You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

IKATLONG MARKAHAN
March 8, 2023

I. LAYUNIN
Natatalakay ang kahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maaunlad, mapayapa at
mapagkalingang pamayanan.

B. Pamantayan sa pagganap
Naipakikita ang tunay na paghanga at pagmamalaki sa mga sakripisyong ginawa
ng mga Pilipino.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa
pamamagitan ng pamomodelo ng kanilang pagtatagumpay.

II. NILALAMAN
Aralin: Pagbibigay halaga sa Magaling at Matagumpay na Pilipino sa pamamagitan ng
Pagmomodelo ng kanilang Tagumpay

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: EsP-CG pahina 83 ng 153, EsP6PPP-IIIc-d-35
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo

III. PAMAMARAAN
ALAMIN NATIN
IKALAWANG ARAW
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
itanong:

Ano ang pagkakaiba mo sa ibang

pangkat? May pagkakatulad ba ang

bawat pangkat?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ilahad ng guro ang layunin para sa araw na ito.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Hihikatin ng guro ang mga mag-aaral na magbahagi tungkol sa kanilang ginawa

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Gawain 1

“Talk to

Me”

Pumili ng kapareha ang bawat mag-aaral.

Pasagutan ang mga sumusunod na tanong.

Mga Tanong:

a. Ano ang kulay ng iyong mga mata?


b. Ilan taon ka na?
c. Ilan kayong magkakapatid?
d. Ano ang paborito mong kanta?
e. Sino ang paborito mong artista?
f. Ano ang paborito mong laro?
g. Ano ang paborito mong palabas?

1. Ipakita sa kapareha ang mga sagot.


2. Tingan kung pareho kayo ng sagot at simulan ang “talk to me”.

Pag-uusapan sa klase ang mga sagot ng bawat mag-aaral. Bigyan diin ng guro na ang
bawat isa ay may pagkakatulad at pagkakaiba subalit lahat tayo ay iisa at sama-sama
sa pagkakaisang pambansa.

Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Gawain: “Barkada Ko…Magtulungan Tayo..”

a. Bumuo ng limang pangkat.


b. Bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng larawan ng pangkat etniko. Suriin at ilarawan
ang pangkat etnikong naitalaga sa inyo. Gumamit ng graphic organizer tulad ng
nasa ibaba sa paglalahad ng inyong sagot. Maaaring magdagdag ng iba pang
impormasyong nakalap ng inyong pangkat tungkol sa pangkat na ito.
c. Gamitin ang mga gabay na tanongsa ibaba sa inyong pag-uulat.
 Ano ang tawag sa kanilang pangkat?
 Saan sila matatagpuan?
 Ano ang kanilang mga pangunahing katangian?
 Ano ang kanilang ikinabubuhay?
 Ano ang maitutulong natin sa kanila?
d. Sa loob ng dalawang minuto, ibahagi sa klase ang inyong nagawa.

e. F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Pagkatapos ng pag-uulat, itanong kung ano ang nakitang pagkakatulad at


pagkakaiba ng mga pangkat.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Itanong:

Kung mayroon kang kaklase na kasapi sa pangkat-etniko, paano mo ipakikita ang


iyong pagtanggap sa kanya

H. Paglalahat ng Aralin

Abstraksyon:

a. AnO-ano ang mga katangian mayroon ang bawat pangkat-etniko?tradisyon?


paniniwala?

Ang mga pangkat-etniko ba lamang ang may layunin na magkaoon ng


pambansang pagkakaisa? Ipaliwanag.

I. Pagtataya ng Aralin

Magbigay ng tatlong (3) paraan upang maipakita ang pagtanggap sa pangkat-


etnikong Pilipino

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Maghanda ng maskara ng iba’t ibang pangkat-etniko.

You might also like