You are on page 1of 20

DATOS EMPIRIKAL

LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
1. natutukoy mo ang kahulugan ng datos empirikal;
2. naiisa-isa mo ang mga uri ng datos empirikal;

3. nailalahad mo ang mga bahagi ng presentasyon ng


datos empirikal; at
4. naisusulat mo ang isang presentasyon ng datos
empirikal.
Ano ang datos empirikal?
Ano ang mga uri ng presentasyong datos empirikal
Ano ang mga bahagi ng presentasyong datos empirikal?
Ano ang mga hakbang sa pagbuo ng presentasyong
datos empirikal?
PAGPILI SA MGA IMPORMASYONG NAKALAP

 Matapos ang pangangalap ng datos, kailangan nang piliin


ang mga impormasyong isasama sa pananaliksik at
mailahad ito sa makabuluhang paraan. Mainam malaman
ng isang mananaliksik na may iba’t ibang uri ng paglalahad
ng datos na naaayon sa datos na nakalap, maliban pa sa
mga hakbang sa masusing paghahanda nito.
DATOS EMPIRIKAL

 Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap


mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng
pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o
eksperimentasyon, atbp.). Ito ay dumaan sa pagsusuri at
maaaring mapatunayang totoo o hindi, makabuluhan o
hindi.
TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL
 Tatlo ang uri ng datos empirikal, ang mga ito ay
ang tekstwal, tabular, at grapikal.
 Tekstwal
 Paglalarawan sa datos sa paraang patalata
 Layong magbigay diin sa mahahalagang datos
 Nababagay gamitin kung nais magbigay pansin sa ilang
datos o numero
HALIMBAWA:
TABULAR
PAGLALARAWAN SA DATOS GAMIT ANG ISTATISTIKAL NA TALAHANAYAN
LAYONG MAGPAKITA NG MGA NUMERO SA SISTEMATIKONG ANYO
NABABAGAY GAMITIN KUNG NAIS BIGYANG PANSIN ANG EKSAKTONG
DATOS O NUMERO, NANG HINDI NA ISINUSULAT SA TALATA ANG MGA ITO
HALIMBAWA:
GRAPIKAL
 Paglalarawan sa datos gamit ang biswal na
representasyon
 Layong magpakita ng pagbabago ng mga variable, o ng
isang variable laban sa iba pang variable
 Maaaring sa anyong line graph, pie graph, at bar graph
MGA ANYO NG GRAPIKAL NA
PRESENTASYON
Ang grapikal na presentasyon ng datos ay maaaring nasa
anyong line graph, pie graph, at bar graph.
Line Graph
Nababagay gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa variable o
numero sa haba ng panahon
Halimbawa:
Pagpapakita ng kung paanong dumarami ang bilang ng
estudyanteng pumapasok sa kursong Nursing sa loob ng sampung
taon
PIE GRAPH

 Nababagay gamitin kung nais magpakita ng datos na


bahagi o porsyento ng isang kabuuan
 Halimbawa:
 Pagpapakita ng kung ilang porsyento ng mga estudyante
ang pumapasok sa kursong Nursing, Hotel and Restaurant
Management, Education, at Civil Engineering kumpara sa
kabuuang populasyon
BAR GRAPH
Nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkahiwalay at ipinaghahambing
Kumpara sa line graph, maaaari din itong maghambing,
subalit mas nakapagpapakita ang bar graph ng maliliit na
pagbabago sa numero sa haba ng panahon.
Halimbawa:
Pagpapakita ng kung ilan ang nag-enroll sa
kursong Nursing laban sa Education sa loob ng apat na taon
PRESENTASYON NG DATOS EMPIRIKAL
Binubuo ng dalawang bahagi ang presentasyon ng datos
empirikal, ito ay ang paglalarawan sa metodo ng
pananaliksik at presentasyon ng datos.
Paglalarawan sa Metodo ng Pananaliksik
Sinasagot ang sumusunod na tanong:
Ano ang uri ng datos na nakalap?
Saan o kanino nanggaling ang datos?
Kailan kinalap ang datos?
Ano ang mga limitasyong nakaharap sa pangangalap ng datos?
PRESENTASYON NG DATOS
Paggamit ng tekstwal, tabular, o grapikal na presentasyon
sa mga nakalap na datos
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Presentasyon ng
Datos Empirikal
Hatiin sa mga bahagi ang presentasyon sa bawat
konseptong aaralin.
Bigyang diin ang mga pinakainteresanteng datos sa
paggamit ng anyong patalata.
Gumamit ng angkop na tabular o grapikal na
presentasyon kung kinakailangan.
Lagyan ng malilinaw na label ang mga tabular o grapikal na
presentasyon.
Ikumpara ang mga resulta sa mga kaparehong pag-aaral.
Ipaliwanag kung bakit pareho o magkaiba ang nakalap na
datos kumpara sa iba.
Mga Paalala
Siguraduhing malinaw, may kaisahan, at wasto ang mga
detalyeng nasa pantulong grapikal o tabular.
Sa presentasyon ng datos empirikal, nagkakaroon ng
malinaw na tunguhin ang pananaliksik. Kung organisado ang
paglalahad ng datos, magiging maliwanag ang mga resulta
para sa mambabasa at magiging mas madali ang pagbubuo
ng kongklusyon.
Mahahalagang Kaalaman
Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap
mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng
pananaliksik.
Tatlo ang uri ng datos empirikal, ang mga ito ay
ang tekstwal, tabular, at grapikal.
Binubuo ng dalawang bahagi ang presentasyon ng datos
empirikal, ito ay ang paglalarawan sa metodo ng
pananaliksikat presentasyon ng datos.

You might also like