You are on page 1of 21

ALAM MO BA?

Ang DoItYourself.com ay isa sa mga


nangungunang web site na tumutulong sa mga
nais magkumpuni at magpaganda ng sariling
bahay. Ang mga taong sumasangguni rito ay
hindi na kumukuha ng mga ekspertong
susuwelduhan at sa halip, sila na mismo ang
gumagawa. Pinarangalan ang web site na ito
ng Time Magazine bilang “ One of the Top 50
Sites in the World.”
ALAM MO BA?
Maliban sa napakarami at napakalawak na paksa at
iba’t ibang bagay na matututuhan mula sa site na
ito, ay mayroon din itong mga forum na
nagbibigay-daan upang makipag-ugnayan ang mga
bumubisita sa web site sa kapwa nilang nagnanais
ding gamitin ang web site upang matutong
magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay.
Binibigyan din sila ng pagkakataong humingi ng
payo sa mga eksperto.
ALAM MO BA?
 Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong
tumulong sa mga mamimili na makakuha ng mga
impormasyon sa pagkukumpuni ng bahay. Sa
kasalukuyan, ang DoItYourself site ay binibisita bawat
buwan ng limang milyong tao mula sa iba’t iban bansa.
Dito, nakapupulot sila ng mga prosidyur kung paano
gawin ang mga bagay na kailangan nilang malaman sa
pagkukumpuni. Pinadadali nito ang kanilang gawain sa
buhay dahil sa isang klik lang ay mababasa at kung
minsa’y mapapanood pa ang mga paraan kung paano
gawin ang isang bagay.
TEKSTONG
PROSIDYURAL
TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN

Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na


pagkakasunod –sunod ng paglalahad ng mga
pangyayari upang hindi makalikha ng anumang
kalituhan.
Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
mula sa una hanggang sa huling detalye ay
makatutulong upang higit nating maunawaan ang
mga napakikinggan o nababasa.
TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN
Tumutukoy ang prosidyural sa pagsusunod-sunod
ng mga hakbang o prosesong isasagawa.
Halimbawa ng tekstong prosidyural ang pagbuo ng
isang proseso o laro, resipi sa pagluluto, proseso sa
pagkukumpuni ng mga kagamitang elektrikal, ang
mga hakbang sa laboratory habang nagsasagawa ng
eksperimento upang makakuha ng magandang
resulta, ang pagbibigay ng direksiyon o tuntunin, at
pagbibigay ng direksiyon o panuto.
TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN
 Ginagamit ang teksto ng mga paraan sa pagpapaliwanag ng
isang proseso na maingat na ipinapakita ang bawat hakbang
habang tinitiyak na walang nakaligtaang hakbang sa kabuuan
ng proseso.
 Karaniwan nang anyo ng teksto ng mga paraan ang pagbibigay
ng mga panuto kung paano gagawin ang isang bagay,
Kadalasan itong nakikita ng mga mag-aaral sa mga asignatura
tulad ng Home Economics (resipi), Agham ( eksperiminto),
Teknolohiya ( kung paano…), Art ( paggawa ng proyekto) , at
PE ( pagsagawa ng ehersisyo, sayaw, o isports).
TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN
 Layunin ng teksto ng mga paraan na magbigay ng mga
impormasyon at direksiyon upang matagumpay upang
matagumpay na matapos ng mga tao ang mga gawain nang
ligtas, epektibo, at tama.
 Maraming mag-aaral ang nagtratrabaho sa mga lugar kung
saan gumagamit ng mga manwal hinggil sa paraan ng
paggamit ng makina. Ang mga pagsasanay sa pamamagitan
ng teksto ng mga paraan ay makatutulong upang maging
matagumpay sila sa pagsusunod-sunod ng mga panuto at
maging epektibo sa paggawa ng kanilang mga gawain.
TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN

Sa hulwarang pagsusunod-sunod, natataya naman


ng mga mambabasa o mga nakikinig ang
pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Nahahati ito
sa tatlong uri:
1. Sekwensiyal
2. Kronolohikal
3. Prosidyural
TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN
 Sekwensiyal- Naiiba ang prosidyural dahil binabanggit sa
sekwensiyal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
isang salaysay na ginagamitan ng salitang “una,”
“pangalawa,” pangatlo,” “susunod” at iba pa.
 Kronolohikal- Pinagsusunod-sunod ang mahahalagang
detalye ayon sa pagkaganap nito.Karaniwang gumagamit ng
mga tiyak na araw o petsa upang ipabatid sa mga
mambabasa o mga tagapakinig kung kailan naganap ang
mga naturang pangyayari. Malimit gamitin ang mga ito sa
paggawa ng talaarawan o diary.
TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN

Prosidyural- Pinagsusunod-sunod ang mga


hakbang o prosesong isasagawa. Katulad nito ang
mga resipi sa pagluluto, proseso sa pagkukumpuni
ng mga kagamitang elektrikal, at iba pa.
TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN
Ginagamit din sa teksto ng mga paraan ang pag-iisa-isa o
enumerasyon ng mga hakbang at proseso upang
maipaliwanag ang resipi sa pagluluto halimbawa o mga
detalye ng anomang gawain. Dito ay kailangang matiyak
kung ang mga kagamitan o aytem na kakailanganin ay
magkakasunod-sunod. Pakaisiping sa isang proseso,
dapat ay may maayos itong pagkakasunod-sunod
samantalang kung sa detalye naman, maiisa-isa ito ayon
sa pagkakatanda ng mga nagsasagawa nito.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG TEKSTO
NG MGA PARAAN
1. Layunin - Ano ang gusto mong
matamo sa iyong sulatin? Magbigay ng
malinaw na panuto upang buong tiwalang
maisasagawa ng mga mambabasa o mga
nakikinig ang isang gawain.
2. Tagatanggap - Para kanino ka
nagsusulat? Sa guro ba, mga kapwa-mag-
aaral, grupo ba?
3. Pagkakakilanlan - Sumusulat ka ba
bilang awtoridad o eksperto sa paksa?
MGA KATANGIAN NG
MABISANG TEKSTO NG
MGA PARAAN
 Layunin ng teksto ng mga paraan na ipabatid sa mga
mambabasa o mga nakikinig kung paano gawin ang isang bagay.
Inilalahad ang mga impormasyon sa lohikal na pagkakaayos ng
mga pangyayari at nahahati sa mas maliliit pang detalye.
Kadalasang binubuo ng apat na bahagi ang isang proseso.
1. Layunin – Ano ang dapat gawin?
2. Mga kagamitan- Nakatala ito ayon sa pagkakasunod-sunod
ng gamit nito sa proseso.
3. Metodo- Ito ang mga pamamaraan o serye ng mga hakbang .
4. Ebalwasyon- Paano masusukatang tagumpay ng isang
pamamaraan o paraan?
MGA GABAY SA
PAGSULAT NG TEKSTO
NG MGA PARAAN
1. Karaniwan nang isinusulat ang teksto sa simple at
pangkasulukuyang panahon.
2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa sarili (una, kunin mo”
sa halip na “una, kukunin ko”. Ang tinutukoy sa pangkalahatan
ay ang mambabasa.
3. Gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos ( putulin,
hatiin, tupiin, hawakan, kunin, at iba pa.)
4. Gumamit ng cohesive devices upang mapagdugtong ang mga
teksto.
5. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong paglalarawan ng mga
bagay ( hugis, laki, kulay, dami).
LAYON MGA COHESIVE DEVICES
1. Pagdaragdag -ganoon din/Gayundin
-At/ at saka
- Bilang karagdagan/dagdag pa rito/riyan/roon
2. Kabawasan sa Kabuuan - Maliban sa/ sa mga/ kay/ kina
- Bukod sa/ sa mga/ kay/ kina

3. Halimbawa -Bilang halimbawa


-Ilan sa mga halimbawa

4. Pag-uugnayan ng mga pangungusap -Kaugnayan nito/niyan


o talata -Ilan sa mga halimbawa

5. Pagsusunuran ng kalagayan o -Kasunod nito


pangyayari -Kasunod niyan
• Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Maecenas
porttitor congue massa. Fusce posuere, magna sed pulvinar ultricies,
purus lectus malesuada libero, sit amet commodo magna eros quis
urna.
• Nunc viverra imperdiet enim. Fusce est. Vivamus a tellus.
• Pellentesque habitant morbi tristique senectus et netus et malesuada
fames ac turpis egestas. Proin pharetra nonummy pede. Mauris et
orci.

You might also like