You are on page 1of 22

THESIS DEFENSE

(MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KABANATA 4)


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
HUMSS/ABM/PROG-ROB
KABANATA 4
Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng
mga Datos
Kinapapalooban ito ng mga sumusunod na bahagi:
 Paglalahad ng mga Datos
 Paglikha ng Talahanayan
 Paglalahad ng mga Datos
 Pagsusuri ng mga Datos
 Interpretasyon ng mga Datos
PAGHAHANDA SA PAGSULAT NG IKAAPAT NA
KABANATA
Ito ang itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng
pananaliksik sapagkat dito nailalahad ang mga datos na
nakalap, sinusuri at inihahambing sa mga nauna nang
kaugnay na pananaliksik at binibigyang interpretasyon
na siyang nagiging batayan para sa mga inaasahang
matutuklasan, bubuuing kongklusyon at magiging
rekomendasyon ng isinasagawang pananaliksik.
PAGHAHANDA SA PAGSULAT NG IKAAPAT NA
KABANATA
Laging tandaan na ang mga datos na inilalahad sa
kabanata 4 ay ang mga tutugon sa suliranin ng pag-
aaral o pananaliksik kung kaya’t marapat lamang na
mailahad ang mga datos na ito sang-ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga suliranin.
PAGLIKHA o PAGGAWA NG MGA
TALAHANAYAN
Si Aquino (1992), ay nagbigay ng ilang mga tuntunin sa
paggawa ng mga talahanayan at Figyur. Narito ang
sumusunod:

• Kinakailangang maging simple ang talahanayan at


nakatuon sa limitadog bilang ng mga ideya. Huwag
masyadong maglagay ng maraming mga bilang na
maaaring makagulo lamang sa kaisipan ng
mambabasa.
PAGLIKHA o PAGGAWA NG MGA
TALAHANAYAN
• Kung higit sa kalahating pahina ng papel ang laki ng
talahanayan, sakupi na ang kabuuan ng isang
pahina ng talahanayan at gawing balance ito sa
bawat panig. Kung maliit naman, isunod kaagad rito
ang diskusyong tekstwal.
PAGLIKHA o PAGGAWA NG MGA
TALAHANAYAN
Halimbawa ng higit sa kalahating pahina na
talahanayan

TALAHANAYAN 5
PAGLIKHA o PAGGAWA NG MGA
TALAHANAYAN
Halimbawa ng maliit na talahanayan.

TALAHANAYAN 1
PAGLIKHA o PAGGAWA NG MGA
TALAHANAYAN
• Kinakailangang may katumbas na bilang ang bawat
talahanayan na siyang babanggitin sa tekstwal na
paglalahad ng mga datos at tiyaking nakatala pa rin
sa itaas ng bawat bilang ng talahanayan ang pamagat
ng talahanayan.
PAGLIKHA o PAGGAWA NG MGA
TALAHANAYAN
• Ang salitang talahanayan ay kinakailangang
nakasentro sa pagitan ng mga margin at nakasulat sa
malalaking titik at sinusundan ng bilang nito. Ang
pamagat ng talahanayan ay inilalagay sa dalawang
espasyo sa ibaba ng salitang talahanayan at
nakaayos nang pabaligtad na piramide.
PAGLIKHA o PAGGAWA NG MGA
TALAHANAYAN
• Ang pinakaitaas na bahagi ng talahanayan ay dapat
na nakalagay nang 3 espasyo matapos ang pamagat
nito. Kailangang malinaw ang mga label ng bawat
kolum. Maaaring paigsiin ang mga salita at gumamit
ng abrebasyon katulad ng Blg., % at f (para sa
frequency)
PAGLIKHA o PAGGAWA NG MGA
TALAHANAYAN
• Kung may aytem na walang sumagot, huwag ilagay
ang zero bagkus ay lagyan ito ng gatlang bilang
katumbas ng walang sagot.
PAGLIKHA o PAGGAWA NG MGA
TALAHANAYAN
• Kung pinaiigsi ang bilang sa pamamagitan ng
pagtatanggal ng mga zero, kailangang banggitin ito sa
pamagat.

• Ang mga markang may punto-desimal ay


kinakailangang nakaalayn nang wasto upang makita
ang kinakatawan nitong bilang.
TEKSTWAL NA PAGLALAHAD NG MGA
DATOS
• Inilalahad ang datos na nakapaloob sa bawat
talahanayan nang parang naglalarawan ng isang
larawan. Sinisimulan ito sa pinakamataas na bahagi
at inilalahad nang pakanan hanggang umabot sa
pinakaibaba.
PAGSUSURI NG MGA DATOS
• Walang silbi ang anumang datos na nakalap sa isang
pananaliksik kung hindi ito masusuri. Sa bahaging
ito ay muling babalikan ang mga kaugnay na mga
literatura at pag-aaral (Kabanata 2) at tutunghayan
ang mga pinatotohanan at pinasubaliang mga teorya,
prinsipyo at mga tuklas sa mga naisagawa nang
pananaliksik.
PAGSUSURI NG MGA DATOS
• Kinakailangang maging mapanuri ang mananaliksik
sa mga nakalap na datos upang makita ang mga
maaaring maiambag na isinagawang pananaliksik.
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Pinakasensitibo at pinakapinag-uusapang bahagi ng
pananaliksik ang interpretasyon ng mga datos. Ito ang
bahaging idinedepensa ng mananaliksik. Narito ang ilan
sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng interpretasyon ng
mga datos.

• Nakapagbibigay linaw ito at nakapagdudulot ng


kabuluhan sa paksang tinalakay;
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
• Kinapapalooban ito nang malawakang implikasyon ng
datos na inilahad at nagbibigay daan sa paglikha ng
kongklusyon at pagbuo ng mga rekomendasyon ng
pag-aaral.
• Kinakailangang ang interpretasyon ay bunga ng
masusing pag-iisip ng mga sinuri at nilahad na datos.
Nakapagpapakita ang interpretasyon ng kahalagahan
ng kabuuang pag-aaral at paghihinuha sa
kahihinatnan nito.
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
• Ang pinakamahalagang bahagi ng interpretasyon ay
ang pagtugon sa mga layunin at suliraning itinalaga
ng pananaliksik.
• Kinapapalooban ng kahulugan ng datos ang
interpretasyon sang-ayon sa mga resulta ng mga
nauna nang pananaliksik at mga teoryang
kinapapalooban nito tungo sa pagbibigay-linaw at
pagbubukas ng kaalaman hinggil sa paksang
sinaliksik.
Ito ang magsisilbing gabay ninyo sa pagsusulat ng
Kabanata 4. Ang format ay:
1. TimesNewRoman 12
2. Double spacing
3. 1 margin all sides
Kung may katanungan ay maaari akong i-chat o i-text.
‘Yun lamang at maraming salamat! 

-Binibining Rhea
Emilio Aguinaldo College – Manila
Senior High School Department

Inihanda ni: Binibining Rhea M. Sabay


Faculty Member, Filipino Department

3/P Pangunahing Gusali 5, Emilio Aguinaldo College


Sulatroniko: rheasabay16@gmail.com/ 09260851938

You might also like