You are on page 1of 11

PORMAT SA PAGSULAT NG TESIS

MEDYOR SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Sukat ng Papel : 8.5 x 11” (pulgada)


Oryentasyon ng Papel : Patayo (Portrait)
Margin sa itaas : 1.0”
Margin sa ibaba : 1.0”
Margin sa kaliwa : 1.5
Margin sa kanan : 1.0”
Indensyon ng bawat talata : 0.5”
Istilo ng Font : Arial
Laki ng Font : 13 pt
Pagitan ng bawat linya : Doble ang espasyo (double space)
Paglalagay ng pahina (Pagination) : Sa itaas na bahagi, sa kanan,
katapat ng margin
Pormat ng pahina : Arial, 13, *

Batayang dapat sundin sa paglalagay ng pahina

Lowercased Roman Numeral ang gagamitin sa paglalagay ng pahina sa


preliminary.
Hindu-Arabic Numeral ang gagamitin sa paglalagay ng pahina sa lahat o
sa kabuuan ng tesis hanggang sa talasanggunian.

Note: Hindi lalagyan ng tambilang ang pahina ng bawat unang pahina ng


kabanata subalit kasama ito sa mga bilang ng pahina.
PAMAGAT NG PAG-AARAL
(MALALAKING TITIK, BOLD at pabaligtad na pyramid ang ayos)

Tesis
Na Iniharap sa
Kaguruan ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Lungsod ng Batangas

Pitong (7) isahang espasyo


ang pagitan (7 single spaces)

Bilang Bahagi ng
Kahingian sa Pagtatamo ng Degring
BATSILYER NG EDUKASYON
Medyor sa Pagtuturo ng Filipino

Anim (6) na isahang espasyo


ang pagitan (6 na single
spaces)

Pangalan ng Mananaliksik (Pangalan, Gitnang Inisyal, Apelyido)

Lima (5) na isahang espasyo


ang pagitan (5 single spaces)

Petsa ng Pagtatapos (Buwan at Taon) 4


KABANATA I

ANG SULIRANIN

Panimula
Ang bahaging ito (panimula) ay nagtataglay ng sinopsis ng suliranin
ng pag-aaral. Inilalahad dito ang pangkalahatang pagtalakay mula sa
sariling kaalaman ng mananaliksik na may kaugnayan sa paksang pinag-
aaralan. Maaaring suportahan ng paliwanag ang pagtalakay mula sa
nalimbag na mga aklat at pag-aaral na may kaugnayan sa isinasagawang
pananaliksik. Ang pagtalakay ay deductive o pasaklaw mula sa malawak
tungo sa pinakamaliit na konseptong may kinalaman sa paksa/suliranin.
Sa huling talata o huling bahagi ng panimula, tiyaking ito’y
makapagbibigay ng matibay na pundasyon at kasama o kalakip dito ang
rasyonale ng pag-aaral kung bakit ito ang iyong pag-aaralan o pinag-
aralan.

 Batayang Dapat Sundin


 KABANATA I (Gitna, MALALAKING TITIK, Bold)
 ANG SULIRANIN (double space ang pagitan nito sa
KABANATA I, gitna, MALALAKING TITIK, Bold)
 Panimula (sa kaliwa, Malaki-maliliit na titik at Bold)
 Ang simula ng bawat talata ay nakapasok (indented) ng 0.5”
(pulgada).
 Anim (6) hanggang sampung (10) pahina ang haba ng
panimula (double-space)
 Maging konsistent sa paggamit ng mga sanggunian at isama
ang taon kung kalian ito na-publish.
 Pinapayagan ang paggamit ng cross referencing o ilang awtor
sa isang konsepto.
 Pag-ugnay-ugnayin ang mga konsepto/ideya sa
pamamagitang ng mga linking devices at transitions.
 Lahat ay dobleng espasyo (double space) ang pagitan ng
mga linya ng talakay

Mga Layunin ng Pag-aaral


Sa bahaging ito inilalahad ang pangkalahatang layunin at
ispisipikong layunin ng pag-aaral.

 Batayang Dapat Sundin


 Paglalahad ng Layunin (sa kaliwa, Malaki-maliliit na titik at
Bold)
 Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral ay ilahad muna
bago ang mga ispisipikong layunin.
 Ang mga layunin ng pag-aaral na nakalahad gamit ang
imperative form.
 Gagamitin ang Hindu-Arabic numerals sa paglalahad ng mga
layunin.
 Nakapasok ng 0.5” ang paglalagay ng bilang sa bawat
tanong.

Haypotesis (kung meron)


Ang haypotesis ay matalinong paghihinuhang binubuo at
pansamantalang ginagamit o gagamitin upang ipaliwanag ang mga
nakalap na impormasyon na saklaw ng pag-aaral.

 Batayang Dapat Sundin


 Haypotesis (sa kaliwa, Malaki-maliliit ng titik at Bold)
 Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5 pulgada.
Gagamitin ang null haypotesis.

Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pag-aaral


Ilalahad sa bahaging ito ang saklaw ng pananaliksik, haba at tagal
ng pag-aaral at (mga) limitasyon ng pag-aaral na may direktang epekto sa
magiging resulta ng pag-aaral.
Ang saklaw ng pag-aaral ay tumatalakay sa mga impormasyon at
ideya na sakop ng pag-aaral.
Sa delimitasyon ng pag-aaral, binabanggit dito ang mga
impormasyong may kaugnayan sa paksa subalit hindi naman sakop o
ginamit/gagamitin sa pananaliksik. Hal.: mga mag-aaral na hindi kabilang o
hindi mga kalahok, metodolohiya o pamamaraang hindi naman ginamit
atbp.). Ipinaliliwanag din sa bahaging ito kung bakit hindi kasama sa pag-
aaral ang mga nabanggit na halimbawa o ang iba pang mga aspeto.
Samantala, sa limitasyon ng pag-aaral, ipinahahayag dito ang
hangganan ng lawak ng pag-aaral. Dito’y bibigyang halaga kung hanggang
saan ang kailangang makasama sa pag-aaral upang maiwasan o
makontrol ng mananaliksik ang maaaring makasira o makaepekto sa
takbo, pamamaraan at resulta ng pag-aaral.

 Batayang Dapat Sundin


 Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pag-aaral (sa
kaliwa, Malaki-maliliit na titik at Bold)
 Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5” (pulgada).
 Tatlong (3) talata ang haba ng bahaging ito, double-spaced.
 Unang talata para sa saklaw, ikalawa, para sa delimitasyon at
ang huli ay para sa limitasyon.
 Ikatlong panauhan ng panghalip ang gagamitin.
 Ang mga ideya ay nararapat na magkakaugnay gamit ang
mga pang-ugnay at mga salitang angkop sa paksa ng pag-
aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at kung paano/saan
maaaring gamitin/magamit nag resulta ng pag-aaral – kahalagahan sa
pagtuturo, sa kurikulum, sa akademya at maging sa pagsasagawa ng
pagpaplano para

 Batayang Dapat Sundin


 Kahalagahan ng Pag-aaral (sa kaliwa, Malaki-maliliit na titik
at Bold)
 Ilahad ang (mga) kongretong implikasyon ng pag-aaral sa
edukasyon.
 Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5 pulgada.

Depenisyon ng Terminolohiya
Ang mga terminong bibigyang kahulugan ay iaayos na paalpabeto.
Ginagawa sa dalawang paraan ang pagbibigay ng kahulugan sa mga
termino. Una, ang kahulugang konseptwal at ikalawa, ang kahulugang
operasyunal.
Ang kahulugang konseptwal ay magmumula sa aklat, diksyunaryo o
iba pang babasahin. Isa pa, sa depinisyong ginamit, isasama rin ang awtor
na pinaghanguan ng depinisyon. Ang ikalawang depinisyon, ito ay ang
operasyunal na depinisyon kung paano ginamit ng mananaliksik ang
termino sa kanyang pag-aaral.

 Batayang Dapat Sundin

 Depenisyon ng Terminolohiya (sa kaliwa, Malaki-maliliit na


titik at Bold)
 Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5 pulgada.
 Sa paggamit ng sanggunian, kailangang konsistent, hangga’t
maaari, ang sanggunian ay nalimbag taong 2005 pataas.
 Ikatlong panauhan ng panghalip ang dapat gamitin.
 Bawat terminong bibigyang kahulugan ay bold at may tuldok
bago ang kahulugan, susunod ang awtor, ang taon ng
sangguniang pinaghanguan.
 Kasunod ng konseptwal na depinisyon ang operasyunal na
depinisyon. Sa operasyunal na pagbibigay kahulugan,
bibigyang kahulugan ang termino ayon sa gamit nito sa pag-
aaral.
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA

Sa kabanatang ito ilalahad ang literaturang konseptwal, kaugnay na


pag-aaral na may kinalaman sa kasalukuyang pag-aaral, sintesis,
teoretikal at konseptwal na balangkas, haypotesis (kung mayroon) at
depenisyon ng terminolohiya.

Literaturang Konseptwal
Binubuo ito ng pagtalakay sa mga kaugnay na konsepto na hango
mula sa iba’t ibang limbag na materyales, aklat, jornal, magasin, artikulo at
iba pang babasahin na may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan.
Maaaring gamiting hanguan ng literaturang konseptwal ang mga aklat,
magasin, jornal at iba pang mga babasahing lokal at banyaga.

 Batayang Dapat Sundin


 Literaturang Konseptwal (sa kaliwa, Malaki-maliliit na titik at
Bold)
 Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5 pulgada.
 May panimula sa literaturang konseptwal na bubuuin o binuo
ng dalawa hanggang tatlong talata (double-space).
 Ang paglalahad ng kaugnay na mga literature ay nakabatay
sa mga paksang inilahad sa mga layunin ng pag-aaral.
 Bawat pangunahing paksang tatalakayin ay naka-bold at may
tuldok bago ang talakay.
 Maaaring gumamit ng higit sa isang sanggunian sa isang
pahayag basta’t parehong konsepto ang kanilang
ipinaliwanag.
 Ang paggamit ng mga sanggunian ay dapat na konsistent at
kasama ang taon kung kailang ito na-publish.
 Ikatlong panauhan ang gagamitin sa paglalahad.
 Ang mga sangguniang gagamitin ay dapat na na-publish 10
taon mula sa taong kasalukuyan.
 Ang mga ideya ay dapat na magkakaugnay at gumamit ng
mga linking devices at transitions para mapag-ugnay-ugnay
ang mga ideya.

Teoretikal na Balangkas
Mayroong Teoretikal na Balangkas kung ang paksa ay may
kaugnayan sa (mga) teorya.
Ang Teoretikal na Balangkas ay ginagamit upang magkaroon ng
matatag na sandigan ang mga layunin ng pag-aaral, ang mga konseptong
inilahad, mga elemento, baryabols at kung ano ang kaugnayan ng pag-
aaral sa umiiral na phenomenon sakasalukuyan. Sa bahaging ito,
kailangang makapaglahad ang (mga) mananaliksik ng dalawa (2) o tatlong
(3) teorya na may kaugnayan sa isinasagwang pag-aaral sapagkat malaki
ang maitutulong nito upang makapabigay ng (mga) interpretasyon,
pagsususri at pagbuo ng espisipikong panuntunan o impormasyon na
magiging gabay sa paglikha ng mga bagong kaalaman. Sa bahaging ito rin
inilalahad ang teoretikal na paradim.

 Batayang Dapat Sundin


 Teoretikal na Balangkas (sa kaliwa, Malaki-maliliit na titik at
Bold)
 Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5 pulgada.
 Maging konsistent sa paggamit ng mga sanggunian, isama
ang taon kung kalian ito na-publish.
 Sa paglalagay ng teoretikal na paradigm, kailangang may
wastong lebel sa ibaba ng paradim. (Malaki-maliliit na titik at
Bold)
 Ikatlong panauhan ng panghalip ang gagamitin.
 Ang mga pangungusap sa talata ay dapat magkakaugnay,
gayun din, ang pagkakasunud-sunod ng mga talata at mga
ideya ay dapat ding magkakaugnay.

Konseptwal na Balangkas
Malinaw na ipinaliliwanag sa bahaging ito ang kaugnayan ng mga
baryabol at konsepto sa kasalukuyang pag-aaral. Makikita sa paradim ng
pag-aaral ang iba’t ibang uri ng baryabol sa pag-aaral, mga prosesong
ginamit at ang kapaki-pakinabang na resulta ng pag-aaral.

 Batayang Dapat Sundin


 Konseptwal na Balangkas (sa kaliwa, Malaki-maliliit na titik
at Bold)
 Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5 pulgada.
 Mayroong talakay sa (mga) konsepto sa unang talata.
 Ang haba ng citation ay kailang dalawa (2) hanggang tatlo (3)
pangungusap lamang, double-spaced.
 Sa paggamit ng sanggunian, kailangang konsistent, isama
ang taon kung kalian ito na-publish.
 Sa paglalagay ng konseptwal na paradigm, kailangang may
wastong lebel sa ibaba ng paradigm (Upper Lower Case,
Bold)
 Ikatlong panauhan ng panghalip ang gagamitin.

KABANATA III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ilalahad ang disenyo ng pananaliksik, paksa,


kagamitan at pamamaraang ginamit sa pangangalap ng mga datos,
kabilang na rin ang mga estadistikang ginamit/gagamitin upang masuri ang
datos.

Disenyo ng Pag-aaral
Ilalahad sa bahaging ito ang gagamiting disenyo ng mananaliksik na
angkop sa kasalukuyang pag-aaral. Ang disenyong gagamitin ay
susuportahan ng malinaw na paliwanag mula sa manunulat o sangguniang
gagamitin kasama ang taon ng pagkakalimbag.

 Batayang Dapat Sundin


 Disenyo ng Pag-aaral (sa kaliwa, Malaki-maliliit na titik at
Bold)
 Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5 pulgada.
 Sa paggamit ng sangunian, kailangan o hangga’t maaari, ang
sanggunian ay nalimbag taong 2005 pataas.

Kalahok ng Pag-aaral
Tatalakayin sa bahaging ito kung paano at saan nagmula ang paksa
ng pag-aaral. Ilalahad din ang bilang ng kalahok na kailangan sa paksa,
kailangan ding banggitin ang paraan at disenyo ng sampling na gagamitin
upang makuha ang bilang ng kalahok.

 Batayang Dapat Sundin


 Kalahok ng Pag-aaral (sa kaliwa, Malaki-maliliit na titik at
Bold) Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5 pulgada.
 Kailangang ilagay sa talahanayan ang bilang ng kalahok at
kung saan sila mula. (Ngunit kung tig-iisa lamang ang kalahok
mula sa iba’t ibang lugar, mabuting ilahad ito sa
patalata/pasanaysay na paraan.
 Sa talahanayan (table), dapat sundin ang mga pamantayang:
 Ang talahanayan ay may label gamit ang Hindu-Arabic
numerals(bold).
 Ang bilang ng talahanayan at pamagat ay naka-bold
 Walang linya ang gilid ng talahanayan, gilid na kaliwa at
kanan.

 Ang text size ay 13, kung sakaling mapuputol ang


talahanayan ay maaari itong paliitin hanggang size 10
upang magkasya sa isang pahina (Di dapat maputol ang
talahanayan).

Paraan ng Pangangalap ng Datos


Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga kagamitan at mga paraang
gagamitin sa pangangalap ng mga datos tulad ng talatanungan,
pagsusulat, panayam, FGD atbp.
Sa pagbuo o paghahanda ng talatanungan, malinaw na ipaliliwanag
ang paraan ng pagkakabuo ng instrumentong ito. Ipaliliwanag din kung
papaano magiging balid at makatotohanan upang maging katanggap-
tanggap. Maaari ding gawin ang panayam at ang Focus Group Discussion
kung kinakailangan upang makakalap ng mga karagdagang datos na
susuporta at magpapatibay sa interpretasyon ng pag-aaral.

 Batayang Dapat Sundin


 Paraan ng Pangangalap ng Datos (sa kaliwa, Malaki-maliliit
na titik at Bold)
 Maglahad ng maikling introduksyon sa instrumento na
gagamitin sa pangangalap ng datos
 Ang simula ng bawat talata ay pasok nang 0.5 pulgada.
 Ilarawan ang disenyo ng pananaliksik/instrumento
 Ikatlong panauhanng panghalip ang dapat gamitin.
 Ang instrumento na ginamit ay naka-bold at may tuldok sad
ulo.
 Ang konstruksyon, balidasyon, administrasyon at
pagmamarka sa tugon ng mga kalahok ay hindi naka-bold
subalit naka-italic at may tuldok pagkatapos ng salita.
 Ang mga ideya ay dapat na magkakaugnay.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos


Sa bahaging ito, ilalahad ng mananaliksik ang (mga)
proseso/hakbang na isinagawa sa pangangalap ng datos. Ang mga
sumusunod na hakbang ay maaaring maisaalang-alang sa pamamaraan
ng pangangalap ng datos. Kapag ang pangunahing instrumento ay
nakitang valid at reliable, kailangang humingi ng pahintulot/permiso ng
mananaliksik sa direktor o prinsipal ng ahensya/institusyon kung saan
konektado ang target na kalahok sa pananaliksik na makapagbahagi ng
talatanungan. Kapag nakuha ang pahintulot, maaari nang makapagbigay
ng talatanungan ang mananaliksik sa target na mga kalahok. Ang tagal ng
pamamahagi at muling pagkuha/retrieval ng talatanungan ay dapat na
ilahad sa pananaliksik.

 Batayang Dapat Sundin


 The left heading is Data Gathering Procedure in title case
and highlighted (bold).
 The first line of each paragraph should be indented by 0.5 in.
 Third person pronouns should be used.
 Ideas must be connected using linking devices and transitions.

Estadistikang Ginamit
Ilalahad sa bahaging ito ang espisipikong estadistikang
ginamit/gagamitin sa pag-aanalisa ng bawat katanungang dapat sagutin sa
pag-aaral.

 Batayang Dapat Sundin


 Estadistikang Ginamit (sa kaliwa, Malaki-maliliit na titik at
Bold)
 Ang simula ng bawat talata ay pasok ng 0.5 pulgada.
 Ang estadistikang gagamitin ay bold at may tuldok bago ang
paliwanag.
 May panimula o instroduksyon sa bawat estadistika at
paglalahad kung saan ito gagamitin

You might also like