You are on page 1of 2

ANG TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong prosidyural ay nagbibigay ng panuto o direksyon kung paano gawin ang isang
bagay. Para sa mga mag-aaral, lagging ginagamit ang tekstong prosidyuraql sa mga Gawaing
pampaarala. May mga tekstong prosidyural sa asignaturang Edukasyong Pantahanan para
sundan ang resipi ng isang putahe. May mga tekstong prosidyural sa Agham kapag
magsasagawa ng eksperimento. Mayroon din sa Teknolohiya kapag bubuo ng programa sa
kompyuter. Makakatagpo rin ng tekstong prosidyural kapag kailangang unawain ang mga
panuto sa paggawa ng iba’t-ibang proyekto sa tahanan.

- Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga
hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad din ito ng
impormasyon o mga direksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay, at maayos na
maisakatuparan ang mga gawaain. May tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga hakbang
na dapat sundin upang matagumpay na magawa ang anumang gawain.

Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstonbg prosidyural


ang:

- Manwal sa paggamit ng kasangkapan o mekanismo


- Resipi
- Gabay sa paggawa ng mga proyekto
- Mga eksperimentong siyentipiko
- Mekaniks ng laro
- Mga alituntunin sa kalsada

Apat na pangunahing Bahagi ng Tekstong Prosidyural


Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga
sumusunod:

Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito ang dapat
maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na “Paano”.

Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap upang
maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto.

Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur.

Tulong na Larawan- ang paglalagay ng tulong na larawan ay nagsisilbing gabay sa mambabasa


upang maging mas mabilis at masigurong wasto ang pagsunod sa isang hakbang dahil
maikukumpara ng mambabasa ang kaniyang ginagawa sa tulong ng larawan.
Ang karaniwang pagkakaayos/pagkakabuo ng tekstong prosidyural
1. Pamagat – ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o
isasakatuparan
2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon upang
hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na
magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap
ipaintindi gamit lamang ang mga salita.

You might also like