You are on page 1of 14

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO

SA
PANANALIKSIK

Tekstong Prosidyural
YUNIT 7
TEKSTONG PROSIDYURAL
Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng proseso o pamamaraan upang
maisagawa, matapos, o makamit ang isang inaasahang bagay, gawain, o
pangyayari. Ang bagay o pangyayaring ito ang itinuturing na
kalalabasan ng proseso.

Ito ay nakatutulong sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa


pamamagitan ng pagbibigay ng wastong gabay sa isang gawain.
Halimbawa, para makapagluto ng masarap na adobo, may wastong
proseso o paraan na dapat sundin.
Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
May iba’t ibang uri ng tekstong prosidyural batay sa inaasahang kalalabasan ng gawain.

Halimbawa: Katangian

 Recipe: Nagpapaliwanag ng mga hakbang sa pagluluto o paghahanda ng pagkain

 User manual o guide: Nagsasaad ng pagbuo o pag-assemble ng isang gamit

 Tour itinerary: Nagbibigay ng direksiyon papunta sa isang lugar

 Instruction: Nagbibigay ng panuto sa paglikha ng isang e-mail o social media account.


Mga Bahagi ng Tekstong Prosidyural

1. Pamagat
2. Mga sangkap o kagamitan
3. Sunod-sunod na hakbang sa paggawa
4. Kongklusyon o inaasahang kalalabasan
Pamagat
Ang pamagat ay ang kalalabasan ng proseso. Sinasagot nito ang tanong na “Ano ba ang nais
nating magawa o mabuo?” Sa ating teksto, nais nating magluto ng adobong manok.

Pamagat: "Pagluto ng Adobong Manok"

Mga Sangkap o Kagamitan

● Ang mga sangkap o kagamitan ay listahan ng mga kakailanganin para sa gagawing proseso.
Nakatutulong ito para maihanda ang lahat ng sangkap bago pa simulan ang gawain. Sa
ating lunsaran, narito ang mga kailangan sa pagluluto ng adobo.
"Pagluto ng Adobong Manok"

Mga Sangkap:
 2 kilo ng karneng manok
 ¼ tasang atsuwete
 2 kutsarang mantika
 ½ tasang suka
 1 tasang toyo
 1 ulo ng bawang
 2 dahon ng laurel
 2-3 kutsarang patis
 paminta
 asin
Sunod-sunod na Hakbang sa Paggawa

Ano ang mga hakbang sa paggawa?

Ito ang sunod-sunod na hakbang na kailangang sundin upang makamit


ang inaasahang kalalabasan ng proseso.
Mahalaga na klarado at tama ang pagkakasunod-sunod nito.
Sa ating halimbawa, sinimulan ang hakbang sa pagbababad ng mga
sangkap hanggang maluto na ang adobong manok.
Mga Hakbang

Una, ibabad ang manok


sa suka, toyo, asin, at Kapag kakaunti na ang
paminta sa loob ng 20 Pagkatapos nito, sarsa ng adobo, isama
minuto. Habang isalang sa kawali ang Habang kumukulo, ang mantikang may
ibinababad ang karne karne kasama ang isama ang dahon ng atsuwete. Bahagyang
ng manok, gisahin ang pinagbabaran.Pakuluin laurel. haluin hanggang sa
atsuwete sa mantika. hanggang lumambot ito. mamula ang karne ng
Itabi ang mantikang manok.
ginamit.
Kongklusyon o Inaasahang Kalalabasan
Ano naman ang kongklusyon?

 Ito ay ang inaasahang kalalabasan ng ginawang proseso.

 Ang paglalahad kung paano ihahain ang nilutong adobong


manok ay ang malinaw na halimbawa ng kongklusyon.

 Ilagay sa plato ang nalutong adobong manok at lagyan ng


bawang para maging kaaya-aya ang presentasyon ng putahe
Dapat
Tandaan
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong Prosidyural upang matulungan ang
mambabasa na makamit ang inaasahang kalalabasan ng proseso, dapat na:

● Simple ang mga salitang gagamitin para madaling maunawaan at masundan ng mga mambabasa.
● Masinsin at tama ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang.
● Espesipiko ang mga direksiyon at paglalarawan ng mga sangkap at hakbang.
● Hindi maligoy ang mga salita. Direktang sinasabi nito ang dapat na gawin sa bawathakbang.

Simple ba ang mga salitang ginamit ng teksto?

Kung madali mo itong naintindihan at natukoy ang mga kailangang sangkap at mga hakbang na
susundan, masasabing simple ang mga salitang ginamit rito.
Pansinin din ang paggamit ng mga salitang nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang:
● una
● habang
● pagkatapos
● kapag

Kung gayon, masinsin ang teksto. Masasabi ring espisipiko ang pagkakalahad ng teksto. Tiyak
ang mga gagawing hakbang tulad ng:
● ibabad
● gisahin
● isalang
● pakuluin
● haluin

Dahil dito, masasabi ring hindi maligoy at direkta ang paglalahad sa teksto.
Palagi nating tandaan ang mahahalagang kaalaman
tungkol sa tekstong prosidyural:

● Naglalahad ito ng proseso o pamamaraan upang maisagawa, matapos, o


makamit ang isang inaasahang bagay, gawain, o pangyayari.

● Nakatutulong ito para maisagawa natin nang wasto ang pang-araw-araw


natinggawain.

● Halimbawa nito ang mga tekstong naglalahad ng mga hakbang tulad ng user
manual ng bago ninyong cellphone.

● Kung susulat ng isang tekstong prosidyural, tandaan na gawin itong simple,


malinaw, tiyak, at madaling maintindhan.
Kailangang maayos na ilahad ang mga hakbang o paraan sa
paggawa ng isang bagay o gawain. Mahalaga ito upang
maisagawa ito nang maayos at wasto, at makamit ang inaasahang
resulta o kalalabasan. Halimbawa, makapagluluto tayo ng
masarap na adobong pula dahil nauunawaan, nasusundan, at
naisasagawa natin nang maayos at wasto ang inilahad na mga
hakbang dito.
Quiz:
1. Ito ay nagpapaliwanag ng mga hakbang sa pagluluto o
paghahanda ng pagkain.
2.Ito ay nagsasaad ng pagbuo o pag-assemble ng isang gamit.
3.Ito ay nagbibigay ng direksiyon papunta sa isang lugar.
4.Ito ay nagbibigay ng panuto sa paglikha ng isang e-mail o
social media account.
5-8. Ano ang mga 4 na bahagi ng tekstong prosidyural.
9-10. Ano ang Tekstong Prosidyural?

You might also like