You are on page 1of 4

Banghay Aralin

Filipino 8
Ikatlong Markahan Modyul 2

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


isang dakilang pampanitikan na mapagkukunan ng mahalagang kaisipang magagamit sa paglutas
ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio


broadcast na naghahambing sa lipunan ang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan.

I. Mga Layunin
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga angkop na ekspresyon sa
pagpapahayag ng pananaw.
b. Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences, opinyon at personal na
interpretasyon ng kausap (F8PN-llld-e-29);
c. natutukoy ang mga kilalang komentarista sa radyo/telebisyon..

II. Paksang-Aralin
a. Paksa:

• “Komentayong Panradyo”
b. Sanggunian: Filipino 7: Ikatlong Markahan- Modyul 2:
c. Kagamitan: kartolina, marker, gunting, pandikit at tsart

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
• Panalangin
• Pagtala ng Liban
• Pampasiglang Gawain (kantahing bayan)
• Pagwawasto ng Takdang-Aralin

2. Balik-aral
1. Ano ang popular na babasahin?
2. Bakit kaya mahalagang malaman natin ang mga popular na
babasahin?
3. Pagganyak
Panuto: “kilalanin mo ako”

• Magpapakita ang guro ng larawan.


• Pagkatapos tatanungin ng guro ang isang mag-aaral patungkol sa
larawang nakita.

B. Paglalahad ng aralin
• Presentasyon ng Layunin
a. Mga gawain bago bumasa
• Talasalitaan

b. Mga gawain habang bumasa


” Komentaryong Panradyo”
- Magpaparinig ang guro ng isang balita.
c. Mga gawain pagkatapos makinig
• Mga Tanong
1. Ano ang pamagat na inyong napakinggan?
2. Bakit kaya mahalagang matutunan natin ito?

1. Gawain (Activity)
Panuto: “ Tara, alamin mo ako”
• Papangkatin ang klase sa tatlo.
• Hanapin mula sa kahon ang angkop na positibo o
negatibong pahayag para mabuo ang diwa ng mga
pangungusap.
• Isulat ito gamit ang nakahandang papel at ipresenta
ito sa harap ng klase.
• Bibigyan lamang ng tatlong minuto ang mga mag-
aaral sa paghahanda at dalawang minuto sa
presentasyon.

A. Positibong Pahayag

a. Hangang-hanga ako b. Napakahusay c. Gustong- gusto ko

1. __________________ng nabuong plano upang masolusyunan ang problema.


2.___________________sa pagiging mapagkumbaba ni Allan.
3.___________________ang mamasyal tuwing sabado.

B. Negatibong Pahayag

a. Hindi ko natipuhan b. Napakasakit c. Hindi ko gusto

4.___________________ang pagdadabog ng aking kapatid kanina.


5.___________________ang taong mapamintas.

PAMANTAYAN
KAWASTUHAN NG SAGOT ----------10 puntos
PRESENTASYON ------------------------ 5 puntos
PAGKAKAISA-----------------------------5 puntos
KABUUAN --------------------------------20 puntos

2. Pagsusuri (Analysis)
1.Ano ang inyong paraan upang masuri ang angkop na positibo
o negatibong pahayag?
2. Paano nakatutulong ang ginawang pagsusuri upang mabuo
ang diwa ng mga pangngusap?

3. Paglalahat (Abstraction)
1. Ano ang komentaryong Panradyo?
2. Bakit ito mahalaga?
3. Ano ang iyong pakiramdam habang nakikinig ng mga
komentarista?
4. Bilang mag-aaral, paano nakakatulong sa iyo ang
napakinggang komentaryo?

4. Paglalapat (Application)
Panuto: “Buoin mo ako”
• Papangkatin ang klase sa dalawa.
• Bawat pangkat ay magpapaunahan sa pagbuo ng salita na
nakascramble, Isulat ito gamit ang nakahandang papel at
ipresenta ito sa harap ng klase.

OUCERNANN AKISMU BANGANLI TALIBA

PAMANTAYAN
KAWASTUHAN NG SAGOT-------------------------------------------------------15 puntos
PRESENTASYON----------------------------------------------------------------------10 puntos
PAGKAKAISA--------------------------------------------------------------------------5 puntos
KABUUAN ------------------------------------------------------------------------------30 puntos

C. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung saan napapabilang ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letrang
K kung ito ay katotohanan at O naman kapag ito ay opinyon.

_____1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago.


_____2. Agila an gating pambansang ibon.
_____3. Batay sa resulta ng imbestigasyon, si Juan nga ang nagnakaw sa pera
_____4. Masarap daw ang kumain sa bukid ayon kay Jose.
_____5. Para kay ZJ, ang kanyang ama ang pinakamahusay na mang-aawit.
_____6. Sa mata ni Liam, Si Lapu-lapu ang pinakamatapang na bayani.
_____7. Ang pilipinas ay naging kolonya ng espanya sa loob ng 333 taon.
_____8. Batay sa Philippine statistical authority, 5.99% ng kabataang babae sa pilipinas
ay nakakaranas na maagang pagbubuntis.
_____9. Sa palagay ni Vi, uulan na naman nang malakas mamaya.
_____10. Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng pilipinas.

D. Takdang-Aralin
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay ng Komentaryong Panradyo patungkol sa mga
napapanahong isyu.
PAMANTAYAN
ANGKOP SA PAKSA --------------15 puntos
BALARILA-----------------------------10 puntos
KALINISAN----------------------------- 5 puntos
KABUUAN---------------------------- 30 puntos

Nagpapakitang-turo:
Jennifer T. Bioy

You might also like