You are on page 1of 1

TEKSTONG PROSIDYURAL

• Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung


paano isagawa ang isang bagay o gawain.
• Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa “Chronological” na paraan o
mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod.
• Ang layunin ng tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa pambabasa para
maisagawa ng maayos ang isang gawain.
(SOURCE: https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-prosidyural/)
Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural
• Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Ito ay
nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan
ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga
larawan.
• Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o
likhain ang isang bagay.
• Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na
dapat nilang sundin.
• Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang
bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines at
appliances.
• Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin
alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang
maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng
gawain.
• Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para
makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.
(SOURCE: https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-prosidyural/)
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
1. Recipe ng spaghetti
2. Paano gumawa ng DIY explosion bix
3. Paano magluto ng chopsuey
4. Recipe ng Adobong Manok
5. Paano patakbuhin ang kotse
6. Paano magluto ng Pork Steak
7. Pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya
8. Pagsunod sa mga patakaran sa paglalaro ng isang bagay
9. Mga paalala sa kaligtasan sa kalsada
10. Manwal na nagpapakita ng hakbang-hakbang na pagsasagawa ng iba’t ibang bagay.
Layunin ng Tekstong Prosidyural
• Makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na
maisagawa ang mga Gawain ng ligtas, episyente at angkop sa paraan.
(SOURCE: https://www.slideshare.net/RainierAmparado/tekstong-prosijural)

You might also like