You are on page 1of 27

MGA

PRELIMINARYONG
PAHINA
Preliminaryo, ang mga
pahinang nasa unahan ng teksto.

•Dahon o pahina ng pamagat


•Dahon o pahina ng pagpapatibay
•Abstrak
•Dedikasyon
•Pagkilala
•Talaan ng Nilalaman
•Talaan ng Talahanayan
•Listahan ng larawan o figyur
Dahon o pahina ng Pamagat

 Ito ang unang pahina sa papel pananaliksik.


 Hindi ito minamarkahan ng numero ng pahina.
 Nilalaman nito ang mga sumusunod:
1. Pamagat ng Pananaliksik
-( malaking titik-bold )
2. klasipikasyon ng tesis( tesis o disertasyon)
-( malalaking titik )
3. departamento, kolehiyo,
unibersidad/institute, syudad
Dahon o pahina ng Pamagat

4. programa o digri
-( malalaking titik )
5. awtor
-( malalaking titik-bold )
6. petsa (buwan at taon)
Dahon o pahina ng Pamagat
Dahon ng Pagpapatibay

 Layunin nitong isaad na ang tesis ay pinagtibay


ng mga miyembro ng panel na nakapasa bilang
pangangailangan sa kurso at nakapasa rin sa
oral na depensa sa harap ng panel.
 Tinataglay nito ang pangalan ng advayser at iba
pang miyembro ng panel na kailangang may
orihinal na pirma o lagda.
 Ito ang ikalawang pahina na hindi rin dapat
markahan ng numero.
 Nakasulat ito gamit ang single spacing.
Dahon ng Pagpapatibay
Abstrak
 Pangkalahatang overview ng pananaliksik.
 Nilalaman nito ang pagpapahayag ng layunin/
mga layunin at suliranin ng pag-aaral, ang
pamamaraang sinunod , ang resulta at
konklusyon ng pag-aaral.
 Ikatlong bahagi ng mga preliminaryong pahina
na may markang 111 ang pahina sa kanang itaas
na bahagi ng papel.
 Hindi ito dapat ipagkamali sa buod ng pa-aaral.
 Ang heading ng pahina nito ay ABSTRAK na
nasusulat sa malalaking titik at nakabold ang
font.
Abstrak
Dedikasyon

 Kung ang dedikasyon mo ay bubuuin lamang


ng isang pahina, hindi na kailangan pang
isulat ang heading na DEDIKASYON. Ngunit
kung higit sa isang pahina, kailangang
makita ang heading na ito.
 Nilalaman nito ang pag-alay sa malalapit at
mahahalagang tao sa buhay ng awtor na
nagbigay-inspirasyon upang matapos ang
pag-aaral.
Dedikasyon

 Gawing simple ang dedikasyon.


 Ang pagpapahina ay pagpapatuloy ng bilang
ng pahina ng abstrak.
 Times New Roman, size 12
 Hindi pinahihintulutang gumamit ng
sopistikado, maarte, at madisensyong
paraan ng paglalahad sa dedikasyon.
Dedikasyon
Pasasalamat o Pagkilala

 Nagtataglay ng pagkilala ng awtor sa mga


tulong at suportang ipinagkaloob ng mga
indibidwal o mga organisasyon na may
malaking kontribusyon upang matapos ang
pag-aaral.
 Ang heading para rito ay PASASALAMAT
(maari ring PAGKILALA) na nakasulat sa
malalaking titik na nakasentro at kailangang
nakabold na font.
 Ang pagpapahina ay pagpapatuloy ng bilang
ng huling pahina ng dedikasyon.
Pasasalamat o Pagkilala

 Mga protokol na dapat sundin:


-dapat kilalanin ang advayser na
katuwang ng mananaliksik upang mabuo ang
pag-aaral
-susunod ang mga miyembro ng panel na
nagbigay ng pagpapatibay upang matapos
ang pananaliksik.
-ibang may malaking nagampanan upang
mabuo ang pananaliksik katulad ng mga
respondente o impormante
Pasasalamat o Pagkilala

-mga katulong na mananaliksik


-enkoder
-transkrayber
-gumawa ng klasipikasyon ng datos
-istatistisyan kung mayroon man
-nagbigay o nagpatibay sa iskolarsyip grant
-iba pang may kaugnayan sa pagkakabuo ng
papel pananaliksik
Pasasalamat o Pagkilala
Talaan ng Nilalaman

 Ang pamagat ng mga tsapter o seksyon ay


nakalista rito.
 Kung paano ang pagkakasulat sa loob ng
manuskrito ay dapat na ganoon din ang
makikita rito.
 Ang heading ng mga preliminaryong pahina
at maging ang mga tsapter at pamagat nito
ay dapat nakasulat sa malalaking titik.
 Ang mga sub-pamagat ay nakasulat dapat sa
maliliit na titik maliban sa simula ng salita.
Talaan ng Nilalaman
Talaan ng Talahanayan

 Ang heading para sa mga pahinang ito ay


nakasulat sa malalaking titik at nakabold.
 Anumang mga talahanayan, figyur o
larawan na higit sa isa ay kailangang ilista.
 Kung nag-iisa lamang ang talahanayan,
figyur o larawan ay hindi na dapat
magkaroon ng pahina para rito.
Talaan ng Talahanayan
Mga
Panghuling
Pahina
Bibliyograpi o Reperensiya

 Ito ang talaan ng iba’t ibang basahin o mga


pinagkunan ng mga impormasyon.
 Hinahati ito sa apat na bahagi:
1. napublikang materyales ;
libro, jornal, magazin, peryodiko,
dokumento, diksyunaryo,
ensayklopidiya at iba pa.
Bibliyograpi o Reperensiya

2. di- napublikang materyales;


tesis, disertasyon, mga binasang papel sa
mga seminar, hand out sa klase, at iba pa.

3. impormasyong mula sa internet, radyo,


telebisyon, pelikula, dula at iba pa.

4. mula sa mga intervyu.


Bibliyograpi o Reperensiya
Apendix
 Ito ang mga suplementong materyales.

 Nagtataglay ito ng mga impormasyon bilang


pagpapatunay sa aktwal na pangangalap
ng mga datos tulad ng liham para sa mga
respondente o iba pang kinauukulan, mga
dokumentong inanalisa, tanong na ginamit
sa intervyu, at iba pa.
Apendix
 Mga karagdagang impormasyon sa paraan
ng pag-aanalisa ng mga datos tulad ng
listahan ng mga salita, kompyutasyon
kaugnay ng instrumentong istatistikal na
ginamit, at iba pa.
Impormasyon tungkol sa
mananaliksik
 Ang bahaging ito ay naglalaman ng maikling
impormasyon na nagpapakilala sa
mananaliksik o mga mananaliksik.

 Isinasama rito ang larawan ng mananaliksik


o mga mananaliksik na nasa itaas na kanang
bahagi.

You might also like