You are on page 1of 4

Ano ang Tekstong Prosidyural

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano
isagawa ang isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa
“Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng
tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa pambabasa para maisagawa ng maayos ang
isang gawain.

Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural


 Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Ito ay
nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan
ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga
larawan.
 Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o
likhain ang isang bagay.
 Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na
dapat nilang sundin.
 Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang
bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines at
appliances.
 Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin
alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang
maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng
gawain.
 Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para
makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan.
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
1. Recipe ng spaghetti
2. Recipe ng Adobong Manok
3. Paano magluto ng fried chicken
4. Paano gumawa ng silya
5. Paano patakbuhin ang kotse
6. Paano maggawa ng DIY explosion box
7. Paano maghanda ng chicken buffet
Ilan lamang iyan sa napakadaming halimbawa ng tekstong prosidyural. Madami ka pang
makikitang halimbawa sa internet, manwal, at mga libro ng prosidyur.

Apat na pangunahing Bahagi ng Tekstong Prosidyural


Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga
sumusunod:

 Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito ang dapat
maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na
“Paano”.
 Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap upang
maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto.
 Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur.
 Konklusyon / Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay nagbibigay ng
gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang
isang prosidyur.
Ang karaniwang pagkakaayos/pagkakabuo ng tekstong prosidyural
1. Pamagat – ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o
isasakatuparan
2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon upang
hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na
magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap
ipaintindi gamit lamang ang mga salita.
Mga dapat isaalang sa pagbuo ng tekstong prosidyural
 Ilarawan ng malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong deskriptyon.
 Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
 Ilista ang lahat ng gagamitin
 Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of
view)

Kalderetang Baboy / Pork Kaldereta


 5likes

Pork kalderetais a filipino tomato based stew dish. Meron siya pork ham or
belly, carrots, patatas, tomato sauce, liver spread and other vegtables. Mas sikat
yung version ng beef kaldereta pero itong dish na ito walang kang masasabi,
napakasarap din. Ang pinaka-sikreto sa pag prepare ng pork kaldereta at yung
meat na gagamitin mo kailangan fresh pa yung tipong bagoy katay.
Nirerecommend ko din na gumamit ng liver spread kasi ito yung mas lalong
mag papa-sarap ng kaldereta. Try my kaldereta recipe and let me know your
comments or recommendations :)

Louise Gabrielle

Sundan
mga sangkap or sangkap
3-4 servings

1. 3 Table spoons cooking oil


2. 1 lbs na baboy, cubed
3. 1 medium na patatas cut into small cubes
4. 1 medium na red pepper
5. 1 onion, sliced
6. 4 gloves of garlic, minced
7. 32 oz. pork broth
8. 1/4 cup liver spread
9. 1 sachet of tomato sauce yung malaki
10. to taste Salt and pepper
Steps
1 hour

1. Initin ang mantika sa cooking pot


2. Once na mainit na ang mantika saute the onion and garlic
3. Ilagay ang baboy Stir and cook for 4-5mins or hintayin mo mag kulay light to
medium brown yung baboy
4. Ilagay ang tomato sauce o di kaya pork broth. Cover and simmer for 45 minutes.
5. Ilagay ang liver spread. Stir and cook for 3-5 minutes
6. Ilagay ang carrots at patatas. Cover and cook for 8-10 minutes hanggang sa
lumambot sila.
7. Ilagay ang red bell pepper. Takpan at lutuin for 3-5 minutes
8. Add salt and pepper to taste
9. Turn off the heat at ilagay na ito sa serving plate.
10. Serve and enjoy! <3 Till next time :)

You might also like