ito ay namayani at higit na nakilala nang
marami. Ayon sa aklat na Panitikang Pilipino ni Arthur Casanova, ang awit at korido ay maaaring suriin gamit
ang mga sumusunod na pamantayan.

PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO

Pamantayan Awit Korido


Batay sa Anyo Binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang Binubuo ng 8 pantig sa loob ng isang
taludturan, apat na taludtod sa isang taludturan, apat na taludtod sa isang
taludturan taludturan

Musika Ang himig ay mabagal na tinatawag na Ang himig ay mabilis na tinatawag na allegro
andante

Paksa Tungkol sa bayani at mandirigma at larawan Tungkol sa pananampalataya, alamat,


ng buhay at kababalaghan

Katangian ng Ang mga tauhan ay walang taglay na Ang mga tauhan ay may kapangyarihang
mga Tauhan kapangyarihan supernatural ngunit siya ay supernatural o kakayahang magsagawa ng
nahaharap din sa pakikipagsapalaran. Higit mga kababalaghan na hindi magagawa ng
na makatotohanan o hango sa tunay na buhay karaniwang tao

Mga Florante at Laura Pitong Infantes De Lara Ang Ibong Adarna,Kabayong Tabla,Ang
Halimbawa Doce Pares ng Pransya Haring Patay Dama Ines, Prinsipe Florinio

Francisco Balagtas Baltazar


Itinuturing si Francisco “Balagtas” Baltazar na “Prinsipe ng Makatang Tagalog”
dahil sa kanyang obra maestra ng Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno
ng mga pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng mga Español.
Ipinanganak siya noong 2 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan
sa mag-asawang Juan Balagtas at Juana Cruz. Noong bata pa siya, ipinadala siya ng
kanyang ina sa isang malayong kamag-anak sa Tondo, Maynila, na siyang nagpaaral
sa kanya kapalit ng paninilbihan sa bahay. Nag-aaral siya sa Colegio de San Jose at
sa Colegio de San Juan de Letrán. Ayon sa ulat, nakalista siyang estudyante sa
Colegio de San Jose ngunit sa pangalang “Francisco Baltazar”. Ito rin ang pangalan
niya sa dokumento ng kasal kay Juana Tiambeng noong 22 Hulyo 1842. Walang tiyak
na paliwanag sa pagbabago ng kanyang apelyido.

Naging kilala si Kiko sa larangan ng pagtula at naging bantog na makata. Ginamit niya
ang talentong ito upang paibigin si Magdalena Ana Ramos. Sa kasamaang palad ay
hindi siya natulangan ni Jose dela Cruz o “Huseng Sisiw” na mapaganda ang tulang
kanyang inihandog sa kaarawan ni Magdalena sapagkat wala siyang dalang sisiw na
pambayad noon. Kaya naman mas pinagbuti pa niyang sumulat ng mga tula
hanggang siya ay namamayagpag sa larangan ng panulaan at naging dahilan ng pagbagsak naman ni Huseng
Sisiw. Noong 1835, umibig siya kay Maria Asuncion Rivera, anak ng mayamang angkan sa Pandacan. Naging
karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa
pamahalaan. Dahil sa ginawa niyang pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na muling
magkita. Habang nasa kulungan, sapilitang pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na
nadarama si Selya. Doon sa kulungan, si Rivera ang pinag-alayan ni Balagtas ng tulang “Kay Celia,” ang
pambungad na tula ng Florante at Laura. Gayunman, hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa Pandacan, nakulong
siyá sa isang di-malinaw na dahilan. Lumaya siya noong 1838, taon na sinasabing unang inilathala ang Florante at
Laura. Lumipat si Baltazar sa Udyong (ngayo’y Orion), Bataan, at doon nakilala at pinakasalan si Juana Tiambeng,
anak ng isang mayamang pamilya. Nagkaroon sila ng 11 supling. Muli na naman siyang nakulong noong 1856
kaugnay ng reklamo ng isang katulong na diumano’y ginupitan niya ng buhok sa di-malamang dahilan. Naghirap
ang pamilya ni Balagtas dahil sa kasong ito. Pinagdusahan niya ang kanyang sentensya sa Balanga, Bataan, at sa
Tondo, Maynila. Hábang nása Tondo, mula 1857 hanggang 1860, nagsulat siya ng maraming komedya para sa
Teatro de Tondo. Nang makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito niya isinulat ang marami pang tula at komedya.

Ilan sa mga likha ni Baltazar ay La India elegante y el negrito amante, Orosman at Zafira, Rodolfo at Rosemonda,
Nudo gordiano, Abdol at Misereanan, Bayaceto at Dorslica. Ang pinakakilala hanggang sa kasalukuyan na
Florante at Laura o Pinagdaanang Buhay ni Florante at Laura sa Kaharian ng Albanya at marami pang iba.
Siya ay namatay noong ika-20 ng Pebrero, 1862 dahil sa pulmonya. Sa banig ng kanyang kamatayan, mahigpit
niyang bilin sa asawang si Juana na: “Huwag hayaang maging makata ang sinoman sa kanyang mga anak, Mabuti
pang putulin ang mga daliri ng ating mga anak kaysa maging bokasyon ang paggawa ng tula,’ sa kadahilanang
ayaw niyang matulad ang kapalaran ng kanyang mga anak sa kanyang mga pinagdaanan.

C. Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura


Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas (na kilala din bilang Francisco Baltazar) ay isang obra-maestra sa
panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong
pamagat na:"Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro
histórico o pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahon sa imperyo ng̃ Gresya, at tinula ng isang
matuwain sa bersyong Tagalog." Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat sa Pilipinas
noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto at pilologo.

Ayon kay Epifanio delos Santos, isang mananalaysay, nalimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura noong
1838, nasa edad na 50 si Francisco Baltazar at ito ay panahon ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Sa kabila
ng mahigpit na sensura ng mga Espanyol dahil sa takot na lumaban ang mga Pilipino, naging matagumpay si
Baltazar na mailathala ang awit. Ang mga temang ginamit sa paglikha nito ay relihiyon at paglalaban ng mga Moro
at Kristiyano na nakatago sa mga tauhan ng akda sa pamamagitan ng paggamit ng mga tayutay na alegorya na
naglalaman ng pagtutol sa malupit na pagtrato ng Espanyol sa mga Pilipino. Ayon naman kay Lope K. Santos,
isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kanyang kapanahunan, masasalamin ang apat na himagsik
na naghahari sa puso at isip ni Baltazar na kanyang ginagamit sa pagsulat ng mga akda.

Ang apat na himagsik ni Baltazar ay:

1. Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan.


2. Ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya.
3. Ang himagsik laban sa mga maling kaugalian.
4. Ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
Ang obra maestrang ito ay itinuturing na pinakamahalagang panitikan sa Pilipinas sapagkat nagbukas ito ng landas
para makilala ang panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon. Isinulat ito noong panahong maraming Pilipinong
manunulat ay nagsusulat lamang sa wikang Espanyol. Ang awit ding ito ang nagsilbing gabay at nagturo sa mga
Pilipino ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang,
pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan, pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at
makasarili, gayundin ang pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pinunong sapagkat malaking panganib
ang dulot ng sakim at gahaman sa yaman na pinuno. Ang mga ito ay mababakas sa Florante at Laura sa
pamamagitan ng mga tayutay, alegorya at simbolong ginamit. Nagmulat ito sa diwang makabayan hindi lamang sa
pangkaraniwang tao bagkus gayundin sa mga bayaning Pilipino tulad ni Dr. Jose Rizal. Sinasabing si Rizal ay
nagdala ng sipi ng akda habang siya ay nasa Europa na naging inspirasyon sa pagsulat ng obra maestrang nobela
na Noli Me Tangere. Ganoon din si Apolinario Mabini nasumipi sa pamamagitan ng pagsulat ng kopya habang siya
ay nasa Guam noong 1901. Maraming lumabas na edisyon ang awit na nasa wikang Tagalog at Ingles subalit
nasunog ang mga ito noong 1945, panahon naman ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagama’t napakatagal
nang panahon ng naisulat at ubang nalimbag ang akdang ito, mababakas pa rin hanggang sa kasalukuyan ang
mga aral nito na dapat pa ring pahalagahan at isabuhay. Nananatiling makabuluhan, angkop at mag gagabay pa
rin sa lahat mula noon, higit lalo sa kasalukuyan at maaaring maging sa kinabukasan ng mga Pilipino.

Mga pangunahing tauhan :

Florante

Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang pangunahing tauhan ng
awit. Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya. Magiting na bayani, mandirigma at heneral ng
hukbong magtatanggol sa pagsalakay ng mga Persiyano at Turko.

Laura

Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante. Tapat ang puso sa pag-ibig ngunit
aagawin ng buhong na si Adolfo.

Adolfo

Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya. Kabaligtaran ng kanyang ama, si Adolfo ay isang
taksil at lihim na may inggit kay Florante mula nang magkasama sila sa Atenas. Siya ang mahigpit
na karibal ni Florante sa pag-aaral at popularidad sa Atenas. Ang malaking balakid sa pag-iibigan
nina Florante at Laura, at aagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya.

Aladin

Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-adab. Mahigpit na kaaway ng
bayan at relihiyon ni Florante, ngunit magiging tagapagligtas ni Florante.
Flerida

isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin sa kagubatan ang
kasintahang si Aladin. Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo.

Menandro

Ang matapat na kaibigan ni Florante. Mabait at laging kasa-kasama ni Florante sa digmaan.

Mga iba pang tauhan :

Duke Briseo

ang mabait na ama ni Florante. Taga-payo ni Haring Linceo ng Albanya.

Prinsesa Floresca

Ang mahal na ina ni Florante.

Haring Linceo

hari ng Albanya at ama ni Prinsesa Laura.

Antenor

ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante, Menandro at Adolfo. Amain ni Menandro.

Konde Sileno

Ang ama ni Adolfo na taga-Albanya.

Heneral Miramolin

Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya.

Heneral Osmalik

Ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona. Siya ay napatay ni Florante.

Sultan Ali-abab

Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang magandang kasintahang si Flerida.

Menalipo
Ang pinsan ni Florante. Siya ang pumana sa buwitre na sana'y daragit sa sanggol na si Florante.

Hari ng Krotona - Ama ni Prinsesa Floresca at lolo ni Florante.

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-booknotes-summary-in-tagalog-ang-bu
od-ng-florante-at-laura_845.html

Florante at Laura Buod ng Bawat Kabanata 1-30 (with Talasalitaan)


Ang Florante at Laura ay isang awit na isinalaysay ng sikat na manunulat na si Gat Francisco Baltazar o mas kilala sa
tawag na “Balagtas” nung siya ay nasa loob ng kulungan.

Kay Selya

Inalala ni Balagtas ang naudlot na pagmamahalan nila ng kanyang mahal na si Selya. Siya ay nababahala
na baka nakalimutan na siya nito maging ang mga alaala ng kanilang pagsasama. Ang pagkalimot na iyon
ay ang nagdala sa kanyang kapalaran sa lubhang kalungkutan. Sa pag-aakalang tuluyan ng nakalimot si
Selya, siya ay nangulila sa pagmamahal at nagdusa.

Inaliw na lamang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-alala sa nakaraan at sa mukha ni Selya
upang maibsan ng kahit na konti ang kanyang kalungkutan. Iginuhit niya ang magandang mukha ni Selya,
ang larawan na iyon ang tanging ala-ala niya.

Inaalala din niya ang kanilang mga ginagawa nung sila ay magkasintahan pa katulad ng ilog ng Beata at
Hilom, ang puno ng manga na gustong pitasan si Selya, at ang dagat na kanilang pinagliliguan na ayon pa
kay Balagtas ay inaagapan nila ito upang hindi maabutan ng alat ng dagat.

Sa Babasa Nito

Nagpapasalamat ang may akda sa mga babasa ng kanyang awit.Ang awit na ito ay isa lamang kathang-isip
ngunit may ibang nilalaman kung ito’y susuriin. Ito’y maihahalintulad sa isang bubot na prutas sa unang
tingin ngunit masarap kung ito’y nanamnamin. Pakiusap ng may akda na huwag babaguhin ang berso ng
kanyang orihinal na akda at suriin muna bago pintasan.

Kabanata 1: Gubat na Mapanglaw (Saknong 1-7)

May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan at masukal ang mga halaman kung kaya’t hindi makapasok
ang pebong liwanag.

Ang mga ibon ay hirap din sa paglipad dahil sa mga namimilipit na mga sanga. May mga gumagala na mga
mababangis na hayop katulad ng leon, tigre, hayena, serpiyente, piton, basilisko, at iba pa na kahit kailan
ang pwedeng umatake sa mga taong magsisipunta doon.

Talasalitaan:

● Mapanglaw – malungkot, malamlam, malumbay


● Masukal – madamong kapaligiran
● Pebong – araw na sumisikat
● Namimilipit – buhol-buhol
● Hayena – uri ng hayop na kahawig ng isang lobo
● Serpiyente – ahas
● Piton – sawa
● Basilisko – isang malaki at mukhang butiking hayop na nakamamatay ang hininga. Maari ka ring
mamatay kung titingnan mo ito sa mata

Kabanata 2: Ang Nakagapos na Binata (Saknong 8 – 24)


Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan nakagapos ang isang lalaki na nagngangalang
Florante. Sa kabila ng kanyang pagkagapos at kaawa-awang itsura ay bakas pa rin sa kanya ang
mala-Adonis na kakisigan.

Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-mata, buhok na kulay ginto, at magandang pangangatawan.
Si Florante ay naiiyak habang sinasariwa ang kanyang mga pinagdaanan at ang paglapastangan sa
kaharian ng Albanya sa mga kamay ni Konde Adolfo. Hindi pantay ang pagturing sa mga tao sa Albanya.
Ang mga masasama ay siyang itinataas at ang mga makatuwiran naman ay ibinababa. Ngunit nananatiling
bingi ang langit sa mga panawagan ni Florante.

Talasalitaan:

● Higera – isang punong mayabong, malalapad ang dahon ngunit hindi namumunga; fig tree
● Sipres – isang uri ng puno na mataas at tuwid lahat ang sanga
● Nakagapos – nakatali
● Bakas – marka, palatandaan
● Adonis – magandang lalaki na naibigan ni Venus, diyosa ng kagandahan
● Sinasariwa – inaalala
● Paglapastangan – kawalan ng paggalang

Kabanata 3: Alaala ni Laura (Saknong 25 – 32)


Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay napapawi nang pansamantala ang kanyang dusa’t
paghihinagpis. Si Laura na lamang ang natitirang pag-asa para kay Florante ngunit muli niyang maaalala na
si Laura na kanyang mahal ay nasa piling na ng kanyang kaaway na si Konde Adolfo.

Mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kaysa sa palaging maalala na ang kaniyang sinisinta ay may
kasama ng iba.

Talasalitaan:

● Ginugunita – inaalala
● Napapawi – nawawala, nabubura
● Pansamantala – panandalian
● Dusa – paghihirap
● Paghihinagpis – pagdadalamhati

Kabanata 4: Pusong Nagdurusa (Saknong 33 – 54)

Lubos ang tinahak na kasawian ni Florante. Kahit ang taong masama ay maaawa sa kalagayan nito.
Maririnig sa buong gubat ang mga ungol nito ngunit tanging ang alingawngaw lang niya ang sumasagot sa
kanya.

Hindi makapaniwala si Florante sa kanyang kinahantungan dahil sa labis na pagmamahal niya para kay
Laura ay nagawa pa rin siyang pagtaksilan nito.

Naging buo ang tiwala niya kay Laura subalit sa likod ng kagandahang tinatangi nito ay may nagtatagong
isang taksil.

Lahat ng mga pag-aalaga dati sa kanya ni Laura ay wala lang pala, katulad ng pagpapakintab nito sa
panangga at paglilinis ng kanyang baluti dahil ayaw niyang madudumihan ang kasuotan kung ito ay
mapapalapat sa kanya.

Hinimatay si Florante dahil sa labis na paghihinagpis.

Talasalitaan:

● Tinahak – tinungo o dinaanan ang isang pangyayari o daan


● Alingawngaw – tumutukoy sa pag-uulit ng tunog (echo)
● Kinahantungan – sinapit
● Baluti – panangga sa katawan; kasuotang panlaban (armour)
Kabanata 5: Halina, Laura Ko (Saknong 55 – 68)

Para kay Florante si Laura lang ang tanging lunas sa kanyang kahirapan. Umaasang siya ay muling
lilingapin ni Laura.

Makita lang niyang may konting patak ng luha mula sa mga mata ni Laura ay maapula ang dalitang
nararamdaman nito.

Nag-aasam na sana’y muling damitan dahil puno na ng kalawang ang kasuotan nito. Lahat ng hirap ay
danas na niya. Dinig sa buong gubat ang mga panaghoy ni Florante.

Talasalitaan:

● Lunas – gamot
● Lilingapin – alalayan, tulungan
● Maaapula – mawawala, mapapatay
● Dalita – mahirap, maralita
● Panaghoy – pagdaing, pagluluksa

Kabanata 6: Ang Pagdating ni Aladin na Taga-Persia


(Saknong 69 – 82)

Isang gererong may putong na turbante ang dumating, si Aladin na taga-Persiya.

Bigla itong tumigil upang tumanaw ng mapagpapahingahan na di kalauna’y hinagis ang hawak na sandata.

Tumingala sa langit na panay ang buntong-hininga sabay upo sa tabi ng puno at doon ay nagsimulang
tumulo ang luha.

Muli na naman niyang naisip si Flerida, ang kaniyang pinakamamahal na inagaw naman ng kanyang ama.

Talasalitaan:

● Gerero – mandirigma
● Putong – korona
● Turbante – telang binabalot sa ulo ng mga bumbay
● Tumanaw – maghanap
● Buntong-hininga – malalim na pag-hinga

Kabanata 7: Pag-alaala sa Ama (Saknong 83 – 97)

Habang tumatangis si Aladin ay bigla siyang may narinig na buntong-hininga. Ibinaling sa kagubatan ang
tingin upang hanapin ang pinanggalingan ng malalim na paghinga.

Malaon ay may narinig siyang paghikbi at agad niyang pinuntahan ito. Nakita niya si Florante na umiiyak
habang sinasariwa ang alaala ng kanyang yumaong ama.

Talasalitaan:

● Tumatangis – lumuluha, umiiyak


● Buntong-hininga – malalim na pag-hinga
● Ibinaling – itinuon
● Malaon – pagkalipas, matagalan
● Paghikbi – pag-iyak

Kabanata 8: Ang Paghahambing sa Dalawang Ama

(Saknong 98 – 107)

Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante ng marinig niya ang pagtangis ng isang Moro na sa mga kwento
nito tungkol sa kaniyang ama.

Kung ang walang patid na pag-iyak ni Florante ay dahil sa pag-ibig nito para sa ama, si Aladin naman ay
humihikbi dahil sa matinding poot sa kanyang ama.

Kung gaanong pagmamahal ang inilalaan ni Florante para sa ama ay matindi naman ang galit ni Aladin sa
kanyang ama dahil inagaw nito ang kaisa-isang niyang minamahal na si Flerida.

Talasalitaan:

● Tumagistis – umagos
● Patid – tigil
● Humihikbi – umiiyak
● Poot – galit
● Inilalaan – ibinibigay

Kabanata 9: Dalawang Leon (Saknong 108 – 125)

Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may dalawang leon hangos nang paglakad.

Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa kalunos-lunos na sinapit, kahit ang bangis ay hindi na maaninag
sa mga mukha nito.

May takot na naramdaman si Florante dahil nasa harap na niya ang mabangis na kamatayan na
kukumpleto sa kasamaang nararanasan niya.

Talasalitaan:

● Hangos – hingal; pagmamadali maging sa pagsalita, sa pagkilos, o sa paggawa


● Nahabag – naawa
● Kalunos-lunos – kaawa-awa
● Sinapit – dinanas
● Maaninag – makita

Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa Dalawang Leon

(Saknong 126 – 135)

Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang gutom na. Ito ay may mga nagngangalit na ngipin at
matatalas na kuko na kahit na anong oras ay maaaring makapatay.

Paglaon ay biglang nang-akma ang mga leon ngunit dali-daling umatake na din si Aladin na parang may
lumitaw na marte mula sa lupa.

Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin at napatumba niya ang dalawang leon.

Talasalitaan:

● Nagngangalit – galit
● Paglaon – paglipas
● Akma – tama, angkop
● Marte – Si Mars, diyos ng pakikipaglaban
● Tabak – espada

Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan (Saknong 136 – 145)

Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang nagbabadyang panganib na dala ng dalawang leon ay agad niyang
pinakawalan ang nakagapos na si Florante.

Ito ay walang malay at ang katawan ay malata na parang bangkay. Gulong-gulo ang kanyang loob ngunit
muling napayapa ng idilat ni Florante ang kanyang mga mata.

Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang pangalan ni Laura.

Talasalitaan:

● Nagbabadya – nagbabanta
● Nakagapos – nakatali
● Malata – nanlalambot
● Pagdilat – pagbukas ng mata
● Sinambit – sinabi, binanggit

Kabanata 12: Batas ng Relihiyon (Saknong 146 – 155)

Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung bakit siya nasa kamay ng isang moro. Agad namang
nagpaliwanag si Aladin na siya ang tumulong at nagligtas sa kaniya kung kaya’t hindi siya dapat mabahala.

Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman ay taga-Persya. Ang dalawang bayan na ito ay magkaaway
ngunit sa ginawang pagtulong at pagkalinga ay naging magkatoto sila.

Talasalitaan:

● Nagitlahanan – nagtaka
● Moro – muslim
● Mabahala – mag-alala
● Pagkalinga – pag-aalaga
● Magkatoto – magkaibigan
Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay Florante
(Saknong 156 – 172)

Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong lumulubog na ang araw. Inilapag ito sa isang malapad at
malinis na bato.

Kumuha ng makakain at inaamo si Florante na kumain kahit konti lamang upang magkaroon ng laman ang
tiyan nito. Umidlip si Florante habang ito ay nakahiga sa sinapupunan ni Aladin. Kinalinga ni Aladin si
Florante buong magdamag dahil sa pag-aakalang may panganib na gumagala sa gubat.

Nang magmadaling araw ay nagising na si Florante at lumakas muli ang katawang hapo. Lubos ang
pasasalamat ni Florante kay Aladin. Tuwang-tuwa si Aladin at niyakap niya si Florante. Kung nung una ay
awa ang dahilan sa pag-iyak ni Aladin, ngayon naman ay napaluha siya dahil sa tuwa.

Talasalitaan:

● Inamo – sinuyo
● Umidlip – natulog
● Sinapupunan – bahay-bata; kinakanlungang mga hita; ibaba ng hita na pinagkakalungan; dibdib o suso
ng babaeng tao o hayop
● Kinalinga – inalagaan
● Hapo – hingal

Kabanata 14: Kabataan ni Florante (Saknong 173 – 196)

Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno at isinalaysay ni Florante kay Aladin ang kanyang buhay simula sa una
hanggang sa naging masama ang kanyang kapalaran.

Si Florante ay ipinanganak sa Albanya. Sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca naman ang kaniyang mga
magulang.

Kung sa Krotona siya ipinanganak, siyudad ng kanyang ina, imbes sa Albanya na siyudad ng kanyang ama
ay mas naging masaya sana siya.

Ang kaniyang ama ay naging tagapayo kay Haring Linceo.


Nakuwento rin niya na kamuntikan na siyang madagit ng isang buwitre habang ito’y natutulog sa kinta nung
siya’y bata pa.

Napasigaw ang kanyang ina, agad itong narinig ni Menalipo at pinatay ang buwitre sa pamamagitan ng
pagpana dito.

Nung si Florante ay siyam na taong gulang, mahilig siyang maglaro sa burol kasama ang kaniyang mga
kaibigan at doo’y namamana ng mga ibon.

Madaling araw palang ay umaalis na ito sa kanila at inaabot ng tanghaling tapat.

Ngunit hindi nagtagal ang mga masasayang alaala ni Florante doon dahil inutos ng kanyang ama na siya’y
umalis sa Albanya.

Talasalitaan:

● Isinalaysay – ikinuwento
● Tagapayo – pribadong tagapayo
● Madagit – makuha
● Buwitre – uri ng ibon na kumakain ng mga bangkay
● Kinta – maliit na daungan (cottage

Kabanata 15: Ang Pangaral sa Magulang (Saknong 197 – 204)

Sinariwa ni Florante ang turo ng magulang na kung mamimihasa ang isang bata sa saya at madaling
pamumuhay ay walang kahihinatnan na ginhawa ito.

Ang mundo ay puno ng kahirapan kung kaya’t dapat ay patibayin ang kalooban dahil kapag ang tao ay di
marunong magtiis, hindi niya mapaglalabanan ang mga pagsubok na hatid ng mundo.

Kung kaya’t ipinadala si Florante sa Atenas nung siya’y bata pa upang doon ay mag-aral. Doon ay
mamumulat ang kaniyang kaisipan sa totoong buhay.

Talasalitaan:

● Sinariwa – inalala
● Mamimihasa – sasanayin
● Kahihinatnan – resulta
● Patibayin – palakasin
● Mamumulat – mabubuksan
Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas (Saknong 205 – 214)

Si Adolfo ay kababayan ni Florante na siyang anak naman ni Konde Sileno. Siya ay mas matanda ng
dalawang taon kumpara kay Florante na labing isang taong gulang.

Si Adolfo ay isang mahinhin na bata at laging nakatungo kung maglakad. Siya’y pinopoon ng kanyang
kamag-aral dahil sa angking katalinuhan at kabaitan.

Ngunit sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nakakaramdam si Florante ng pagkarimarim kay Adolfo kung
kaya’t umiiwas ito sa kanya.

At kahit itago pa ni Adolfo ay batid din ni Florante na ganun din ang nararamdaman nito para sa kanya.

Talasalitaan:

● Mahinhin – marahan
● Nakatungo – nakayuko
● Pinopoon – hinahangaan
● Pagkarimarim – pagkasuklam
● Batid – alam

Kabanata 17: Ang Kataksilan ni Adolfo (Saknong 215 – 231)

Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni Florante. Naging magaling siya sa larangan ng pilosopiya,
astrolohiya, at matematika. Naging matagumpay sa buhay si Florante at si Adolfo naman ay naiwan sa
gitna. Siya ay naging tagapamalita sa Atenas. Naging bukambibig sa taong bayan ang pangalan ni
Florante. Dito na nagsimulang mahubadan si Adolfo ng hiram na kabaitan at ang kahinhinang asal sa
pagkatao ay hindi bukal kay Adolfo.

Talasalitaan:

● Paglaon – paglipas
● Pilosopiya – mga kuro-kuro ng isip
● Astrolohiya – palagay sa mga ipinahihiwatig ng mga bituin sa langit
● Matematika – agham ng mga bilang
● Bukambibig – tao o bagay na siyang laman ng pinag-uusapan
● Kahinhinan – marahan
● Bukal – natural

Kabanata 18: Ang Kamatayan ng Ina ni Florante

(Saknong 232 – 239)

Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas nang makatanggap siya ng isang liham na na nagsasabi na
patay na ang kanyang ina. Parang batis ang kanyang mga mata dahil sa pagluha. Pakiramdam niya ay
nawalan siya ng isang matibay na sandigan at nakikibaka ng mag-isa sa buhay.

Talasalitaan:

● Ginugol – pinaglaanan, ginastos


● Liham – sulat
● Batis – antong tubig na mas maliit kaysa ilog, walang tigil sa pag-agos
● Sandigan – sandalan
● Nakikibaka – nakikipaglaban

Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor kay Florante (Saknong


240 – 253)

BIlin ni Antenor, guro ni Florante na mag-iingat at huwag malilingat sa maaaring gawing paghihiganti ni
Adolfo. Wag padadala sa masayang mukha na ipakita nito sa kanya. Maging mapagmatyag daw ito sa sa
kalaban na palihim siyang titirahin.

Talasalitaan:

● Habilin – payo
● Malilingat – mawala sa pokus
● Mapagmatyag – alerto, mapagbantay
● Palihim – patago
● Titirahin – kakalabanin
Kabanata 20: Pagdating sa Albanya (Saknong 254 – 263)

Pag-ahon ay agad tumuloy sa Kinta. Kung saan ay humalik sa kamay ng kanyang ama. Iniabot ng
ambasador ng bayan ng Krotona ang isang liham kay Duke Briseo. Nakasaad sa liham na humihingi ng
tulong ang lolo ni Florante na hari ng Krotona dahil ito ay napapaligiran ng mga hukbo ni Heral Osmalik. Si
Heneral Osmalik ay taga Persya na pumapangalawa sa kasikatan ni Aladin na isang gerero.

Talasalitaan:

● Kinta – maliit na daungan (cottage)


● Ambasador – sugong kinatawan
● Liham – sulat
● Nakasaad – nakalagay, nakasulat
● Hukbo – grupo ng mga mandirigma
● Gerero – Mandirigma

Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo (Saknong 264 – 274)

Agad nagtungo sina Duke Briseo at Florante kay Haring Linceo ng malaman ang balita na pagbabanta sa
Krotona.

Hindi pa man nakakaakyat sa palasyo ay sinalubong na ang mga ito ni Haring Linceo. Niyakap niya si Duke
Briseo at kinamayan naman si Florante. Nagkwento si Haring Linceo na may nakita siyang gerero sa
kaniyang panaginip, na kamukha ni Florante, na siyang magtatanggol sa kaharian. Tinanong ni Haring
Linceo kay Duke Briseo kung sino ito at kung taga saan ito. Sumagot naman ito na ang kamukhang binata
na iyon ay si Forante, ang anak niya. Sa pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya ito at ginawang
Heneral ng hukbo na tutulong sa Krotona.

Talasalitaan:

● Nagtungo – nagpunta
● Pagbabanta – babala na may halong pananakot
● Gerero – mandirigma
● Pagkamangha – pagkagulat
● Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Kabanata 22: Si Laura (Saknong 275 – 287)

Biglang may natanaw ni Florante na magandang babae. Ang taong di mabibighani sa babaeng ito ay
maituturing na isang bangkay. Ang babaeng ito ang ikinasisira ng pag-iisip ni Florante sa tuwing
magugunita, ito ay si Laura anak ni Haring Linceo. Dahil sa pagkabigla ay hindi makapagbitaw ng salita si
Florante.Mapapansin din sa kaniyang mga mata ang patak ng luha.

Talasalitaan:

● Natanaw – nakita
● Mabibighani – mahuhulog, magkakagusto
● Magugunita – maiisip, maaalala
● Pagkabigla – pagkagulat
● Makapagbitaw – makapagsabi, makapagsalita

Kabanata 23: Pusong Sumisinta (Saknong 288 – 295)

Dahil sa biglaang pagkakita kay Laura, nawala na sa diwa si Florante. Hindi na ito makapag-isip ng maayos
dahil sa hindi inaasahang pagkakita muli sa kanyang mahal na si Laura.

Tatlong araw siyang piniging ng hari sa palasyo ngunit hindi man lang tinignan ni Florante si Laura.

Mas matindi pa ang sakit na dinulot ng pag-ibig kaysa sa sakit ng mawalan ito ng ina.

Mabuti at nabigyan siya ng kaunting pagkakataon na makasama si Laura bago pumunta ang hukbo ni
Florante sa Krotona. Umamin si Florante na mahal pa rin niya si Laura ngunit wala itong sagot. Tumulo ang
isang patak ng luha mula sa mga mata ni Laura.

Malapit ng bumigay si Laura sa mga sinasabi ni Florante ngunit nanaig pa rin ang kanyang isip.

Talasalitaan:

● Diwa – pag-iisip
● Piniging – pagtitipon na may maraming handa (fiesta)
● Dinulot – resulta
● Hukbo – grupo ng mga mandirigma
● Nanaig – nangibabaw

Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Heneral Osmalik

(Saknong 296 – 313)

Inatake ng hukbo ni Florante ang pwersa ng nakapaligid sa buong siyudad at halos bumigay na ang mga
pader nito. Nagkaroon ng matinding labanan at may dumanak na mga dugo. Pinapanood ni Heneral
Osmalik si Florante habang kinakalaban at pinapatay ang pitong hanay ng mga moro. Lumapit ang Heneral
kay Florante na nagniningas ang mga mata at hinamon ito na labanan siya. Umabot sa limang oras ang
kanilang labanan ngunit sa huli ay nasawi rin si Heneral Osmalik. Pinagdiwang ng mga tao sa Krotona ang
tagumpay na laban ni Florante.

Talasalitaan:

● Hukbo – grupo ng mga mandirigma


● Dumanak – umaagos
● Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
● Moro – muslim
● Nagniningas – nagagalit

Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura (Saknong 314 – 323)

Nanatili si Florante sa Krotona ng limang buwan. Gusto na niyang makauwi sa Albanya dahil gusto na ulit
niyang masilayan si Laura. Habang nag mamartsa ang hukbo pauwing Albanya ay nakita nila ang mga
moog ng siyudad. Nakita rin niya ang bandila ng Persiya imbes na bandera ng Kristiyano. May nakita silang
grupo ng mga moro sa paanan ng bundok na may kasamang isang babae na nakatali ang mga kamay at
nakatakip ang mukha.Mukhang papunta sa lugar na kung saan ay pupugutan ng ulo ang babae. Dali-daling
nilusob ni Florante ang morong nagbabantay sa babae at ito ay napatakbo.Sinaklolohan ni Florante ang
babae, tinanggal nito ang mga tali sa kamay at takip sa mukha. Ang babae pala ay si Laura. Napatingin ng
malalim si Laura kay Florante. Ang mga tingin na ito ay siyang nagtanggal ng paghihirap sa puso ni
Florante. Narinig niya ang sinabi ni Laura na “Florante, Mahal ko”.

Talasalitaan:

● Pagsagip – pagligtas, pagtulong


● Masilayan – makita
● Hukbo – grupo ng mga mandirigma
● Moro – muslim
● Nilusob – sinugod
● Moog – napapaligiran ng pader

Florante at Laura Buod Kabanata 26: Pagtataksil ni Adolfo


(Saknong 324 – 343)

Sinabi ni Laura kay Florante na binihag ng mga moro sina Haring Linceo at Duke Briseo.

Nag-utos si Florante na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito sa mga kamay ng mga taga-Persiya.

Nang makapasok sa kaharian ng Albanya ay agad dumiretso sa kulungan at pinalaya si Haring Linceo at
Duke Briseo.

Pinalaya na rin niya pati si Adolfo mula sa pagkakakulong dahil sa bukal na kagandahan ng loob. Muling
nagdiwang ang lahat ng tao dahil lubos sa pagpapasalamat nila kay Florante, maliban kay Adolfo. Nais
pakasalan ni Adolfo si Laura dahil sa intensyon nitong makuha ang posisyon ng pagiging hari sa Albanya.

Naramdaman din niyang mahal ni Laura si Florante kaya mas lalo itong nainggit. Nagdaan ang panahon at
nakaranas pa din ng pagsalakay ang Albanya katulad ng hukbo mula sa Turkiya at marami pang digmaan.

Ngunit dahil si Florante ang inaatasang maging heneral ay napapagtagumpayan nito ang lahat ng laban.
Pagkatapos ng isa pang laban sa Etolia, nakatanggap siya ng liham mula kay Haring Linceo na
nagsasabing bumalik na siya sa Albanya. Ipinasa ni Florante kay Menandro ang pamamahala sa hukbo sa
Etolia.

Laking gulat ni Florante ng makita niyang pinaliligiran siya ng 30,000 mga sundalo sa kanyang pag-uwi at
agad itong nilagyan ng gapos at ikinulong. Labis ang pagkagulat at pagkalungkot ng malaman niyang
pinatay nito sila Haring Linceo at Duke Briseo. Nasilaw si Adolfo sa kasikatan at kinain ng galit at inggit kay
Florante, kaya puro paghihiganti ang nasa isip nito at pagpatay kay Florante.

Talasalitaan:

● Binihag – ikinulong, ibinilanggo


● Lusubin – sugurin
● Bukal – natural
● Pagsalakay – pagsugod, paglusob
● Hukbo – grupo ng mga mandirigma
● Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
● Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
● Liham – sulat
● Gapos – tali

Kabanata 27: Nagsalaysay si Aladin (Saknong 344 – 360)

Labing walong araw na si Florante sa bilangguan. Gabi ng kinuha siya sa kulungan pagkatapos ay dinala ito
sa gubat at iginapos sa puno. Dalawang araw naman ang lumipas bago ito muling magising. Pagdilat niya
ay ayun siya sa kandungan ni Aladin. Nagpakilala si Aladin bilang taga-Persiya na anak ni Sultan Ali Adab.
Sinubukan niyang ikwento ang tungkol kay Flerida at kanyang ama ngunit naunahan ito ng kanyang mga
luha.

Minsan na ring nakaranas si Aladin ng madaming giyera ngunit mas nahirapan siya kay Flerida. Masuwerte
siya sa matagumpay na panliligaw kay Flerida ngunit pumasok naman sa eksena ang kanyang ama.

Kaya kahit nagtagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi parin siya sa Persiya na parang bilanggo.
Nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania kaya kinakailangan na pugutan si Aladin.

May dumating na Heneral sa kulangan nito bago pa man ito pugutan. Ang Heneral ay may dala-dalang
balita na hindi na raw pupugutan ito ng ulo ngunit kailangan niyang umalis sa Persiya.

Ang balitang ito ang lalong nagpahirap kay Aladin dahil mas nanaisin nalang niyang pugutan ng ulo kaysa
sa mabuhay nang alam naman niyang may kasamang iba ang mahal niyang si Flerida.

Talasalitaan:

● Nagsalaysay – nagkuwento
● Bilangguan – kulungan
● Iginapos – itinali
● Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
● Nanaisin – gugustuhin

Kabanata 28: Si Flerida (Saknong 361 – 369)

Nang malaman ni Flerida na pupugutan ng ulo si Aladin ay nagmakaawa at lumuhod ito sa paanan ng
masamang hari na si Sultan Ali Adab. Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni Flerida ang
pagmamahal nito ay hindi nito papatawarin si Aladin at tutuluyan na mapugutan.

Dahil sa takot na mamatay si Aladin ay pumayag na ito sa kagustuhan ng sultan. Natuwa ang sultan sa
naging desisyon ni Flerida kaya napahinunod niya ito at pinakawalan. Ngunit katulad ng napag-usapan ay
pinalayas niya ito sa Persiya. Sobra ang pagdurusa ni Flerida sa pagkawala ni Aladin. Pinaghandaan ng
buong Persiya ang kasal nina Flerida at ng sultan. Bago pa man maikasal ay naisipan na ni Flerida na mag
damit ng pang sundalo at tumakas sa palasyo. Pagala-gala si Flerida sa gubat ng halos ilang taon,
hanggang sa isang araw ay naabutan niyang pinupwersa ni Konde Adolfo si Laura.

Talasalitaan:

● Napahinunod – napapayag
● Pinalayas – pinaalis
● Pagdurusa – paghihirap
● Tumakas – umalis o lumayo ng walang paalam
● Naabutan – nadatnan

Kabanata 29: Mga Sanaysay ni Laura at Flerida

(Saknong 370 – 392)

Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan ni Flerida at Laura ay biglang dumating sina Prinsipe Aladin at Duke
Florante. Galak na galak ang mga ito dahil kilala nila ang mga boses ng mga nagsasalita. Tuwang-tuwa si
Florante ng makita niya si Laura. Masayang-masaya ang apat dahil nakasama nila ang kanilang mga
minamahal.

Nagkwento si Laura na nung umalis daw si Florante sa Albanya ay kumalat ang sabi-sabi na may
nagaganap na kaguluhan sa kaharian. Ngunit ‘di matukoy kung ano ang pinagmulan nito. Ang paniniwala
ng mga tao ay si Haring Linceo ay nagmomonopolya sa mga pagkain at trigo ngunit si Adolfo pala ang
nag-uutos ng pagkubkob sa pagkain. Agad na pinatalsik ng taumbayan si Haring Linceo sa trono at
pinugutan ito. Umakyat sa trono si Adolfo at binalaan niya si Laura na papatayin ito kung hindi susundin ang
gusto. Nagkunwaring gusto na ni Laura si Adolfo para makahanap ng paraan para masulatan si Florante at
ikwento ang nangyari sa Albanya habang wala ito. Ngunit huwad na sulat na may selya ng hari ang
natanggap ni Florante. Nakasaad doon na umuwi siya ng mag-isa sa Albanya at iwan ang hukbo kay
Menandro. Samantalang ang sulat ni Laura ay nakarating naman kay Menandro kaya agad itong sumugod
kasama ang kanilang hukbo pabalik ng Albanya. Tumakas si Adolfo at dinala si Laura sa gubat. Dito na
naabutan ni Flerida ang pagsasamantala ni Adolfo kay Laura. Pagkatapos ay si Flerida naman ang
nagkwento, nung dumating daw siya sa gubat ay may narinig siyang boses ng babae na sinasaktan.
Pinuntahan niya kung saan nagmula ang ungol at nakita niyang si Laura pala iyon na pinipilit ni Adolfo.
Pinaliparan ni Flerida ng palaso si Adolfo.

Talasalitaan:

● Monopolyo – uri ng kalakaran na kung saan ay isang kumpanya lang ang nagbibigay ng isang partikular
na produkto o serbisyo
● Trigo – uri ng bigas na ginagawang harina
● Pagkubkob – pagsalakay
● Tunod – shaft
● Palaso – arrow

Kabanata 30: Wakas

Sa pagkukuwento ni Flerida ay biglang dumating si Menandro. Labis ang tuwa ng makita niya si Florante.
Nagdiwang din ang mga ehersito mula sa Etolia. Pagkalaon ay dinala ang apat sa kaharian ng Albanya.
Nagpabinyag sina Aladin at Flerida bilang isang Kristiyano at nagpakasal. Nasawi si Sultan Ali Adab kaya
bumalik na si Aladin sa Persia.

Bumalik ang kaayusan sa kaharian dahil sa bagong pamumuno ng bagong hari at reyna na sina Duke
Florante at Reyna Laura.

Talasalitaan:

● Nagdiwang – nagsaya
● Ehersito – hukbo, military
● Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
● Nasawi – namatay
● Pamumuno – pagpapatakbo

https://drive.google.com/drive/u/1/folders/17aPOleYnxZStq1qPbm7J9VayFfKAG40o60VE_7MZ5Y5sVOv
ti7fSyx2eqHtmbP_eggbvku0I

You might also like