You are on page 1of 2

TEKSTONG PROSIDYURAL

PROSIDYURAL
- uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon at intruksyon kung paano isasagawa ang isang bagay o
Gawain. Inilalahad nito ang hakbang sa pagbuo ng isang Gawain upang matamo ang inaasahan.
- ipinapakita ang mga impormasyon sa kronolohikal na paraan o mayroon pagkakasunod-sunod

LAYUNIN NG TEKSTONG PROSIDYURAL


- makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon, hakbang o impormasyon sa mga tao upang
matagumpay na maisagawa ang mga Gawain na ligtas at angkop sa paraan

 Ang tekstong prosidyural ay madalas nababasa sa mga produktong binibili katulad ng mga
resipe ng lutuin, tamang pagbuo at paggamit ng isang kagamitan sa bahay.
 Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na
maisagawa ang isang bagay.

MGA URI NG TEKSTONG PROSIDYURAL


1. Paraan ng Pagluto
- Karaniwang uri ng tekstong prosidyural
- Nagbibigay ng panuto sa mga mambabasa kung paano magluto

2. Panuto
- Uri ng tekstong prosidyural na naggabay sa mga mambabasa kung paano
gawin o likhain ang isang bagay

3. Panuntunan sa mga Laro


- Karaniwang uri ng tekstong prosidyural
- Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin

4. Manwal
- Uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng kaalaman kung paano
gamitin, pagganahin at patakbuhin ang isang bagay.

5. Mga eksperimeto
- Nagbibigay ng kaliwanagan sa mga sanhi at bunga sa pamamagitan ng
pagpapakita ng resulta kapag ang particular na salik ay
naimpluwensiyahan

6. Pagbibigay ng direksyon
- Mahalagang magbigay ng malinaw na direksyon para makarating sa
nais na destinasyon
APAT NA BAHAGI NG TESTONG PROSIDYURAL
1. Target na awtput
 Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng
proyekto ng prosidyur

2. Mga kagamitan o Sangkap


 Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang
makompleto ang isasagawang proyekto

3. Hakbang (steps)
 Serye o pagkasunod-sunod ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang
proyekto

4. Konklusyon/Ebalwasyon
 Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa. Maaaring sa pamamagitan ito ng mahusay na paggana
ng isang bagay.

You might also like