You are on page 1of 4

PAGMAMAKINILYA (typing) AT PAG EESPASYO (spacing margins)

Gumamit ng font na may laking 10 o 12 points.


Gumamit lamang ng mga istilo ng font na simple at madaling basahin gaya
ng Times New Roman, Courier o Arial.
Doblehin ang espasyo sa pagitan ng mga linya (double space).
Sa umpisa ng bawat talata, lagyan ng indensiyon na mula 5 espasyo (para sa
font na 10 points) hanggang 7 (para sa 12points).
Huwag pagpantay-pantayin o i-justify ang hanay (alignment) ng text. Gamitin
lamang ang left justify o align left at hayaang naka-flush sa kaliwa ang teksto
na lumilikha ng di-pantay na kanang bahagi.
Iwasang lumampas ng 27 linya ang teksto kada pahina.
Mag-iwan ng di bababa sa isang pulgadang (1) palugit (margin) sa itaas,
ibaba, kaliwa, at kanan ng papel.

PAGNUNUMERO AT PAG-AAYOS NG PAHINA (page numbering order)

Simulant ang sunud-sunod na pagnunumero simula sa title page.


Gumamit ng numerong Arabiko (1,2,3. .) at ilagay ito sa itaas na kanang
bahagi (top right) ng papel, isang pulgada (1) mula sa bawat gilid.
Pagsunud-sunurin ang mga pahina ayon dito:
o Pahinang Pamagat o Title Page (hiwalay na pahina, bilang 1, pormat ng
STI)
o Dahon o Pahinang Pagpapatibay (hiwalay na pahina, bilang 2, pormat
ng STI)
o Pasasalamat o Dedikasyon (hiwalay na pahina, bilang 3, pormat ng STI)
o Abstrakto o Abstract (hiwalay na pahina, bilang 4)
o Talaan ng Nilalaman o Table of Contents (hiwalay na pahina, bilang 5)
o Teksto o katawan ng riserts (hiwalay na pahina kada kabanata, bilang
6.
1. Kaligiran ng Pag-aaral ( Background of the Study)
1.1Panimula (Introduction)
1.2Paglalahad ng Suliranin (Statement of the Problem)
1.3Kahalagahan ng Pag-aaral (Significance of the Study)
1.4Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral (Scope and Delimitation)
1.5Depinisyon ng mga Termino (Definition of Terms)
2. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura (Review of Related Studies
and Literature)
2.1Kaugnay na Literatura (Related Literature)
2.2Kaugnay na Pag-aaral (Related Studies)
2.3Batayang Konseptuwal (Conceptual Framework)
3. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik (Research Methodology)
3.1Disenyo ng Pananaliksik (Research Design)
3.2Instrumento ng Pananaliksik (Research Instrument)
3.3Mga Respondente ng Pag-aaral (Respondents of the Study)
3.4Pangangalap ng mga Datos (Data Collection and Treatment)
4. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos (Presentation,
Analysis and Interpretation of Data)
5. Buod, Konklusyon at Rekomendasyon (Summary, Conclusions and
Recommendations
5.1Lagom (summary)
5.2Kongklusyon (Conclusion)
5.3Rekomendasyon (Recommendation)
o Reperensiya, Talasanggunian o Bibliyograpiya (simulant sa hiwalay na
pahina)
o Dahong-Dagdag, Apendise o Appendixes (simulant sa hiwalay na
pahina bawat isa)
o Mga Pigura o Figures (simuan sa hiwlay na phina bawat isa)

PAHINANG PAMAGAT O TITLE PAGE

Dito nagsisimula ang bilang (1). Maaaring hindi isulat ang numero sa pahina.
Para sa pormat ng STI, ilagay ang napiling pamagat ng riserts sa itaas na
gitnang bahagi (top center) ng papel, isang pulgada (1) ang palugit.
Halimbawa:
PANANALIKSIK UKOL SA. . .
Matapos maglagay ng 10-12 espasyo mula sa pamagat isulat ang
sumusunod:
Isang Pamanahunang-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,
Kolehiyo ng ___________________, STI- _________________
Maglagay muli ng 10-12 espasyo matapos ang Isang Pamanahong-Papel. . .
at isulat naman ang mga sumusunod:
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang
Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Maglagay ng 8-10 espasyo matapos ang Bilang Pagtupad. . . at sundan ito
ng pangalan/bilang ng grupo, kanilang baiting/ taon sa kolehiyo at seksiyon
(year & section), pati na rin school year: Maaari ring isama ang mga pangalan
ng miyembro kung iilan lang naman sila sa pangkat.
Matapos nito ay lagyan ng 4-6 na espasyo para sa petsa ng pagsusumite ng
riserts. Kasunod nitoy dagdagan pa ng 4-6 na espasyo para sa pangalan
naman ng guro/propesor.
Nasa guro na ang pagtantiya sa mga espasyo sa pagitan ng mga linya. Ang
mahalaga ay nakagitna ito at may maiiwang palugit na di bababa sa isang
pulgada (1) sa itaas, ibaba, kanan, at kaliwa ng pahinang pamagat.

DAHON O PAHINANG PAGPAPATIBAY


AYON SA PORMAT NG sti, sisimulan ito nang panibago sa ikalawang pahina at
katatampukan ng pangalan ng mga risertser at papipirmahan sa instructor
bilang patunay ng kanilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng
kurso.

PASASALAMAT O DEDIKASYON

Batay pa rin sa pormat ng STI, sisimulan ito nang panibago sa pangatlong


pahina at maaaring magkaroon ng pambungad na ganito:
Buong-puso naming pinasasalamatan ang mga sumusunod na nilalang at
tanggapan . . .

ABSTRAKTO O ABSTRACT

Ito ay isang maikling paglalagom upag maipabatid sa mambabasa ang


tunguhin ng ininasagawang riserts. Dito inililinya ang synopsis ng tesis.
Binubuo ito karaniwan ng isang talata lamang.
Isulat ang abstrakto sa pormat na block at walang indensiyon. Igitna sa
pahina. Ang nilalaman nito ay di dapat hihigit sa 100 hanggang 150 salita.

TALAAN NG NILALAMAN O TABLE OF CONTENTS

Kakikitaan ito ng mga bahagi, pamagat, at nilalaman ng pananaliksik.


Nakaayos ito nang ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga papel o bahagi ng
riserts, kasama ang bilang sa numerong arabiko ng pahina na katatagpuan
nito

TEKSTO O KATAWAN NG RISERTS

Nagsisimula ang bahagiing ito sa panibagong pahina. Ang mga subseksiyon


ng teksto ay hindi nagsisismula sa panibagong papel, bagkus tuluy-tuloy
lamang hanggang umabot sa palugit sa ibaba ng papel.
Igitna ang pamagat ng kabanata sa pahina. Ang panimula ay isinusulat agad
sa kasunod na linya sa ilalim ng pamagat. Nagsisimula lamang sa
panibagong papel kada palit ng kabanata.
Ang mga pang-ulo o headings ay ginagamit upang isaayos at hatiin ang mga
mahahalagang bahagi ng bawat kabanata ng pananaliksik. Huwag magsimula
ng panibagong pahina sa susunod na mga headings.

REPERENSIYA, TALASANGGUNIAN O BIBLIYOGRAPIYA

Nagsisimula ito sa panibagong pahina at nakagitna sa papel ang heading


nito.
Ang mga tala nito o entri ay nakahanging indention at nakaayos ayon sa
alpabetikong pagkakasunud-sunod ng apelyido ng mga awtor.
Almario, V.S. (1997). Tradisyon at wikang Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino,
Unibersidad ng Pilipinas.

DAHONG-DAGDAG, APENDISE O APPENDIXES

karaniwang isinasama ito upang maipresenta ang mga di-nailathalang test,


mga detalyadong resulta, mga forms o dokumentadong ginamit sa paglikom
ng datos gaya ng sarbey o interbyu, o para mailarawan ang mga
komplikadong instrument na ginamit sa riserts.

MGA TALAHANAYAN O TABLES

Ang teybol ay kadalasang ginagamit upang ipakita ang mga resulta ng datos
na nilapatan ng estatistika.
Tulad ng apendise at bibliyograpi, ang bawat talahanayan ay nagsisimula sa
panibagong pahina.

MGA PIGURA O FIGURES

Ginagamit ito para ipakita ang mga graph, tsart, larawan, at iba pang mga
ilustrasyon maliban sa mga teybol.
Ang mga kapsiyon sa pigura ay ang huling pahina na nilalagyan ng bilang.
Ang iba pang mga pigurang kasunod ng mga kapsiyon sa pigura ay di na
nilalagyan ng bilang.

You might also like