You are on page 1of 17

TEKSTONG

PROSIDYURAL
BY: GROUP 6
MGA LAYUNIN
• Nakatutukoy ng pagkakasunod-sunod ng
paraan ng paggawa ng isang bagay.
• Nakapagpakita ng sariling kakayahan at
husay sa pagbuo at pag-oorganisa ng isang
bagay at
• Nakapagpaliwanag ng mga element ng isang
tekstong prosidyural.
Ang TEKSTONG PROSIDYURAL ay nagbibigay ng
panuto o direksiyon kung paano gawin ang isang bagay.
Para sa mga mag-aaral, laging ginagamit ang tekstong
prosidyural sa mga gawaing pam-paaralan. May mga
tekstong prosidyural sa asignaturang Edyukasyong
Pantahanan para sundan ang resipi ng isang putahe.
May mga tekstong prosidyural sa Agham kapag
magsasagawa ng eksperimento. Mayroon din sa
Teknolohiya kapag bubuo ng programa sa kompyuter.
Makakatagpo rin ng tekstong prosidyural kapang
kailangang unawain ang mga panuto sa paggawa ng
iba’t ibang proyekto sa tahanan.
ANO ANG TEKSTONG
PROSIDYURAL
Ang tekstong prosidyural ay nagbibigay ng
panuto kung paano gawin ang isang bagay.
Nagsasaad din ito ng mga impormasyon o mga
direksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay at
maayos na maisakatuparan ang mga gawain.
May tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga
hakbang na dapat sundin upang matagumpay
na magawa ang anumang gawain.
Magagamit ang Tekstong Prosidyural sa
tatlong iba’t ibang pagkakataon

UNA
Pagpapliwanag
kung paano
gumagana o paano
pagaganahin ang
isang kasangkapan
batay sa ipinapakita
sa manwal.
PANGALAWA
Sa pagsasabi ng
hakbang kung paano
gawin ang isang bagay
o gawain tulad ng
makikita sa mga resipi,
mekaniks ng laro,
alituntunin ng kalsada
at mga eksperimentong
siyentipiko.
PANGHULI
Sa paglalarawan kung
paano makakamit ang
ninanais na kalagayan
sa buhay, tulad
halimbawa ng kung
paano magiging
masaya, kung paano
magtagumpaysa
buhay at iba pa.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin
o akdang gumagamit ng tekstong
prosidyural:

• Manwal sa paggamit ng isang


kasangkapan o mekanismo
• Resipi
• Gabay sa paggawa ng mga
proyekto
• Mga eksperimentong
siyentipiko
• Mekaniks sa laro
• Alituntunin sa kalsada
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
PROSIDYURAL

Binubuo ng tatlong pangunahing


elemento ang tekstong prosidyural –
layunin, kagamitan o materyales at
mga hakbang.
LAYUNIN
Kadalasang mahihinuha na agad sa pamagat pa
lamang ang layunin ng tekstong prosidyural, ngunit hindi
sa lahat ng pagkakataon. Ang layunin nito ay
kadalasang tumutukoy sa kalalabasan o bunga ng
dapat matamo pagkatapos magawa nang wasto ang
lahat ng hakbang. Kung kaya dapat malinaw na
nakasaad sa teksto ang layunin at ang bawat panutong
dapat sundan upang maisakatuparan ang inaasahang
epekto sa mambabasa. Isa na nga rito ang makasunod
nang maayos sa direksiyon at mga hakbang na
inilalahad at mabuo ang inaasahang bagay.
KAGAMITAN O MATERYALES
Nakalista sa pinakaunang bahagi ng tekstong prosidyural ang mga
kagamitan, kung minsan ay mga kasanayan o kakayahan, na
gagamitin sa bawat gagawing hakbang. Nakalista ang kagamitan
ayon sa pagkakasunod-sunod ng paggamit sa mga ito. Nauuna sa
listahan ang mga unang gagamitin hanggang sa panghuli.
Sa mga tekstong prosidyural tulad ng resipi, ang mga gagamiting
sahog ang nakalagay bilang kagamitan at nakalahad din ang
eksaktong sukat ng mga ito. Hindi na kailangang ilagay ang mga
kasangkapan sa pagluluto dahil inaasahang alam na iyon ng
mambabasa at bahagi ng gagawing hakbang. Kung minsan naman ay
ipinahihiwatig na rin sa mga hakbang kung anong kasangkapan ang
mga gagamitin habang ipinapaliwanag ang paraan ng paggawa para
sa ibang uri ng tekstong prosdiyural.
HAKBANG
• Ang mga hakbang ang pinakamahalagang bahagi ng tekstong
prosidyural. Sa bahaging ito nakalahad ang mga panuto kung
paano gagawin ang buong proseso upang makamit ang layunin.
• Upang maihanay nang maayos ang mga susundang panuto,
kailangan ng isang matibay na hulwaran ng daloy ng mga
gagawin at sunod-sunod na impormasyon nito.Makatutulong
ang paggamit ng mga salitang una, ikalawa at huli sa halip ng
laging paggamit ng salitang sunod. Siguradong nasa wastong
pagkakasunod-sunod ang mga pangungusap batay na rin sa
pagkasunod-sunod ng mga hakbang. Ang pagkakamali ng
isang panuto, halimbawa, ay magbubunga ng mali o di-
kumpletong proyekto. Maaring gumagamit ng numero, bullet o
mga pang-ugnay na nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod
upang madaling sundan ang mga panuto.
TULONG NA LARAWAN
• Ang paglalagay ng tulong na larawan ay
nagsisilbing gabay sa mambabasa upang
maging mas mabilis at masiguradong
wasto ang pagsunod sa isang hakbang
dahil maikukumpara ng mambabasa ang
kaniyang ginagawa sa tulong na larawan.
Sa ibang teksto, iniiwasan naman ito
upang higit na masubukan ang talino at
husay ng babasa sa pagsunod sa teksto.
GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG
PROSIDYURAL
Ano ang layunin ng teksto?
Malinaw bang naipahayag ang layunin ng teksto
Ano-anong kagamitan ang kinakailangan sa
pagsasagawa ng mga panuto?
May nakasaad bang paglalarawan ng mga
kagamitang dapat gamitin?
Nakatulong ba ang paglalarawan ng mga kagamitan
upang mas mabisang magawa ang mga hakbang?
Nasa wastong pagkakasunod-sunod ba ang mga
hakbang?
MGA PAALALA SA PAGSULAT NG
TEKSTONG PROSIDYURAL
Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, mahalagang matukoy
sa simula kung sino ang target na mamababasa kaugnay ng
uri ng tekstong isinulat. Kailangang tingnan ang wikang
gagamitin upang makamit ang layunin. Anong uri ng
tekstong prosidyural ang isusulat? Isaalang-alang ang
pagkakaiba-iba ng mga mambabasa ayon sa kanilang edad,
propesyon, antas ng pamumuhay, at personalidad. Ang
mga ito ang magsisilbing batayan kung anong antas ng
wika ang gagamitin sa pagsulat at kung gaano kadetalyado
ipaliliwanag ang hakbang. Kaugnay rin ng uri ng ng
tekstong prosidyural na isusulat, tukuyin kung ano ang
magiging anyo ng teksto. Ito ba ay de-numero o sa anyong
talata?
• Pagkatapos matukoy ang estilo ng pagsulat ng teksto, alalahanin ang mga
katangiang dapat taglayin ng tekstong prosidyural.

• Umisip ng pamagat na nagpapahiwatig ng layunin ng tekstong prosidyural. Kung


patala ang anyo ng tekstong isusulat, banggitin sa simula ang layunin upang
maging malinaw ito sa mambabasa. Sunoa na ibigay ang ang kagamitang
kakailanganin. Magbanggit din ng mga detalye o paglalarawan tungkol sa
kagamitan.

• Para sa mismong pagsulat ng mga panuto, siguruhing nakalahad nang wasto ang
mga panuto. Planuhin kung ilang hakbang ang aabutin ng proseso. Ipaliwanag
ito nang mabuti at gumamit ng mga salitang kilos sa pagbibigay ng panuto.
Magagmit ang ilang paraan ng pagsulat ng tekstong naratibo at deskriptibo sa
pagpapaliwanag ng gawin. Bukod sa mga hakbang magbigay rin ng mga tala o
karagdagang detalye/impormasyon tungkol sa kalalabasan ng bawat hakbang
tungo sa susunod, o kung saang bahagi dapat mag-ingat o may dapat isaalang-
alang upang matiyak na masusunod nang wasto ang mga hakbang.
PAGLINANG NG TALASALITAAN
• Hindi laging ipinapayo na sumangguni agad sa tuwing may mababasang salitang hindi
pamilyar. Pansamantalang lagyan ng marka ang salita gamit ang lapis at ipagpatuloy ang
pagbabasa. Subukin ang ganitong paraan at subukang ‘’hulaan’’ang posibleng kahulugan ng
salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

• Una, bigkasin ang salita. Madalas na nagkakaroon ng ideya o nakikilala ang kahulugan ng salita
kapag narinig na ito.

• Ikalawa, suriin ang estruktura ng salita. Tingnan kung pamilyar ang ilang bahagi ng salita.
Maaring matukoy ang kahulugan sa pamamagitan ng mga panlaping nakakabit sa salita.

• Sunod ay tingnan ang konteksto. Hulaan ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito
sa loob ng pangungusap. Maaari ring makakuha ng ideya mula sasusunod na pahayag.

• Matapos gawin ang mga nabanggit na paraan at hindi pa rin makuha ang kahulugan,
sumangguni sa diksiyunaryo. Tumingin din sa glosari ng aklat.

• Isulat ang kasingkahulugan o anumang karagdagang impormasyon sa gilid ng aklat gamit ang
lapis. Makakatulong ito sa mas malalim na pag-unawa sa binabasa.

You might also like