You are on page 1of 4

MODYUL 8: ARALIN 8 TEKSTONG

PROSIDYURAL

Abstraksiyon (Talakayin natin!)

Tatalakayin rito ang tekstong naratibo na tumutukoy sa kahulugan, elemento at katangian ng


pagsasalaysay.

TEKSTONG PROSIDYURAL

Kahulugan

Sa tekstong prosidyural ito ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso
sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksiyon upang ligtas, mabilis,
matagumpay, at maayos na maisakatuparan ang mga gawain. May tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga
hakbang na dapat sundin upang magtagumpay na magawa ang anumang gawain.

Magagamit ang tekstong prosidyural sa tatlong iba’t ibang pagkakataon

1. Pagpapaliwanag kung paano gumagana o paano pagaganahin ang isang kasangkapan batay saipinapakita
sa manwal.

2. Pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang isang bagay o gawain tulad ng makikita sa mga resipi, mekaniks ng
laro, alituntunin sa kalsada, at mga eksperimentong siyentipiko.

3. Paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa buhay, tulad halimbawa ng kung paano
magiging masaya, kung paano magtatagumpay sa buhay at iba pa.

MGA AKDANG GUMAGAMIT NG TEKSTONG PROSIDYURAL

Manwal sa paggamit ng isang kasangkapan o mekanismo

2. Resipi
3. Gabay sa paggawa ng mga proyekto
4. Mga eksperimentong siyentipiko
5. Mekaniks ng laro
6. Mga alituntunin sa kalsada

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG PROSIDYURAL

1. Layunin
- Kadalasang tumutukoy sa kalalabasan o bunga na dapat matamo pagkatapos nang wasto ang lahat ng hakbang.
Kung kaya dapat na malinaw na nakasaad sa teksto ng layunin at ang bawat panutong dapat sundan upang
maisakatuparan ang inaasahang epekto sa mambabasa.

2. Kagamitan

1
– Nakalista sa pinakaunang bahagi ng tekstong prosidyural ang mga kagamitan, kung minsan ay mga kasanayan o
kakayahan, na gagamitin sa bawat gagawing hakbang. Nakalista ang kagamitan ayon sa pagkakasunod-sunod ng
paggamit sa mga ito. Nauuna sa listahan ang mga unang gagamitin hanggang sa panghuli.

3. Mga Hakbang
- Ang mga hakbang ang pinakamahalagang bahagi ng tekstong prosidyural. Sa bahaging ito nakalahad ang mga
panuto kung paano gagawin ang buong proseso upang makamit ang layunin. Upang maihanay nang maayos ang mga
susundang panuto, kailangan ng isang matibay na hulwaran ng daloy ng mga gagawin at sunodsunod na impormasyon
nito. Makatulong ang paggamit ng mga salitang una, ikalawa, ikatlo, at huli sa halip ng laging paggamit ng salitang
sunod. Siguraduhing nasa wastong pagkakasunod
– sunod ang mga pangungusap batay na rin sa pagkakasunod-sunod ng mga hakbang. Ang pagkakamali ng isang
panuto, halimbawa ay magbubunga ng mali o di-kumpletong proyekto. Maaring gumamit ng numero, bullet, o mga
pang-ugnay na nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod upang madaling sundan ang mga panuto.

4. tulong na larawan
-ang paglalagay ng tulong na larawan ay nagsisilbing gabay sa mambabasa upang maging mas mabilis at
masigurong wasto ang pagkasunod-sunod na hakbangin dahil naikukumpara ng mambabasa an gang kaniyang
ginagawa sa tulong nito. Sa ibang teksto, iniiwasan naman ito upang higit na masubukan ang husay ng mga mag-
aaral sa pagsunod sa teksto.

HAIMBAWA NG TEKSTONG PROSIDYURAL

Paano Magluto ng Puto.

2
MGA SANGKAP

2 cups All Purpose Flour, sinala sa strainer

• 2 tbsp Baking Powder, sinala sa strainer


• 2 Eggs
• 3 drops* Vanilla Flavor (Green Leaves brand)
• 1 cup sugar
• 7 tbsp butter (Anchor)
3/4 cup Evaporated Milk

• 1 cup Water

• Cheddar CheesE

3
PARAAN

1. Sa isang maliit na bowl, tunawin ang isang stick na butter sa microwave (30-40 seconds) or tunawin sa kalan at
gumamit ng isang sauce pan. Kailangan po natin ng 7 tbsp na tunaw na butter

2. Isalin ang tinunaw na butter sa isang large bowl, ilagay ang 2 eggs at 1/2 cup na asukal. Gumamit at haluin ng whisk
or beater. Pagkatapos ihalo na po ang 1 cup evaporated milk, plus a pinch of salt.

Idagdag at ihalo ang 2 cups ng all purpose flour at 2 tbsp ng baking powder. Haluin mabuti at idagdag ang vanilla
flavork at unti unting idagdag ang 1 cup na tubig.

4. Ang lapot po ng mixture natin ay dapat katulad ng sa pancake batter. Sakto lamang po ang halo at hindi dapat
kulangin or sumobra sa halo para hindi mawala ang mga bubbles or hangin sa batter or mixture. Ginamitan ko po
ng electric hand mixer kaya mabula sya. Kapag mabula po, mas magiging fluffy or maalsa ang puto.

5. Dahan dahan ibuhos ang puto batter sa puto moldings. Huwag po itong pupunuin, mga 3/4 lamang ng molding.
Dahil aalsa pa po ang puto. ilagay sa ibabaw ang hiniwang keso, dapat parihaba at hiniwa ng magkakasukat.
Isantabi muna.

6. Ihanda ang steamer, lagyan ng tubig ang ibabang bahagi ng steamer. Pakuluin.
7. Kapag kumukulo na ang tubig, saka ipatong ang tray ng steamer kasama ng mga nakasalansang na puto molds na
may mixture.

8. Maglagay po ng puting cloth on top ng steamer at takpan para hindi matuluan ang puto ng tubig ng steamer, upang
hindi mahilaw at masabawan ang puto batter.

9. Steam po natin ng 15 minutes sa mababang apoy at takpan maigi. Huwag sisilipin hangat di umabot sa 15 minuto
para hindi mahilaw.

10.Para malaman kung luto na, tusukin ang gitna ng puto ng toothpick. Kapag walang dumikit na malagkit sa gilid ng
toothpick ay luto na po ito. Tapos na iyong puto

Mula sa Sarap Pinoy: Mga lutuing Pilipino

You might also like