You are on page 1of 13

FILIPINO SA PILING Inihanda ni: G.

LARANG Rey Mark F.


Carrera
(MODYUL 3)
PAGSULAT NG ABSTRAK
ABSTRAK

Latin- abstractus =drawn away o extract from (Harper,


2016).
-isang uri ng pagpapaikli na ginagamit sa mga
akademikong sulatin tulad ng pananaliksik, tesis, artikulo,
rebyu, at proceedings.
-ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis/ disertasyon o
gawaing pananaliksik na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng pahina ng pamagat.
-Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak
ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang
elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng
introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya,
resulta at konklusyon.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG
ABSTRAK
✓ Sa pagsulat ng abstrak, siguraduhing lahat ng detalye o
kaisipang ilalagay ay makikita sa kabuoan ng papel,
nangangahulugang ang paglagay ng sarili o ibang
kaisipan na hindi kasama sa papel ay hindi maaari.
✓ Iwasan din ang paglalagay ng statistical figures o table
sa abstrak dahil hindi ito kailangang maging detalyado.
✓ Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang
pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat.
✓ Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga
pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ito.
✓ Gawing maikli ngunit komprehensibo upang
maunawaan ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon
ng pag-aaral .
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
ABASTRAK
✓ Basahing mabuti at muling pag-aralan ang papel
pananaliksik o akademikong sulatin na gagawan ng
abtrak. Kung hindi pa rin naintindihan ang tekstong
binasa ay huwag agad magsulat ng abstrak bagkus
basahing muli nang sa gayon ay maunawaan at
maiwasan ang paghahalo-halo ng mga impormasyon.
✓ Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o
ideya ng bawat bahagi ng sulatin. Ang mga
mahahalagang detalye lamang ang dapat pagtuonan
ng pansin.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
ABASTRAK
✓ Buoin ang mga pangunahing kaisipang taglay ng
bawat talata at isulat ang unang burador ng papel.
Huwag kopyahin ang nabasa kundi ilahad ang
impormasyon gamit ang sariling salita.
✓ Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin nang
mabuti kung may nakaligtaang mahahalagang
kaisipan na dapat isama.
✓ Ugaliing magrebisa upang maiwasto ang kahinaan
sa org
Narito ang mga bahaging makikita sa ilang
abstrak na karaniwa’y umaabot sa 100
hanggang 300 salita.
• Pamagat
• Paksang Pangungusap
• Layunin
• Metodolohiya
• Mga Datos
• Resulta ng Pag-aaral
• Kritikal na Diskusyon
Tandaan:
Italized: Rasyunal
Isang salungguhit: Metodolohiya
Dalawang salangguhit: Saklaw at
Delimitasyon
Bold: Resulta ng Pananaliksik
GAWAIN 2:

Suri bago Sagot Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na


tanong at pahayag sa iyong sagutang papel.
1) Anong pamagat ng teksto?
2) Ibigay ang paksang pangungusap ng teksto?
3) May layunin ba ang tekstong binasa? Pangatwiranan
ang sagot.
4) Anong metodolohiya ang ginamit sa teksto?
5) May nakalap bang datos ayon sa tekstong binasa?
Pangatuwiranan ang sagot.
6) Ano ang naging resulta ng binasang teksto?
7) Ang tekstong binasa mo ba ay isang abstrak?
Pangatwiranan ang sagot.

You might also like