You are on page 1of 4

PAGBASA

KAHULUGAN

- Ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan o hakbang ng pagsasagawa ng isang gawain at pag-iisa-isa ng


mga pangyayari.

Nagiging mas maayos, malinaw, at naiiwasan ang anumang kalituhan sa tulong ng mga tekstong
prosidyural. Ito ay tungkol sa mga Gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.

SEKWENSYAL

Ang sekwensyal ay tumutukoy sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga bagay o gawaing


magkakaugnay sa isa’t isa.

Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo, pang-apat, kasunod.

Halimbawa:
Mga kaganapan sa Pelikula, Mga plot sa nobela

KRONOLOHIKAL

Ang kronolohikal ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pahayag.

Ang paksa nito ay ang tao o kung ano pa na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na
baryabol.

Kinapapalooban ito ng mga mahahalagang pangyayari at impormasyon.

Ginagamit ayon sa petsa gaya ng tiyak na petsa o taon.

Halimbawa:
Pagkakasunod-sunod ng mga nagging Presidente ng Pilipinas

LAYUNIN

- Makapagbigay ng maayos na panuto ukol sa pagkakasunod-sunod ng isang gawain


- Maglahad ng detalyadong mga hakbang sa pagsagawa ng naturang gawain
- Gabayan ang mambabasa sa maayos at tamang paggawa ng gawaing pinag-uusapan

MGA BAHAGI NG TEKSTONG PROSIDYURAL


1. Inaasahan o Target na awtput
- Ang nilalaman ng bahaging ito ay ang kakalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
Maaaring ilarawan ang tiyak na katangian ng isang bagay o katangian ng isang uri ng trabaho o ugali ng
inaasahang empleyado.
2. Mga Kagamitan
- Nakapaloob sa bahaging ito ang mga kasangkapan at kagamitan na kailangan upang maisagawa ang
proyekto.

3. Metodo (paraan)
- Ito ay serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.

4. Ebalwasyon
- Ito’y naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na
isinasagawa.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG PROSIDYURAL

1. Layunin ng May-Akda – Sapagkat ang ugat ng paggawa ng teksto ay ang pagpapadali sa buhay
ng mga mambabasa sa pamamagitan ng pagtulong at paggabay sa isang gawain, dapat
isaalang-alang ng may-akda ang gumawa ng isang tekstong may sunod-sunod na direksyon na
malinis at hindi nagkakagulo ang eksplanasyon.
2. Pangunahing Ideya – Ito ang ideyang nakapaloob sa teksto. Importanteng isa lamang ito at
kaagad na nasabi sa unang talata o sa pamagat ng teksto upang hindi maguluhan ang
mambabasa at alam nito ang pakay ng teksto.
3. Mga Estilo – Ang pamamaraan ng may-akda sa pagsusulat at pagbibigay ng kaalaman. Ito ang
iba-iba sa mga may-akda na ang layunin ay manghikayat ng mga mambabasa. 
4. Paggamit ng Larawan – Sa kadahilanang hindi lahat ng mga mambabasa’y may matalas na
imahinasyon, makapagbibigay ang paglalagay ng larawan na nagpapakita ng
kasalukuyang set-up sa pagpapadali sa pag-intindi ng mga mambabasa. Ito rin ang nagdadala
ng buhay sa isang artikulo, lalo na kapag ito ay komplikado o mahirap.
5. Pagbibigay Diin – Kahit na ang lahat ng mga panuto’y dapat sundin, may mga panutong
kinakailangang bigyan ng importansya sapagkat kapag sila’y nakaligtaan ay may malaki itong
epekto sa kabuuang resulta. Upang hindi ito makalimutan, kinakailangan bigyan ng diin ang
mga panutong ito.
6. Pagbibigay ng Sanggunian – Ang pagdadagdag ng sanggunian ay nakadadagdag sa kredibilidad
ng isang artikulo o talata. Kinakailangan ito upang mas mahikayat ang mambabasa na
makatotohanan ang isang akda, lalo pa’t nagbibigay ito ng panuto.

Iba't ibang uri ng Tekstong prosidyural

• Paraan ng pagluluto ( Recipe) - Ito ang nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto.  Sa
paraan ng pagluluto kailangan ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaaring ito ay
maipakita rin ng mga larawan.

• Panuto (Instructions) - Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa ang isang bagay.

• Panuntunan sa mga laro ( Rules for Games) - Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang
sundun.
• Manwal - Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin, at patakbuhin ang isang bagay.
Karaniwang nakikita sa mga bagay na may kuryente.

•  Mga eksperimento - Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin alam.
Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensa kaya naman kailangang maisulat ito sa madaling
intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasawa ng gawain.

• Pagbibigay ng direksyon - Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para makarating sa nais
na destinasyon ang ating ginagabayan.

Halimbawa ng Teksong Prosidyural

1. Recipe ng Coffee Jelly

2. Recipe ng Adobong Manok

3. Paano patakbuhin ang kotse

4. Paano gumawa ng lamesa

5. Paano gumawa ng DIY explosion box

6. Paano maghanda ng chicken buffet

Paalala sa paggawa ng magandang tekstong prosiduryal: 

1. Alamin ang demograpiya at katangian ng mga mambabasa upang maiayon ang pagsusulat.
2. Gumamit ng heading, subheading, number, diagram, at photos. 
3. Maiaaplay sa makabagong panahon.
4. Nakaposisyon sa tiyak na pandiwa.
5. Paggamit ng malinaw na pang-ugnay ng mga salita at ideya.
6. Detalyado ang mga panuto. 

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG


1. Magbigay ng tiyak at matapat na impormasyon na hango sa katotohanan at hindi mula sa sariling
opinyon.

2. Tandaan ang paglalahad ng mga impormasyon ay kailannagng nakapagtuturo at nakapagbibigay ng


aral sa mambabasa.

3. Magbigay ng pantay na pagtingin, ibahagi ang kahinaan at kalakasan ng dalawang bagay.

4. Iwasan ang paulit-ulit na paliwanag at gawing tiyak ang pagpapahayag ng mga kaisipan sa pinaka
pangunahing paksa.
5. Kailangang maging malinaw ang paglalahad ng layunin upang madaling matutunan ng mga
mambabasa.

You might also like