You are on page 1of 4

TEKSTONG PROSIDYURAL

ANO ANG TEKSTONG PROSIDYURAL?


 Nagbibigay ng panuto o direksiyon kung paano gawin ang isang bagay
 Laging ginagamit ng mga mag-aaral sa gawaing pampaaralan
 Ito ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso
sa paggawa ng isang bagay
 Nagsasaad ng mga impormasyon o mgadireksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay
at maayos na maisakatuparan ang mga gawain
 May tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga hakbang

SA ANONG MGA PAGKAKATAON NAGAGAMIT ANG TEKSTONG


PROSIDYURAL?
1. Pagpapaliwanag kung paano gumagana o paano pagaganahin ang isang kasangkapan
 Halimbawa:
 Manwa
2. Pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang isang bagay o gawain
 Halimbawa:
 Resipi, mekaniks ng laro, alituntunin sa kalsada
3. Paglalarawan kung paano makakamit ang ninais nakalagayan sa buhay
 Halimbawa:
 Kung paano maging masaya, matagumpay, mayaman
HALIMBAWA NG AKDANG GUMAGAMIT NG TEKSTONG
PROSIDYURAL:
 Manwal sa paggamit ng isang kasangkapan o mekanismo
 Resipi
 Gabay sa paggawa ng mga proyekto
 Mga eksperimentong siyentipiko
 Mekaniks ng laro
 Mga alituntunin sa kalsada

ELEMENTO NG TEKSTONG PROSIDYURAL


1. Layunin
- Ito ay tumutukoy sa kalalabasan o bunga na dapat na matamo pagkatapos magawa
nang
wasto ang lahat na hakbang.
- Dapat na malinaw na nakasaad sa teksto.
- Mahalaga na makasunod nang maayos sa direksiyon at mga hakbang na inilahad at
mabuo ang inaasahang bagay.

2. Kagamitan
- Nakalista sa pinakaunang bahagi ng teksto at minsang maaring mga kasanayan o
kakayahan.
- Dapat may pagkakasunodsunod ayon sa paggamit.

3. Mga Hakbang
- Ang pinakamahalagang bahagi ng teksto
- Dito nakalahad ang mga panuto kung paano gawin ang buong proseso
- Kailangang mayroong maayos at matibay na hulwaran ang daloy ng mga gawain at
sunod-sunod na impormasyon
- Maaring gumamit ng mga salitang pang-ugnay tulad ng una, ikalawa, ikatlo… o numero
o bullet

4. Tulong Na Larawan
- Ito ay nagsisilbing gabay upang maging mas mabilis at masigurong wasto ang
pagsunod sa isang hakbang.
- Minsan, iniiwasan ang paggamit nito upang masubukan ang talino at husay ng
mambabasa sa pagsunod ng teksto.

MGA KATANGIAN NG TEKSTONG PROSIDYURAL


 Nasusulat sa kasalukuyang panahunan
 Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang
 Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit
ng mga panghalip
 Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon
 Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon (hugis, laki, kulay at dami)
 Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto

GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG PROSIDYURAL GAMIT ANG


MGA ELEMENTO
 Ano ang layunin ng teksto?
 Malinaw bang naipahayag ang layunin ng teksto?
 Ano-anong kagamitan ang kinakailangan sa pagsasagawa ng mga panuto?
 May nakasaad bang paglalarawan ng mga kagamitang dapat gamitin?
 Nakatulong ba ang paglalarawan ng mga kagamitan upang mas mabisang magawa ang
mga hakbang?
 Nasa wastong pagkakasunod-sunod ba ang mga hakbang?
 Madali bang unawain at sundan ang mga panuto?
 Nagbigay ba ng sapat na paglalarawan at paliwanag ang mga hakbang upang magabayan
ang mambabasa sa wastong pagsasagawa ng mga panuto?
 Nakaayon ba ang mga hakbang upang matamo ang layunin na isinaad nito sa simula?
 Kung may mga tulong na larawan, mas magagabayan ba nito ang mambabasa?
 Malinaw ba ang mga larawan at tumutugma sa kaugnay nitong panuto?

MGA PAALALA SA PAGSULAT NG TEKSTONG PROSIDYURAL:


 Tukuyin kung sino ang target na mambabasa kaugnay ng uri ng teksto. (pagkakaiba-iba
ayon sa edad, propesyon, antas ng pamumuhay at personalidad)
 Gumamit ng tiyak at angkop na mga salitang gagamitin.
 Tukuyin kung anong uri ng tekstong prosidyural ang isusulat.
 Tukuyin kung anong anyo o estilo ng teksto ang gagamitin.( de-numero, bullet, anyong
patalata)
 Alalahanin ang mga katangiang dapat taglayin ng tekstong prosidyural.
 Umisip ng pamagat na magpapahiwatig ng layunin ng teksto.
 Kung patalata, banggitin sa simula ang layunin, sunod ang kagamitan, at mga detalye o
paglalarawan.
 Sa panuto, siguruhing nakalahad nang wasto ang mga ito.
 Planuhin kung ilang hakbang ang aabutin ng proseso.
 Ipaliwanag nang mabuti at gumamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos.
 Gamitin ang kaalaman sa pagsulat ng naratibo at deskriptibo.
 Magbigay ng mga tala o karagdagang detalye tungkol sa kalalabasan ng bawat hakbang
tungo sa susunod.

You might also like