You are on page 1of 2

Ito ang mungkahing balangkas ng Konseptong Papel

(Ito ang layout ng susulating konseptong papel ng mga kumukuha ng DISIFIL Isusumite ngayong midterms.
Iminumungkahi rin na kuing maaari ay sundin ang layout ng papel. Wala nang gagawin ang mga mag-aaral kundi ang
mag-encode na lamang ng nilalaman nito )

PANSAMANTALANG PAMAGAT NG PANANALIKSIK PAPEL:


ISANG KONSEPTONG PAPEL

Mag-aaral 1
Mag-aaral 2
Mag-aaral 3
SEKSYON
PAPANIMULA/KALIGIRAN

Ang bahaging ito ay maglalaman ng dalawa hanggang tatlong talata na


maglalarawan ng kaligiran at mga katotohanan na nagbigay daan at nagbukas sa mga
proponent (mag-aaral) upang makaisip at magsagawa ng hinihinging paksang
pananaliksik
Dito rin ilalawaran ang umiiral na isyu o usapin kaugnay sa paksang napili.
Babanggit dito ng mga nauna nang pag-aaal (prior researches) na nagpapatunay na
mayroong gap o puwang sa pag-aaral na naisagawa.
Sulatin ang bahaging ito hanggang tatlong talata lamang. Gawing matuwid at
malinaw ang mga pahayag na may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan.

MUNGKAHING TITULO O PAMAGAT

Ipapaliwanag sa bahaging ito bakit ito ang pamagat ng pag-aaral. Ilalahad ang
rasyonal o dahilan sa pagbuo ng nasabing paksa ng pag-aaral.

RASYUNAL, MGA LAYUNIN at KAUGNAY NA PAG-AARAL

Sa bahaging ito ihahanay ang rasyunal, mithiin at mga layunin ng


pagsasakatuparan ng isang adbokasiya para sa natukoy na usapin o paksa.
Tandaan na ang Rasyunal, Layunin at Kaugnay na pag-aaral ay magkakaiba.
Iminumungkahi na ang bawat isa ay maisulat sa magkakaibang talata upang
maiwasan ang paghahalo ng mga ideya na magdudulot ng kalituhan.

Sa unang talata, taglay ng RASYUNAL ang pinagmulan ng ideya o


kadahilanan kung bakit napili ang isang paksa. Ang kabuluhan at
kahalagahan ng naturang paksa ay inilalahad sa bahaging ito. Tatalakayin sa
bahaging ito ang mga pangunahign dahilan kung bakit napili ang paksa
gayundin ang benepisyong makakamit ng pagsasagawa ng nasabing pag-aaral
Sa ikatlong talata naman ang paghahanay ng mga layunin. Malinaw at
tuwirang ihanay dito ang mga layunin.
Ang mga LAYUNIN ay mga pahayag na nabuo habang at matapos na
maisip ang paksa o usaping bibigyang pansin. Bumuo ng mga TATLONG
layuning masusukat at makatotohanan at masasagot sa pamamagitan ng
pananaliskik. Nararapat na ang mga layunin ay konkteto upang masagot.
Iwasan angmga layuning masasagot ng ng “oo” o “hindi” .Ang tatlong layunin
ng pag-aaral ang magsisilbing pangunahing suliraningn sasagutin sa pag-
aaral. Ilahad ito sa talata sa anyong patanong. Markahan ng titik a,b, at c ang
bawat layuning mabubuo.
Sa IKATLONG talata naman ay magkaroon ng pagtalakay ng mga nauna
nang pag-aaral o kaugnay na literature at pag-aaral na magisislbing ebidensya o
patunay o suporta sa iyong paksa.
Paalala: Hindi nililimatahan sa pagsulat ng isang talata lamang bawat talakay,
mas komprehensibong pagtalakay , mas mainam.
DISENYO NG PROYEKTO: PAMAMARAAN

Sa bahaging ito malinaw at detalyadong ilalarawan ang pamamaraan ng


pangangalap ng datos. Sino ang magiging participant, ilan ang pipiliing partisipant,
paano sila pipiliin, ano-ano ang kraytirya sa pagpili ng partisipant. Tukuyin ang uri ng
non-probability sampling na gagamitin sa pagpili ng partisipant.(tumingin sa internet
ng mga uring non-probability sampling) . Tukuyin din ang paraang gagamitin sa
pangangalap ng datos sa mga partisipant gayundin ang paraan ng pagsusuring
gagamitin sa datos na makakalap.
TEORETIKAL NA BATAYAN
Sa bahaging iyo ay magtatalakay ng posibleng teoryang maaring pagbatayan ng pag-aaral.
Ang teora ay anumang ideya oa kaisipan mula sa isang eksperto na nagpapaliwanag ng
paksang pinag-aaral. Huwag kakalimutang ibigay ang proponent ng nasabig teorya.

SANGGUNIAN
Itatala sa bahaging ito lahat ng mga naging sanggunian sa pagsulat ng konseptong papel.

Mungkahing porma ng papel:


Font: Bookman Old Style , normal
Plee be consistent when using font style , if bold, italicized or nderlines
Size: 11
Spacing: Single-spaced
Double-spaced – pagitan ng bawat talata
Margin: L-1.5 R-1 T-1 B-1
Papel: 8.5 x 11
Title: font size is 14, upper case, bold, centered
Names of Proponent and section: font size 12, Only first letter of each name is in upper case, first name first, bold,
centered
Indentation: .5 in all indentation
* HINDI NA KINAKAILANGANG ILAGAY SA FOLDER.

You might also like