You are on page 1of 3

Mga Bahagi ng Pananaliksik

Upang makabuo ng isang malaman at interesanteng pag-aaral ang isang mananaliksik, kailangan
niyang hatiin sa mga bahagi ang kaniyang mga datos. Narito ang limang pangunahing bahagi ng
isang pananaliksik at mga nilalaman ng bawat bahagi.

Preliminaryong mga Pahina


Unang Fly leaf

 Blangkong papel

Pahina ng Pamagat

Ito ay naglalaman ng sumusunod:

 Pamagat ng pananaliksik
 Buong pangalan ng mananaliksik
 Pangalan ng gurong pagpapasahan ng papel
 Pangalan ng kurso
 Petsa ng pagpasa ng pananaliksik
 Pangalan ng paaralan

Pasasalamat

 Iniisa-isa rito ang pangalan ng indibiduwal, pangkat, at/o institusyong nakatulong sa pagbuo
ng pananaliksik na siyang kinikilala at pinapasalamatan

Talaan ng Nilalaman

 Listahan ng mga kabanata at nilalaman ng mga ito na may nakatapat na kaukulang numero
ng pahina

Talaan ng mga Talahanayan at Graph

 Listahan ng mga pamagat ng talahanayan at graph na may nakatapat na kaukulang numero


ng pahina

Ikalawang Fly leaf
 Opsyonal ang paglalagay
 Naghihiwalay sa preliminaryong mga pahina sa kasunod na bahagi ng pananaliksik

Panimula
Kaligiran ng Paksa

 Ipinapaalam ang background ng paksa

Layunin ng Paksa

 Listahan ng mga gawaing isasagawa ng mananaliksik upang makumpleto ang pananaliksik

Gamit ng Paksa

 Listahan ng mga pakinabang ng paksa

Konseptuwal na Balangkas o Balangkas Teoretikal

 Pangkalahatang paglalarawan ng mga konsepto o teorya na tutulong sa mananaliksik sa


pagsusuri ng kaniyang mga datos

Saklaw at Delimitasyon

 Paglalarawan sa tuon ng paksa at hangganan ng pag-aaral

Depinisyon ng mga Terminolohiya

 Pagbibigay kahulugan sa ilang salitang gagamitin sa kalakhang pag-aaral upang mabigyan


ang mga ito ng konteksto

Katawan
Kaugnay na Literatura

 Naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral sa paksang ginagawan ng pananaliksik

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

 Pagtatalakay sa kung anong uri ng pananaliksik ang pag-aaral at kung ano-ano ang
ginawang pamamaraan ng mananaliksik sa pangangalap ng datos

Presentasyon at Interpretasyon ng Datos

 Paglalarawang muli sa metodo ng pananaliksik at paglalahad kung paano ito naisagawa at


kung ano-ano ang mga isyung nakaharap
 Presentasyon ng mga nasuring datos sa paraang patalata, patabular, o graphic

Kongklusyon

 Paglalagom sa mga nasuring datos


 Pagtatalakay sa kung paanong nakamit ang mga layunin ng pananaliksik
 Pagbibigay ng rekomendasyon para sa ibayong pagpapabuti ng pag-aaral ng paksa

Sanggunian o Bibliograpiya

 Depende sa kung anong sistema ng dokumentasyon ang hinihingi ng guro. Ang bahaging ito
ng pananaliksik ay ang paglilista ng mga pinagkuhanan ng datos partikular na ang mga
nailimbag na teksto, nabasang website, napanood na programa o pelikula, napakinggan
na audio clip, at iba pang materyales na pinaghanguan ng impormasyon
Mga Paalala
 Ang katawan ng pananaliksik ang pinakamahabang bahagi ng pag-aaral.
 Ang introduksyon at kongklusyon naman ay nararapat na halos pareho lamang ng haba o
ikli.
 Alamin at sundin ang mungkahing pormat ng pananaliksik na ibinigay ng iyong guro.

Mahahalagang Kaalaman
 Mahalaga ang bawat bahagi ng pananaliksik, ang mga ito ay ang--preliminaryong pahina,
panimula, katawan ng pananaliksik, kongklusyon, sanggunian o bibliograpiya.
 May iba’t ibang kahilingan para sa bawat bahagi at kasanayang hinihinging gampanan.
Mainam maging maalam kung ano-ano ang mga kahilingan ng bawat isang bahagi at ang
paraan ng pagsulat nito upang maging maayos ang daloy ng buong papel.

You might also like